Advertisement

Wednesday, August 11, 2010

Aspirin

Dear insansapinas,
Bumilib ako noon kay Fantasia nang manalo siya sa American Idol despite sa pinagdaanan niyang mga  wasak na pag-ibig, kahirapan at  kamangmangan. (Oo, Birhinya, halos di siya nakapag-aral).
Ngayon may problema na naman siya kahit lumalangoy na siya sa kadolyaran. 


Naalala ko tuloy ang isa kong kakilala noong bago pa lang akong salta sa US. Naospital din siya dahil uminom siya ng dalawang dosenang Tylenol. Hindi dahil masakit ang ulo niya. kung hindi gusto na niyang makadaupang -palad si San Pedro.
Fantasia Overdosed on Aspirin and Sleeping Aid


"Fantasia believed Mr. Cook when he told her he was not happy in his marriage and his heart was not in it," Dickens said. "She believed him when he told her he and Mrs. Cook separated in the late summer of 2009. She believed Mr. Cook when he told her he lived elsewhere."
 Ganito yon. Nag TNT ang asawa niya dito sa US. Diniborsiyo siya sa Pinas at nagpakasal sa isang Pinay na US cit. Usapan na nila yon. Pag nakuha na niya ang papel, ididiborsiyo niya na ang babae at siya naman ang pakakasalan para mapetition dito sa States.


Ang mga anak nilang minor, nakuha ng asawa ng lalaki. Naiwanan siya sa Pinas. Nag TNT na rin siya at pinuntahan ang asawa niya. Nagsama sila. Oo Birhinya, pero di sila nagpakasal. Hindi pa naididiborsiyo ng lalaki yong babae. 


Pareho silang nagtatrabaho noon sa isang ospital. Pareho ang kanilang apelyido. Pero hindi nila kilala ang bawa't isa. Pareho ko silang nakilala. Ewan ko ba naman kung ano ang nakatatak sa aking noo at ako ay kanilang hinihingahan ng kanilang mga problema. Akala nila wala akong problemang sarili ko. 


Yong unang babae, nagrereklamo na hindi raw maidiborsiyo ng kaniyang lalaki yong Pinay US cit. Naawa raw. 


Yong ikalawa namang asawa, nagrereklamo siya na iniwanan na siya ng lalaking pinakasalan niya. Alam niyang dumating na ang unang asawa galing sa Pinas.


Nang magpingkian ang kaliwa kong utak sa kanan kong utak at nag one plus one, Aha, sila pala yong magkaribal.Yong isa pang-umaga at yong isa naman panggabi kaya di sila nagkikita.


Teka anong relasyon nito kay Fantasia Barino? 


Nang mamatay ang ina noong lalaki, wala silang pera. Ang tumulong sa kaniya ay ang kandidato ng pagkamartir, ang ikalawang asawa. Pati alahas nito ay isinanla para lang mabigyan ng pera ang nag-iwan sa kaniyang lalaki.


Nang malaman ng unang asawa, tumawag sa akin sa bahay at naglitaniya na naman ng sama ng loob. Akala ko okay lang na basain niya ang aking shoulder ng mga luha niya. Ganiyan kalakas, sumusuot at tumutulay sa kable ng telepono. Yon pala, talagang masama ang loob. Uminom nga ng aspirin at balak magpakamatay.


Buti masamang damo siya. Kulang ang ininom. Siguro ayaw ding mamatay, padrama effect lang siya. Noong dinalaw ko, may dala akong prutas at aspirin. Mas malaking bote. hehehe.


Pinagsabihan ko na pasalamat siya doon sa babae na kahit na nga naagrabiyado, tumulong pa. Sus talaga naman. Kung di lang siguro ako gumagamit ng regenerist, pwede ko nang plantsahin ang wrinkles ko sa mukha sa kunsomisyon.


Pinaysaamerika

No comments: