Kalokah Mamah. Akala ko ako lang ang mataray pag nagtuturo, yon pala may mas mataray sa akin. Kasi ako sa klase, binibigyan ko ng unan ang inaantok habang ako ay naglelecture o pinatatalon ko ng ilang beses. yuk yuk yuk
Correction, sa akin mataray, ito ay medyo walang finesse. Dati pa naman siyang nasa media. Kanino siya nagmana?
Update: Coco apologized
"Ako ay sobrang hiya sa sarili ko sa ginawa ko nuong Friday sa media. Hindi lang paliwanag kundi apology. Very deep apology. Over ang ginawa ko. Naiintindihan naman nila na I was trying to arrange it for them na para ayos at organized ang press briefing," she said in an interview with Ted Failon.Rule number 1. Tawagin sa pangalan ang mga taong kausap. Kung hindi alam, eh di tanungin o kaya tingnan kung may name badge na Hi, I am... hindi yong, the guy in fuschia something something.
Rule number 2 Magdala ng isang sakong pasensiya kapag kaharap ay may dalang camera.
Salbahe yong isang cameraman, FINOCUS YONG MALAKI NIYANG TAGIHAWAT SA PISNGI. BAWAWAWA.
Rule number 3 Huwag tratuhing parang kindergarten ang mga media people. Hindi lang ABC ang sinusulat niyan, pati F#CK U.
May dahilan naman siya kung bakit gusto niyang sa isang sulok lang pumuwesto ang mga reporter para raw maganda ang angle. Anong angle?
Pwede niyang sabihin yon pero BIRHINYA, sabihin mo naman sa magandang paraan, huwag yong gagawin mong parang bata ang mga reporters na mayroon ka pang kunwari hearing impaired ka na hindi mo marinig ang sagot nila. Buti hindi pinaulit-uli. (PAKISAMPAL NGA AKO. Sayang wala na si Lee, pinagbawalan na ng mga Singkit na makapuslit sa cyberspace).
Rule number 4. Huwag ibubunton ang init ng ulo sa ibang tao. Nagtatrabaho din ang mga yan. Umiinit din ang ulo ng mga iyan lalo kung makulit. Umiinit tuloy ang ulo ko.
Naalala ko tuloy yong Presidente naman na pinagtatawanan ako dahil tingin ako sa kaliwa, tingin ako sa kanan para sumagot sa mga tanong noong meron kaming university council meeting at pinagtatanggol ko ang Accountancy curriculum. Para raw akong si Kiko.
Eh tiningnan ko naman siya, mukha naman siyang may stiff neck habang nakatingin lang siya sa gitna samantalang ang nagtatanong naman ay nasa kaliwa. BWAHAHA.
Inggit lang siya kako kasi kahit saang anggulo, maganda ako. ARAY. Sinong nambatok at nagpatay ang ilaw.
Kaya nang sinabi ni Coco na para rin sa kapakanan ng mga reporters ang right angle, pakibaba kilay ko. Siya ang focus dito at retrato niya ang lalabas sa mga newspapers, hindi yong mga nagcocover. DUH.
Ilang minuto rin ang nasayang.
Pinaysaamerika
2 comments:
bigyan mo ko pamasahe, miss cath at sasampalin kita. hehe
utang na loob pala ng mga reporters na binigyan nya ng magandang anggulo before the interview. aba e dapat pala mag-hire din ang department ng make-up artist and hair stylist pag haharap ang mga cabinet secretaries sa media.
para siyang naglelecture not as a professor kung hindi kinder teacher.
grabeh nga yong nakita ko sa video.
nahimasmasan na ako biyay.
Post a Comment