Advertisement

Thursday, August 11, 2011

The Day ako ay naging ISTATWA

Dear insansapinas,
Alas nuwebe y media ng umaga. Mainit ang araw. Nakatayo ako sa bus stop. May appointment ako sa doctor na nireschedule kaya lang hindi ko pwedeng reschedule ko ang aking ride. One day lang pagitan. So bus ako. 

Pero hindi ang appointment ko ang aking kuwento. Hindi rin ang bus. Kundi ang Araw  na ako ay naging Istatwa,


Maitim ang mga mata ng mamang lumapit. Masyadong rich pa ang imagination ko. Katatapos ko lang basahin ang isang nobela tungkol sa serial killer na ninanakaw ang screen name mg mga teenagers tapos tinext na kunwari sila yong kaibigan nila na gustong makipagkita.Tapos pinapatay niya.  Pero hindi rin yan ang kuwento ko. Kulit eh.

Naupo yong mukhang serial killer doon sa gutter. Actually, hindi siya gutter. Sementado siyang nagdidivide siya sa sidewalk at sa parking area. Wakang bubong ang bus stop na yon. Isa lang poste na may nakalagay na sign at mga boxes na may lamang mga apartment guides, flyers at iba-iba pa.

Nasa left side ko ang mama at sa peripheral vision ko lang siya nakikita dahil ang focus ko ay sa bus na darating.

Maya-maya ay may dumating na babae. Maganda siya at bata pa. May dalang bag ng damit. Sa side ko lang nakikita yan ha. Isip ko baka magtatanan ang dalawa. 

Biglang kumarga ang babae sa lalaki na akala mo ba ay wala ako doon. Medyo kinurot ko sarili ko. INVISIBLE BA AKO? Kulang na lang silang mahiga. Hindi pa ako tumitingin niyan ha at baka ako ay ulanin ng holy water galing sa itaas.

May dumating na mag-ina. Dalawang taon lang ang bata.
Hindi kagaya ko, ang babae ay tinitigan sila ng diretso at inirapan. TATLONG BESES. HINDI SILA NATUNAW. Ang bata ay may pagkatsismoso rin. The more na tinatakpan ng nanay niya ang dalawa, lalo naman itong lumalapit para tingnan ang dalawang naglalampungan.

Ako, ISTATWA lang. Sakit na ng leeg ko sa hindi paggalaw. Husme. Buti na lang dumating na ang bus. Naghiwalay ang dalawa. Ang lalaki ay sumakay ng bus at ang babae naman ay nagpatuloy ng paglakad. UH?

Pinaysaamerika

2 comments:

Anonymous said...

Mam Cathy,

Natawa ako. Hahaha. I can imagine the scenario at parang nakikita ko ang reaction mo or 'yung pa-deadma effect mo sa nangyayari. Hahaha.

Iba na talaga ang panahon ngayon. And I like the term "rich ang immagination". More of this post Mam Cath. Haha.

Dencios

cathy said...

naku lalo dito dencios. pero in fwerness naman ang mga puti hindi masyado. yong ibang lahi. hindi rin mga pinoy. naku ha, kahit nga humalik sa PARK AN RIDE hindi ginagawa.