Advertisement

Thursday, August 05, 2010

The Mother

Dear insansapinas,

Dito lang sa teleserye na ito, nahirapang magsulat dahil sa wakas.


Kung Kailangan Mo Ako Part 12

Mga Tauhan

Nova: Isang babae raw (hehehe)

Manny: Isang lalaki (doble hehehe)

Tommy: Isang lalaking may-asawa, leader ng grupo

Del: Isang babaeng may-asawa raw

Tes: Isang babae, may asawa rin

Dino: Isang lalaki, under ng asawa

Umuwi si Nova para abutan ang mamatay na ama. Kahit siya itinakwil ay di pa rin niya matiis na hindi siya makita sa huling sandali.

Ayaw ding mamatay ng matanda na dala-dala ang sikreto sa buhay ni Nova--na hindi siya ang tunay na ama. At ang nagisnan niyang nanay ay hindi niya tunay na ina.

Isa siyang anak ng isang kilalang celebrity noong kapanahunan nito. Hindi alam ng publiko na nagkaroon ito ng anak sa murang edad na tinago sa pamamagitan ng pag-adopt ng kaniyang magulang sa apo.


Lolo at lola niya ang nakagisnang ama at ina.


Nang mamatay ang kaniyang lolo/ama, inexpect niya na kikilalanin siya ng tunay na ina bilang anak. Mahal niya ito dahil nakilala niya itong kapatid niyang nakakatatanda.


Hindi siya ipinakilala sa mga anak nito sa napangasawang isang businessman. Ayaw niyang magulo ang buhay niya.


Bumalik siya US nang depressed. Wala na ang kinikilala niyang magulang, itinatwa pa rin siya ng kaniyang tunay na ina, wala na si Tommy at wala na ang kaniyang anak.


Bumalik siya sa masama niyang bisyo. Madalas ay wala siya sa sarili. Kahit ang nanliligaw sa kaniyang lalaking binata ay nag-give-up na rin.


Walang nagawa ang kaniyang mga nakilalang kaibigan kung hindi ipasok siya sa rehab. Tuluyan na rin siyang nawalan ng bait. 


Mabuti siyang tao, umibig lang nang masyado, naging biktima ng tadhana at walang pamilyang magmamalasakit.


Minsan isang araw may dumating na lalaki. Si Manny. May asawa't anak na. Nakatira sa East Coast. Nalungkot siya nang makita niya si Nova na hindi siya nakilala.


Umalis siyang malungkot at sinabing. I did love her you know. Pero may obligasyon na rin ako sa aking apat na anak.  Pero nangako siya na tutulungan at susubaybayan ang pagpapagamot kay Nova.


Tinupad niya ang pangakong darating siya kung kailangan siya. Kahit hindi siya hiningan ng tulong ni Nova, hinanap pa rin siya at tinulungan.


The End


Pinaysaamerika

No comments: