Advertisement

Tuesday, August 31, 2010

Aanuhin pa ang kabayo kung patay na ang damo

Dear insansapinas,

Tama ang pagkasulat, Birhinya. Alam mo naman ako kaliwete, baligtad sa mundo kaya baligtad din ang aking mga sinusulat. Toinkk.


1. Jobert Sucaldito resigns from the Buzz
Unhappy with his “status” on “The Buzz,” showbiz writer Jobert Sucaldito resigned from the showbiz talk show after 11 years.
In his column “Expose” on a local tabloid published Aug. 30, Sucaldito said he felt “unwanted” and “unneeded” since the show reformatted last month.
Late na nga yong reformatting na yan dahil sa kaniya ang daming nawalang revenue ng ABS-CBN; nawala ang highly rated show nila at malakinng kaso pa pag naglaban ang ABS CBN at si Willie Revillame.
Hindi sa kampi ako kay Willie, pero sa mga nakaobserba ngayon, makikita talaga kung sino ang nagdadala ng moolah sa ABS. Hindi si Sucaldito na wala pan g sampung minuto ang participation sa The Buzz.


Sabi nga niya:
He said he felt “little” because “kailangang ipakiusap pa namin ni Kuya Boy na lagi akong isali sa show every Sunday” and “para pahalagahan ng immediate bosses namin.”
Hindi pa ba niya nahahalata yon o nakakapit pa rin siya sa akala niya ay malakas sa administrasyon.




2. Nora lost her voice 

Naniniwala ako na si Nora Aunor ang pinakamagaling na actress sa movie industry. Hindi niya kailangang magsalita para mag-emote. 

Pero hanggang diyan lang ang aking paghanga. Sinisira niya ang kanyang buhay at parang hindi nagreregister sa kaniyang sarili ang mga epekto nito. Sa California ay nagtitiis siyang kumanta sa maliliit na restaurant para lang kumita. Ngayon na meron na siyang papel at maari nang lumipad kahit saan, balik na naman siya sa dati niyang gawi.




Lumang balita na ang pagkawala niya ng boses.  Sa Canada pa ganito na ang kaniyang reklamo. Sabi ni Juan Rodrigo, naoperahan daw noong Marso. Bakit tumanggap pa ng singing engagement ng buwang ito? Kung tinanggap niya ito ng mas maaga, hindi ba puwedeng umurong. Para namang pandaraya ito sa mga nagbayad.
Anong magagawa ng mga nagbayad, kung hindi dumalo at makinig sa boses ng mga hindi naman singer na si German Moreno at ibpa. Sus.




At bakit kailangang idamay pa sina Charice at Arnel Pineda sa pagbagsak niya na wala namang masisisi kung hindi rin siya?

“Sino ba ‘yang mga Charice Pempengco na ‘yan o ‘yang mga Arnel Pineda na ‘yan. Nagkaroon lang ng isang hit, akala mo sila na ang mga bayani. Si Nora, ang dami nang napatunayan kaya bayani rin siya,” he insisted.
Sina Charice, nagbigay ng magandang imahen sa bansa; si Nora Aunor ay nagbigay ng masamang balita sa pagkakahuli niyang may dalang illegal drugs. Anong bayani ang pinagsasabi niya?
Pinaysaamerika

6 comments:

ollych said...

Sayang nga naman talaga ang tunay na singing Super Star. Hangang-hanga talaga ako sa kanyang di matularang boses. taga-hanga niya ako mula nuon. at nasubaybayan ko ang pag awit niya sa telebisyon at mga pelikula niya. ginagaya ko nga din ang style niya sa pagkanta at sabi nila kaboses ko daw siya. Sayang at di ko na maririnig ang Golden Voice Niya. Kundi sa mga plaka nalang at c.d. niya.

cathy said...

ollych,
sayang nga ollych. more ako sa pagarte niya dahil hindi ko masyadong nasubaybayan ang kaniyang singing career.

sabi ng kaibigan ko kaboses ko rin daw si nora aunor. tapos nanghihiram sa akin ng pera. yuk yuk yuk. salbahe.

Unknown said...

it is unfortunate na yong mga nagiging "friends" ni Nora Aunor is only after her money, wala sila talagang concern sa kanyang welfare, kaya imbes na tumaas pinabagsak nila, since galing siya sa hirap wala siya talagang natutunan sa in n out ng mundo at mga mapagkunwari na tao. just look at Paris Hilton, yan mayaman na pero nalulong pa rin sa drugs kasi yong friends nila just keep on egging her that its "in" to have ur mugshot taken. I still would like to see her movies they were all good starting from Banaue, and wala talagang kaparis ang tinig niya lalo na pag tagalog songs

cathy said...

lorena,
agree ako saiyo. ang dami niyang business na pinasukan, walang nangyari dahil maraming kurakot.

di ba si aiza seguerra din ay nawala ang mga kinita dahil sa bad investments.

pag nakita ka kasing may pera ang daming nagkakainteres.

at kaya siguro siya nalulong sa droga ay dahil hindi niya kaya ang pressure noon ng popularity. Tapos biglang bulusok.

yong dati kong assistant (SLN) nagtapat sa akin na noon daw kasagsagan ng popularidad ni Nora Aunor ay isa siya sa mga sumunod talaga kahit saan magpunta ang superstar. Hinila siyang pabalik ng kaniyang ama. Parang pelikulang BONA.

Yon namang katulong ng dati kong boss, Noranian din. Nakatira raw siya sa bahay ni Nora. Ang dami nila.

Anonymous said...

hays, si guy, dina nagbago, marami ng chance na dumating pero sinasayang...
at alam nyang di sya makakakanta pero nagbenta ng ticket?
iniisip ba nyang ang mga fans ngayon e gaya ng mga fans nya nung araw na mga bulag,na
babayad sa sine para lang panoorin syang gumugulong sa damuhan
kasama ni pip?
ofcourse nagbayad yung
mga tao so they expect na my mapapanood sila,tapos sasabihin nyang kahit di sya kumanta,
maiintindihan na ng mga fans nya yun?ang alin?yung nakunan sila ng pera ng wala lang?
hanggang kelan sya ganyan?dapat isipin nya na matanda na sya at
kelangan na rin nyang
magpahinga at mag settle at paghandaan yung pambili nya ng wheelchair at pambayad sa magtutulak mwehehe

cathy said...

minsan kasi ang mga nagdaan sa mga karangyaan at popularidad, hindi nila matanggap pa na laos na sila.
nasa kanilang isip na kagaya pa rin ng dati. at alam naman nating gumamit siya ng droga na pwedeng nakakapaglagay sa kaniya sa mapantasya pa ring buhay.