Advertisement

Sunday, August 29, 2010

ANAL-OH-GEE

Dear insansapinas,

Kailangan siguro ng nag-analyze ng Quirino Grandstand at ng Tiannamen Square magsuot ng invisibility cloak. Nakakahiya eh.  Ang layo ng parallelism. Parang ang isa ay black at ang isa ay white. Liko-liko.


1. Isa ang sa Tsina, ang nampatay ay sira ulo. Yan ang sabi nila. Bigla lang ang pagpatay sa bumabang bus ng isang Filipino executive. May kasalanan ba ang pulis doon o ang opisyal ng gobyerno nila. Wala. Sino ba ang makakasabing ang he-can-not-hurt-a-fly na kaibigan mo o kapitbahay mo ay puwedeng pumatay ng elepante? Di lalo naman ang isang taong nasa gitna ng karamihan at bigla na lang mananaksak. Kagaya rin ng nampatay sa Fort Hood.

Masasabing may pagkukulang ang pulis at tao nila  kung humingi ng tulong sa pulis at walang ginawa pero kahit na yong mga nandoon lang na mga tao ay tumulong sa pag subdue doon sa nag-aamok, ang ibig sabihin, sino ang gustong may mamatay nang ganoon, turista man o hindi.


2. Ang sa Quirino grandstand naman ay maraming tsansa na napigilan ang blood bath kung hindi pinairal ang pulitika at naging available ang mga taong dapat magsolve ng problema. Ang hostage taker ay hindi sira ang ulo. Ang pagpatay niya ay paghihiganti sa ginawa sa kaniyang kapatid maliban pa sa hinihingi niyang reinstatement at ang hindi pakikinig ng mga pulisya sa kaniyang demand. Ang sa Tsina ay galit sa mundo, sa sosayti so kahit sino na pwede niyang patayin. Hindi siya mamimili kung ito ay turista o native.



3. Kahit hindi napigilan ang pagkamatay ng Filipino tourists, naibigay naman ng justice ng hatulan ng kamatayan ang pumatay kahit na ang sabi nila ay maluwag ang turnilyo nito.


Sa Pilipinas at sa US, kahit pumatay ka ng marami, pag nagclaim ka ng insanity ay di ka papatayin, ikukulong ka sa institution  ng mga sira ang ulo.


At bago gawin yan ay marami pang apela ang gagawin ng abugado para lang gawing loko-loko ang hindi naman loko-loko talaga  maisalba lang sa death or life terms ang kliyente.


The mere fact na may apat na kinatawan galing sa Pilipinas nang ipataw ang parusa, ang Tsina ay nagpakita ng sinseridad na sila ay hindi nila kinukunsinti ang nangyari. Kung totoong walang apology, ang mabigyan ng justice ang pagkamatay ay mas mabuti pa kaysa lip service na I AM SORRY.


Bago sana kainin ng iba ang mansanas, tingnan muna kung hindi ito orange. Yong huli ay may balat na hindi pwedeng kainin.


Pinaysaamerika

No comments: