Advertisement

Monday, August 23, 2010

The Graduate- Mananahi Ka Lang Part 3

Dear insansapinas,
The Graduate- Mananahi Ka Lang Part 3


Isang araw ay masayang masaya si Florencia. Maghahalf-day daw siya at inimbita rin ako sa bahay nila. May celebration. Tinanong ko kung sino ay may birthday. Sabi niya surprise. Oke.


Bakasyon ang iskuwela kaya pumunta naman ako. Wala namang tao kung hindi siya, at mag-inang kasama niya sa bahay. may pancit, may litson, may fried chicken at may cake na may congratulations. Baka hindi pa lang dumarating ang mga bisita. 


Pero walang bisitang dumating.


Binigyan niya ako ng pinggan at inumin.


Sandali ko lang naubos ang litson na nakuha ko lamesa. Sinunod ko naman ang fried chicken. Huli ang pancit dahil long life daw yon kahit na pinaputol-putol. 


Masama ang tingin ko sa cake. Intense. Kulang na lang na malusaw ang icing. Kung may kandila yon, baka nagsindi. 


Alam ko hindi kakainin yon pag wala yong "surprise".

Tinanong ko kung nasaan ang surprise.Kasi alam ko ang birthday niya. Malayo pa. Saka sa Chinese restaurant lang kami kumakain.

Sabi niya, hindi birthday, kung hindi graduation. Sinong grumaduate? Kapatid niya?  Pamangkin ? At nasaan ang The Graduate ?


Sabi niya, basta. Hintayin mo na lang. Napansin ko ang singsing na suot niya. Wedding band yon ah.


Sabi ko kailangan siya kinasal.? Sabi niya, matagal na. Secret nga lang. Aha. Ganoon pala ang secret wedding. Yong walang nakakaalam kung hindi ang magulang at kagaya kong naive. Naiiba. May kutob ako kung sino ang The Graduate.


For the first time, inimbitahan niya ako sa kaniyang kuwarto. May retrato ng lalaki. hindi siya guwapo pero ang ilong naman niya nasa gitna ng mukha, may dalawa siyang mata at medyo makapal ang labi. Si The Graduate siguro.

May mga gamit ng lalaki sa kuwarto. nagsasama na kaya sila? Bakit sikreto?


Naghintay kami habang nanood ng TV. Sinusulyapan ako ng kaibigan niya. Parang may gustong sabihin. Gabing-gabi na wala pa ang hinihintay. Nagpaalam na ako kasi mag-aalala ang aking mader.


Baka kako, nagcelebrate pa ng mga kabarkada niya. Pero naisip ko, bakit di siya dumalo sa ceremony?


Kinabukasan, may dala pa siyang tira ng handa kagabi. Di siya kumikibo. Hindi ko tuloy matanong kung dumating. 


Pagdaan ko sa puwesto ng kaniyang kasama sa bahay, hinila ang aking tirintas. Sinenyasan akong pumunta kami sa labas at may ikukuwento siya. Ay tsismis. Saya.


Hindi raw dumating ang lalaki kagabi kung hindi kinaumagahan na. Hindi pa raw nag-uusap ang dalawa. Pero hindi dala ng lalaki ang toga. Ay hanubayan.


Baka raw magtuos sila ngayong gabi. Hindi naman daw niya nakakausap yong lalaki dahil maagang maaga pa noon ay umaalis na. Nag-aaral ng Law.


Ah liar pala.


Itutuloy


Pinaysaamerika

2 comments:

Anonymous said...

aguuuuy saklap...
~lee

cathy said...

hindi pa tapos yan. marami lang lasing balita.