Advertisement

Monday, August 09, 2010

The Sales Associate

Dear insansapinas,

Lumabas na naman ako. Hindi ko nakita yong cashier na nangharassed sa akin. Pati yong kapatid niyang palaging nakatambay sa labas ng grocery store ay wala rin. Hmmmm.Alam naman ninyong bawal dito ang mangharassed lalo na pag may disability. At sinabi ko sa kaniya yon. At kahit di ko sinabi makikita niya ang disability ko.Pag pinasingkit ko ang mata ko, hindi ibig sabihin nagpapabeautiful eyes ako. Sinisipat ko ang iyong tagihawat na baka napagkakamalan kong bug.


Pero meron akong hinuhuling sales associate ng isang pharmacy retail outlet na katabi ng grocery na yon. Tatlong beses nang hindi ibinibigay sa akin ang recibo. Bean counter ako (bakit nga ba tinawag na bean counter ang accountant, bawal sa aking ang beans ), force of habit ang pagkuha ko ng recibo at pagcheck. Tatlong beses, akala ko inilalagay niya sa shopping bag ang receipt at dahil mahaba ang pila, hinihintay ko ns lsng makauwi ako at saka ko chinicheck ang recibo. Hanak ng Pating, wala ang recibo. Magician ba siya?


Sa ibang sales associate, ibinibigay sa akin yon kasama ng sukli at ang pagtawag sa attention ko ng discount na $ 3 sa susunod kong pagbili kung sobra sa $ 15 ang purchase ko. Pati ang deadline.


Minsan nakakalimutan ko kaya, naglalapse. Pero itong hindi pagbigay sa akin ng recibo noong babaeng yon, naglaro na naman ang diwa ko. Buti hindi basketball. Ginagamit ba niya yong discount ko sa pagbili niya o ng kamag-anak niya? Alam ko may employee's discount pero pwede naman niyang ng kamag-anak niya yon. Dumi ng isip ko. Malinis nga. Kung may 50 customers siya a day, eh
php 150 rin yon.


So ngayon, bumili ulit ako sa pharmacy (hindi meds ko) napansin yata niya ako na nakatingin ako from the time, binigay ko ang bayad ko at hanggang makita ko na siningit na naman niya yong recibo sa plastic bag. Minsan kasi sa dami ng mga nakadisplay na magazine sa may cash register, yong attention natin ay nadidistract. Pati nga sukli hindi pa nabibilang.


I am not after the discount ( kunwari pa ako, sampal kaliwa't kanan). Pero ang lokohin ako nang harapan ang di matake ng aking ego. bohooo.


Pinaysaamerika

No comments: