Advertisement

Wednesday, August 04, 2010

Annulment, Divorce and Legal Separation

Dear insansapinas,

Hindi ako lawyer. Si Biyay ang abugada dito. Kaya ko lang ididiscuss ang topic na ito ay dahil sa mga sumusunod:


1. katatapos ko lang magbasa ng nobela kung saan ang bida ay isang babae na binagsakan niya ng lahat ng kamalasan sa mundo. Isa, tinanggal na lang siya sa TV network kung saan siya ay anchorperson. Lampas na siyang 40 at mas maraming bata ang pumalit sa kaniya. Sinampahan niya ng kasong wrongful termination.  Ikalawa ay diniborsiyo siya ng asawa niya dahil buntis na ang mistress nito at kailangang pakasalan. 


Pero bago pa man mafinalized ang divorce nila, nakuhang patay ang kaniyang asawa. Siya ang suspect. Dahil hindi natuloy ang divorce, ang lumang testamento kung saan siya ay beneficiary ng lahat ng yaman ng kaniyang asawa ay nagbigay sa kaniya ng malaking kayamanan at wala sa mistress. MOTIBO.


 Kaya tatlo lawyers niya, divorce lawyer, criminal lawyer at labor lawyer.
Pero hindi ko na ikukuwento ang ending.


2. Ang inaayos na declaration ng kasal ni James at ni Kris na null and void ab initio. Tiningnan ko ang kaibahan nito sa annulment, magkaiba pala yon dahil sa annulment, mayroong kasal na inanul. Sa null and void, sa simula pa lang ang kasal ay invalid na. Ibig sabihihin, pilay na. toinkkk.


Sa annulment, meron palang prescription period, yong n and void wala.


Pero isa sa mga reasons for nullifying marriage is the psychological incapacity of either the husband or the wife. Isa pa being minor.


Noon legal separation lang mahirap kumuha. Sabi ng lawyer-friend ko noon, para maprove na may pagtataksil, kailangan magrpesent ng evidence. Retrato na sila ay nasa bedroom.Kaya pala yong kamag-anak ko noon nay dalang camera noong sugurin ang asawa sa probinsiya. Nakatakas yong babae. Tumalon sa bintana. hehehe


3. Yong neighbor ko na after 28 years of marriage, history of infidelity of the husband that could fill a book, walang trabaho ang asawa, bigla niyang iniwanan dahil hindi na raw siya makatiis. Ang problema, siya ang lumalabas na kkontrabida dahil 3 beses ng naatake sa puso ang asawa niya at bedridden na, ngayon pa raw siya umalis. Wala talagang lusot ang babae.


4. Naalala ko ang aking Swiss-German na MIL. kinuwento niya na ang kaniyang balae, (parents ng asawa ng kaniyang anak na abugada ay nagdivorce after being married for 50 years. Biruin mo yon.


Pinaysaamerika

No comments: