Advertisement

Wednesday, August 17, 2011

Blind Items na nakacell phone

 Dear insansapinas,

Study shows that less  than 15 percent of Americans admitted to something that probably every mobile phone owner has probably done at one time or another -- use the device to avoid unwanted personal interactions. 
 
O di va Virginia, buking sila. MATARAY. Ako hindi ko gawa yon kasi hindi ako nakikipag-usap sa cell phone pag ako nasa kalye, not unless emergency. Malabo ang mata ko at gusto ko nakatingin ako sa dinadaanan ko. Ayaw ko ring makipag-usap sa cell phone pag ako nasa isang opisina. Minsan napapalakas pala ang boses ko at baka akalain nila may kaaway ako.Dito pa naman ay sasabihan kang diretsahan.

Pero gagamitin ko rin ang technique ng mga taong ito oras nakipag-usap sa akin yong isang balikbayang singer na sabi ay matagumpay ang kaniyang mga concerts dito sa States  ay alam naman namin ng kaibigan ko na kulang na lang maglumuhod ang singer  para lang bumili ng ticket ang kaibigan ko. Ngayon naman ay may cancer daw siya. Husme ang cancer naman na iyon ay hindi terminal at nagagamot. Hindi na kailangan ang surgery. Nagamot na nga eh. Yong kaibigan ko sampung taon nang nakaraan, buhay pa kahit walang himala.


Kunwari may kausap din ako pag ako kinausap ng isang male TV host na ang ginagamit naman na dahilan ng kaniyang pagbalik sa kaniyang lalawigan kung hindi niya irerenew ang kaniyang contract ay ang kaniyang ina na may sakit daw na kalimot.

Sabihin mo gusto lang niyang mag-establish ng residency sa bayan niya para pagpasok niya sa pulitika. Pati yong pagbitaw niya ng mga clients ginamit ulit ang nanay. A good son or conflict of interest? Tseh,
Anyway anh mga programa naman niya ay di na nagrirate dahil nadadamay siya sa mga gimikera niyang mga talents din. 


Hellooooooo.


Pinaysaamerika

3 comments:

Anonymous said...

mukang nalimutan mo mam maglagay ng title jeje.
tunay ka naman dyan mam,diba my mga celphone nga na my pipindutin ka tas mag ring kunyari pag dimo type at bored ka na sa kausap mo,minsan naman yung friend ko bigla akong itetext na tawagan ko daw sya now na, yun pala my gusto lang takasan asus.
~lee

Anonymous said...
This comment has been removed by a blog administrator.
cathy said...

lee,
may dementia na rin ang aking fingers. thanks sa information.