Advertisement

Sunday, August 22, 2010

The Taxman

 Dear insansapinas,
 photocredit:MSNBC
Akala ko, nakakatawa na ang planong pagisyuhin ng recibo ang mga maliliit na negosyo na sa kaliitan, baka mas malaki pa ang magastos sa recibo. Oo Birhinya, kailangan nilang magpaimprinta ng recibo na patatakan sa BIR. hindi naman pwedeng isang recibo lang yon. Ano kamo, may mabibiling mga recibo sa bookstore? Eh di parang walang effect din yon dahil wala yong carbon copy na maiiwan para sa file ng taxpayer at hindi yon prenumbered.


Pero mas nakakatawa naman itong balita.

BAGUIO CITY—It could only happen in the Philippines.
The Bureau of Internal Revenue
(BIR) wants to collect P212.67 from a mayoral candidate here, who spent P200 in the May elections.
“I have two options—wait for the BIR to sue me or simply pay them,” said Peter Puzon, one of nine mayoralty candidates here.
“But as a concerned poor citizen, I’d better pay up because the [BIR] might not be able to collect millions of pesos in withholding tax from other candidates who underreported their campaign expenses,” he said.
Dahil malabo nga ang aking mata, tiningnan ko ulit, Php 200 ba or 200,000?  Two hundred pesoses, Virginia. Kulang pang pambili ng lechon manok.

 Anak ng Huwe, malaki pa ang nagastos pagprepare ng sulat nito kaysa sa tax. O diva. May naghanap ng data, may nagtype na siyempre bayad kada araw at may papel na ginamit, ink ng printer. blah blah blah.

Aba eh kung buntis ako baka nanganak ako ng wala sa oras dahil gustong lumabas ang bata para masabing. DUH.

Pinaysaamerika 

No comments: