Advertisement
Sunday, August 15, 2004
SF Office-Por Awhile
Dear insansapinas,
Pinasasamahan ako ni bossing sa Social Security System para makakuha ng ID. Malayo-layo daw dahil kailangan namang magtren. Isang istasyon lang naman pero katumbas ng sampung bloke kung lalakarin.
Utang na loob, hindi pa ako nababaliw para maglakad sa aking bagong boots. Bukas na lang at magbabaon ako ng rubber shoes. Kagaya nang nakita ko sa Financial District na mga babaeng kuntodo mga nakaitim na
Business suit, itim na medias at mga blingbling pero ang suot ay mga rubber
Shoes. Walking shoes lang nila yon dahil pagdating sa opisina ay nagpapalit
sila ng may matataas na takong.
Hindi uso ang merienda dito. Hindi kagaya sa Pinas na panay ang meryenda
Ng mga tao, lalo na sa opisina ng gobyerno.
Tanghalian, wala si bossing. May appointment. Yong kasama naming intsik ay pumunta sa Chinatown. Bibili siya ng chow mien for a dollar. Nagpabili rin ang ibang mga kaopisina. Inilabas ko ang pinabaon sa akin ni Manang, yong housekeeper. Desperado siyang maubos yong adobo. Mamayang gabi kasi may bagong luto na naman siya. Adobo pa rin, pero manok naman. Inilabas na niya mula sa freezer.
Wala ang pusa, masaya ang mga daga. Ang dating tahimik na opisina ay napuno ng halakhakan. Tinatawanan nila ang mga katangahan ng bawa’t isa nang bagong salta rin sila. Parang pangwelcome nila sa akin.
Yong isa nagkuwento na noong unang makita niyang tumataas ang pinto ng
garahe, akala niya may nakatagong taong gumagawa noon. Hmmmmm, ito siguro ang sagot sa nawawalang boy sa bahay ni Bossing.
“Wala kayo sa akin” sabad ni Robert, isang architect. Kumukuha siya ng CAD bago kumuha ng eksam habang nagpapart-time sa opit.
“Ako noong bagong salta ako, akala ko ang bait ng kapitbahay ko na tuwing tatapat ako sa may pinto nila, sinisindihan nila ang ilaw. Yon pala sensor light yon. HAHAHAHAHA...”
“Ako naman”, sabi ni Roxie. Siya ang in charge sa recruitment.
“Noong una ako rito, palagi akong may dalang payong kasi sa pinaggalingan ko, minsan umuulan, pagdating ko naman dito ay mataas ang araw. Sabi sa akin noong Puting babae, where’s the rain?”.
Si Alex ay hmuhagalpak na ng tawa kahit hindi pa nakakapagsalita.
Engineer naman siya at siya ang in-charge sa aming system.
Naghahanap rin siya nang mapapangasawa. Bungisngis pa.
“Ako, habang nasa public phone , kinatukan ng isang mama. Tinanong niya ako kung ako si Don.Umiling ako. Tinanong niya ako ulit .Emergency lang daw kasi. O linsiyak, eh ano ngayon. Di hanapin niya si Don. Hindi itong ako ang inaabala niya. Pinetserahan niya ako sinabing.
“ When I say you’re done, you’re done.”
Ginulo ni Roxie ang buhok niya. “ Tama na yan. Nambola ka na naman. Eh parte yan ng kuwentong TNT si Dan.” Baka naman sabihin mo pa na hinahanapan ka ng VISA sa gas station.”
Tumaginting na mga halakhak. Tahimik lang ang mga Filipinong empleyadong lumaki na sa Estet. Boss nila yong Itim na in charge sa Marketing at mga contracts. Madalang lang lumagi ito sa opisina dahil palaging nasa mga kliyente. Ibig man ng boss namin na lahat ng empleyado ay Filipino ay malayong mangyari pero mas gusto niya na ang tagasagot ng phone ay mga may local accent. Minsan kasi pinasagot ang isang Pilipinang bagong salta noon.
Sabi niya.” Hello, who? Por awhile.”
Pinaysaamerika

Thursday, August 12, 2004
SF Downtown-Land of Salabat and Matamis na Bao
Dear insansapinas,
Maaga kaming umalis sa bahay ni Bossing. Hindi kami nagbreakfast. Kailangan kasi nasa freeway na kami bago mag-alas seis ng umaga kung hindi makakasama kami sa parang pagong na usad ng sasakyan.
Dumaan kami sa Baybridge. Akala ko iba ito sa dinaanan naming noong nakaraang gabi dahil ito ay walang bubong. Hindi pala bubong yon kung hindi ikalawang palapag. One way lang kasi ang inbound and outbound traffic. Kita mo yan, meron ba tayong
ganiyang bridge? Baka nakapayong, meron.
Ang layo ng garage sa opit. Mga limang block ang layo
At paakyat ang kalsada. Hindi pa man Mahal na Araw ay parang nagpepenitensiya na ako. Kulang na lang ang magpasan ako ng kurus sa hirap. Dala ko kasing sapatos ay boots na may takong. Feeling ko kasi ay Estetside ako kung ako ako ay nakaboots kaya nagpasadya ako sa Marikina. Ang bigat pa ng aking leather jackeyt. Parang pasan ko ang kalahating baka na pinanggalingan ng balat.
Dumaan muna kami sa St. Patrick’s Cathedral. Mabibilang mo ang mga taong nasa loob ng simbahan. Mga Pilipino halos. Bukas lang ang simbahan dito pag maagang-maaga o kaya pag may misa. Wala naman kasing nagsisimba. at ayaw nilang pasukin ng mga magnanakaw o kaya mga bum na walang mapahingahan.
Dinaan namin ang Union Square kung saan may mga Intsik na nagta-taichi, mga turistang
may hawak na mapa, mga taong nagbabasa ng diyaryo.
Hindi kami tumuloy sa opit. Nag-almusal na naman kami sa hotel. Pag ganito ng ganito, mawiwili ako ng walang almusal.
Inorient niya ako tungol sa trabaho ko sa kabilang opisina. Dadalhin daw niya ako next week pagkatapos nang darating na weekend.
Bata pa siya pero makikita na ang maraming sigwang dumaan sa kaniyang buhay. Siya aniya ang ugly duckling na palaging wall flower sa sayawan. Nag-aaral siya sa kolehiyo nang makilala niya ang isang guwapong lalaki na kinaibigan siya para may taga-gawa siya ng assignment.
Nang mabuntis siya, ay inilipat ng magulang ang lalaki at hindi niya na nakita. Hindi niya ikinuwento paano siya nakarating sa Estet pero alam ko malalaman ko rin.
Nakamake-up siya at ayaw niya sigurong mabura.
Dito karaniwan ang boss ay tinatawag on a first name basis lang. Walang Ma’am,
Sir, or Mister or Mrs.
Pinakilala ako sa Accountant. Dati siyang BIR Examiner sa Menila. Kamamigrate lang nilang buong mag-anak. Nakatira siya sa isa mga hotels sa downtown.
“Wow”, sabi ko.”Yaman mo naman.”Natange niya ako. BS daw talaga ako. Bagong salta.
Ayon sa kaniya yon ang mga lumang hotel buildings na ginawang paupahan. Mga kuwarto kuwarto, may common kitchen / dining room at toilet and baths sa bawa’t palapag . In short makikipagbunuan ka ng paggamit ng mga pasilidad na iyon.
Ang aking Land of Milk and Honey ay nagiging Land of Salabat at Matamis na Bao.
Pansamantala lamang daw yon, dahil naghahanap siya ng mauupahan sa labas ng siyudad
na malapit sa teren.
Tinanong ko siya kung may kamag-anak sila dito. Meron daw, pero pagkatapos silang
imibitahin magdinner, ay hindi man nagpadaplis na puwede silang tumira roon habang sila ay naghahanap nang matitirahan.
Hindi kagaya sa pinas na kahit sikisikan ay patitirahin ka ng kamag-anak .Dito marahil na rin siguro sa mga restriksyon kagaya ng mga nangungupahan ay bawal ang magdagdag ng mga taong nakatira.
Tip for the day
Bago magdesisyong mangibang bayan siguruhin muna na ang mga kamag-anak na inaasahang tutulong ay hindi tipong mga karapatdapat ihulog sa Bay Bridge at Golden Gate.

Monday, August 09, 2004
Sa Labas ng San Francisco-Pangat na Adobo
Dear insansapinas,
Ang bahay ng bossing ko ay nasa East Bay. Ito ay nasa kabilang ibayo ng Bay Area. Kung baga ay tatawid ng tulay sa itaas pag kotse o kaya dadaan sa ilalim ng tubig pag tren ang sinakyan. Pero parehong dadaan sa gitna ng bundok na pinakiaalamang hukayin para daanin ng trapik. Ito ang tinatawag nilang tunnel . Medyo napikit ang mata ko at di ko napansin na pumasok kami ng tunnel.Nang idinilat ko ang aking mata ay madilim maliban sa mga ilaw na nakalinya sa tabi.
“Who turned off the light.” tanong ko sana. Pero lumabas na kami sa tunnel at inesplika ng bossing ko na hinukay talaga ang bundok para magkaroon ng alternative route. Galing ng mga Kano anoh ?
Pero as magaling pa rin ang mga Pinoy, kasi sila marunong gumawa ng bundok at pagkatapos marunong ding itong gibain. O di ba yong Smokey Mountain.
Nakarating kami sa kanilang tahanan. Bumukas ang garage door nang hindi tuminag yong Puti. Sabi ko siguro may Boy na hindi ko nakita.
Nakahanda na ang dinner.Wow, adobo.(pagkaing Pinoy na hindi ko alam isusumpa-sumpa ko rin sa mga susunod na araw dahil yong lamang ang alam lutuin ni Manang, ang housekeeper. Sa katagalan, hindi na siya adobo, pangat na. Pangatlo nang beses initin. Ang dahilan niya ay ayaw daw magpaluto ng isda yong Puti dahil nangangamoy sa bahay. Ang mga bata naman ay sandwich lang ang kinakain.Yong asawang Puti ay ribs ang kinakain.
May naamoy akong mabaho.. Amoy-anghit. Disamulado ang pag-amoy ko sa aking kili-kili. Hindi ako. Amoy belyas pa rin ako ano. Ipaligo ko ba naman yong pabango sa Macy’s. Nakagiting inginuso ni Manang ang kinakain noong Puti. SloppyJoe daw.Ayaw niya ang amoy ng tuyo, tinapa at sardinas, pero kumakain siya ng amoy kili-kili. Magkakasundo kami ni Manang. Hinanap ko ang Boy, wala.
Nakatulugan kong may hawak na tuwalya at sabon. Pinaliguan kasi ni Manang ang dalawang bata para kinabukasan ay hindi na sila maliligo. Siguro sa kapaguran ay nakatulog ako. Tahimik na sa kabahayan at patay na ang ilaw.
Tiningnan ko ang shower at gripo sa bathtub. Walang hot and cold. Ang gripo sa bahay ng aking mader sa QC ay may hot and cold water pero dalawa ang bukasan. Ito isa lang.
Binuksan ko nang kalahati na sa isip ko ay iinit na lang ito pag matagal nang bukas. Aba ang lintek, hindi umiinit. Sa isip ko, baka pinatay ang hot water ? Kasi sino nga naman ang baliw na maliligo ng madaling araw? Ako yong baliw na yon.
Kalahatian na ng bath tub ay malamig pa rin ang daloy ng tubig. Balak ko pa namang maglunoy sa baththub.
Huli kong ginawa yon ay noong birthday ng kaibigan ko sa isang five star hotel
sa Makati. AAAAAh, bago kayo mag-isip kung ano ang ginawa ko doon, sasabihin ko na wala akong kasalanan. May kapitbahay ako na nagtatrabaho sa HR ng isang kumpanya.In-charge siya sa mga accommodations, travel itineraries ng mga expats, foreign suppliers at big wigs ng company.Yong mga hotels naman ay appreciative na sila ang kinocontact.Hindi labas padulas o bribe, nagbibigay sila ng free overnight hotel accommodation.
Birthday ng kapatid niya na kaibigan ko kaya ibinigay sa kaniya as a gift. Eh ang totoo pala noon,hindi pa siya nakatapak sa loob ng hotel much less magcheck-in. Ako ang alam nilang madalas magtambay sa hotel, hindi dahil GRO o pimp ako anoh. Walang pipick-up sa akin.(alam ko ang istorya sa mga ibong- mababa- ang- lipad –pero-sa-matataas-na-building –sila naghahanap ng “bird seeds.”
Ang bossing kong lalaki sa isa sa mga moonlighting job ko sa Pinas ay siyang kumakausap sa mga kliyente na nagpapagawa ng mga marketing plan, feasibility studies. Hindi niya ako hinaharap pero
kailangan nandoon ako “just in case “ may mga tanong. Ako gumawa eh.
Nasa lobby sila o coffee shop. Nasa coffee shop ako at naghihintay nang itatanong niya. Nalalasing ako sa dami ng kape.
Balik tayo sa kaibigan ko. Nag-imbita pa kami ng isa pang barkada. Pagkatapos naming maggala ay oras na para matulog. Pumunta sa bathroom ang birthday celebrant para maglunoy sa bathtub.
Dala niya yong bubble bath na binili niya sa isang makulit na multi-level marketer sa opisina nila.
Nagamit din niya sa wakas. Inuusisa naman ng isa kong kaibigan ang maliliit na bote ng alak sa maliit na refrigerator , soda at mga kakanin.. Kala siguro ng lintek ay libre.
Sumunod akong maliligo. Hinanap ko yong tuwalyang tapakan pagkagaling sa bath tub. Wala.Sumilip ako sa labas. Nasa ulo ng kaibigan ko. Tssk tsssk.
Balik tayo sa bathroom ng aking host/boss sa labas ng San Francisco.
Inalisan ko ng tubig ang bathtub at balak ko na lang magwisik-wisik at buhok ko na lang ang aking hugasan. Kasin lamig ng yelo ang tubig noh. Brrrrrrrrrr.
Pag gising ni Manang ay nasa banyo ako at nagsisipilyo. Ttinanong niya kung nakapaligo na ako. Sabi ko oo. Nakita kong binuksan niya ng buo yong gripo at nang may lumalabas na umuusok na tubig ay ibinalik niya sa kalahatian ang pagkabukas.
Marami talagang ka ek-ekan dito sa Estet.
Tip for the day:
Pag hindi alam, magtanong kahit magmukhang tanga.
(Sa susunod Fisherman's Wharf at ang mga taong silver.)

Sunday, August 08, 2004
Streets of San Francisco
Dear insansapinas,
Sikat na palabas noon sa Pinas pero mga mahigit na limang taon na huli ang serye.
Dito palabas pa rin,lalo na yong mga lumang episodes. Kaya pala pag may habulan ng
kotse ay para silang nasa ferris wheel, lulubog,lilitaw dahil talaga pa lang ang mga
kalye dito ay pataas, pababa. Hindi puwede rito ang hindi automatic na kotse kasi pag nagstop, mahihirapan kang magtimpla ng break at ng clutch. Naalala ko tuloy noong
bago pa lang akong nagdadrive sa Pinas. Traffic sa tulay at “nakabitin” ako. Panay ang busina noong kotseng nasa likod. Eh ang kotse ko pa namang ginamit ay yong lumang kotseng pinahiram sa akin ng aking kaibigan na puwedeng ibangga, gasgasan o ilaban ng karerahan tutal ang bagal naman ng takbo. Yong bang ang model eh parang kotse ni Batman. Mahaba, malaki, matibay ang katawan, hindi kagaya ng ga kotseng bagong labas, ang ninipis ng katawan na masagi mo lang sa pako, malaki na ang gurlis.
Eh yong kotseng yon, kung minsan ginagawa pang playground noong mga kapitbahay
kong bulilit. Sumasampa sa harap at parang kama ba yon? na tatalon-talonan nila.
Minsan, yong aming house secretary ay nagkula pa roon. Maluwag daw kasi saka nakaparada sa labas ng garahe. Salbaheng Azon.
Minsan itinirik kami noong kaibigan ko sa bandang Batangas. Oo ah, kahit naman ganoon yon, nakakapaglakbay pa sa labas ng Metromanila. Yong nag-tow sa amin ay inimbitahan na lang kaming magsleep over, habang inaayos ang kotse. Maganda ang gabi kaya, humilata kami ng kaibigan ko doon sa harap ng kotse. Tumingin kami sa langit at nangarap. Nasaan na kaya siya ?
Balik tayo sa San Francisco---
Nandito pa ang pinakaiksing kalye at zigzag pa.
Imaginin na lang ninyo ang kotseng dinadrive ninyo na kaleleft turn pa lang, magraright turn na kaagad. Ito ang Crookedest Street na sinasabi.

Uwian na ng lumakad kami mula sa opit hanggang sa garage parking. Oo Birhinya, bagong dating palang ako ay isinabak na ako sa opit kaya ang aking bagahe ay nasa likod pa ng trunk ng kotse.
Malayo kasi ang uwian ng aking bossing. Mga 45 minute drive mula sa San Francisco.
Pag walang trapik. Yan ay parang nagtatrabaho ka sa Menila at umuuwi ka sa Angeles at ang pagdrive mo ay para bang gusto mo nang pumunta sa CR.Ang matindi dito ay
ang parking fee. Kaya karamihan ay iniiwan ang kotse sa istasyon ng teren at saka
nagba BART. (Bay Area Rapid Transportation).
Dinaanan namin ang Macy’s at iba pang mga department store patungo sa garage.
Sabi ng asawang Puti ni bossing, kaya daw hindi nagpafile ng bankruptcy ang mga stores na ito ay dahil kay bossing na shopaholic.
Pumasok kami sa Macy’s. Pumunta kami sa Cosmetics. Wow, nandoon ang Clinique,
Estee Lauder, Elizabeth Arden etc. Libreng magsample. Kaya panay ang mek-ap ni bossing. Pinipilit niya akong gumaya pero tenk yu na lang. Ayokong sunugin masyado ang aking mukha ng maraming mga mek-ap.
Pumunta pa ako sa Fragrance section. Nandoon nag paborito kong Ralph Lauren. Sangkatutak ang label sat may mga testers. Haaah, di nangamoy belyas na naman ako.
Expensive lang ang aking perfume.
Pag labas namin ay makikita mo ang mga nagpapalimos sa lansangan. Lalaki ng katawan at kung hindi quarters ay dollar hihingin saiyo.
Oo Birhinya, sa downtown streets, nagkalat ang mga bum.
Hindi ko alam kung maeron niyan sa Makati. Meron din ditong taong grasa na pag dumaan sa harap mo ay para bang bumuka ang imburnal saiyo.
Sa Market Street naman ay naghilera ang mga chess tables. Mga Pilipino raw ang mga promotor nito. For five dollars, pwuede kayong maglaro ng chess. Sa sidewalk.
Muntik na nga akong umupo eh. Tagal ko na ring hindi nakapaglaro ng chess.
May mga nagtitinda ng mga beaded jewelry , bulaklak, may mga itim na kumakanta
sa malapit sa Powell na tsuwariwariwap lang ay puno ang latang inilalagay nila sa harap.Parang gusto ko ring magtsuwariwariwap.
May mga bum na kasama ang kanilang malaki at malusog na aso. Isip ko, siya nga wala nang makain, bakit kaya mataba yong aso niya.
May mga mukhang istudyent na nagpapalimos dahil sa kanilang research?
Dami ring kaek-ekan sa Estet.
Pinaysaamerika
.

Golden Gate na hindi naman golden
Dear insansapinas,
Tulak-tulak ko ang cart na may lamang tatlong suitcases, large,medium and small.
Isa lang susundo sa akin, amo ko mismo. Ang mader, sisters and brader ay nasa East Coast lahat. Sabi nila mag-eerpleyn na naman ako.
Tinawagan ko rin ang aking kaibigan na sa may parteng Los Angeles, pero malayo pala
yon. Akala ko kasi kagaya sa Pilipinas na isa lang ang malaking airport at lahat nag darating ay sa erport na yon babagsak.
Nandoon na ang aking bossing na babae. Sexy siya, nakamataas na takong at nakasuot ng
magandang outer coat. Sa isip ko paano kaya namin makakayahang buhatin ang mga bagahe.
Beso-beso. How’s the trip? tanong niya sabay karga ng pinakamalaking maleta at inilagay niya sa car trunk ng American car na dala niya. Ang American car ay yong ang mga car trunk ay puwedeng maglagay ng isang balikbayan box, isang maleta, isang carryall at isang pasahero, nakahiga nga lang.
Hanep ang lakas ng babaeng boss ko. Sa loob lang ng limang minuto, ayos lahat.
Madalas kasing magbiyahe, sa Pilipinas at sa ibang cities and States at sa Bisaya ay sanay siyang magbubuhat ng sako sakong mais.
Pinapasok na niya ako sa kotse dahil nakita niyang nakatiklop na ang aking tuhod at ang labi ko ay asul na sa ginaw. Wala pa kami sa San Francisco mismo dahil ang SF Erpot ay
ay nasa South San Francisco na hindi parte ng San Francisco pero ang SF Erport ay nasa
hurisdiksiyon ng San Francisco. Magulo ? Eh kung ako naguguluhan din kayo pa.
Pumunta muna kami sa Hotel para kumain ng breakfast. Ganyan bossing ko, mahilig sa class. Ang inorder lang naman niya ay parang fried egg and shrimp over rice at sa akin naman ay parang tosilog. Pagkatapos naming kumain, namudmod siya ng calling cards sa mga Pilipinong nagtatrabaho sa hotel.
Sabi niya sa akin, dadalhin muna niya ako sa Golden Gate para humalik ako sa lupa. Ganoon daw yon. Tapos saka siya humalakhak. May dinaanan lang kaming isang kaibigan niya na gay para taga kuha ng aming piktyurs.

Hindi siya golden kung hindi pinkish ang pintura. niya. Iba ang retratong nakikita ko noon sa kalendaryo o kaya sa magazine. Pero nagpakuha rin ako ng mga piktyurs. Ipadadala ko sa Pinas. Iingitin ko sila . May dalang polaroid camera sa boss ko. Girl scout yata siya dati, Laging handa. Click, click. Ilang minuto lang developed na ang retrato namin. Acccckkkkkacccckkkk.
Tip # 1
Pag magpaparetrato kayo sa Golden Gate, magsuot ng sumbrero or cap. Windy sa taas kaya ang buhok niya ay ililipad ng hangin.
Ang buhok ko sa piktyur ay parang yong kay Vhong Navarro sa Wazzupp Wazuppp o kaya kay Gary Valenciano sa kaniyang Thanksgiving Concert. Nakatayo.
Tumuloy na kami sa opit sa downtown. Bumaba kami ng kasama naming gay sa kanto
para maiparada ni bossing ang kotse sa garage parking.
Nagpretrato ako sa kantong yon. Balak kong ipadala sa Pinas at sabihing nasa San Francisco ako.
Nang madevelop ang retrato, hindi nakita ang street sign. Ngayon, minsan pag nakikita ko ang retratong yon, iniisip ko kung saan kinunan.
Tssssssk tsssk.

Saturday, August 07, 2004
Wala na sa Erpleyn-Sa SF Erport na
Dear insansapinas,
Tinatatakan noong immigrant officer ang aking passport. Sumunod ako sa daloy ng mga tao. Hindi ko kasi alam kung saang carousel ko kukunin ang aking mga bagahe.
Nagsisimula nang dumating yong mga maleta,kahon (Oo, Birhinya,tatak na ng Pilipino
ang balikbayan box)baul? bag na iba’t ibang disenyo. Ang iba naman ay magkakapareho na aakalain mo saiyo.
Tip#1.
Lagyan ng palatandaan ang mga bagahe, kagaya ng ribbon, o kaya tape na may kulay
orange, fuschia, green o combination ng kulay para madaling makita sa patong patong ng mga bagaheng lumalabas sa conveyor belts. Lagyan din ng maraming tag para pag nawala o nabura ang isa, ay mayroon pang natitira. Ako nilalagyan ko mismo ng pangalan yong katawan ng maleta. Para naman, hindi mukhang graffiti ay nilalagyan ko ng art.
Nakita ko na ang mga maleta. Ang problema ay ang madaliang pagkuha nito sa carousel dahil kung hindi ka mabilis, ikaw ang mahahatak habang pinipilit mong ibaba ang bagahe. Tiningnan ko sa kaliwa ko. UUUHm.Babae na napakahaba ng kuko. Mataas ang takong ng sapatos. Palagay ko turista dahil maliit lang bagahe niyang nakalagay sa cart.
Tip #2
Pag turista ang visa mo, huwag dalhin ang buong aparador mo.
Paghihinalaan ka nilang walang balak na bumalik sa Pinas. Oo, kahit totoo.
Hindi makakatulong ito sa akin. Tumingin ako sa kanan. Babaeng may kilik na anak. May katabi siyang isang tinedyer na lalaki. Hmmmm,maling puwesto.
Tumingin ako sa ibang puwesto. Ahaaa. Madre.
Tip #3
Tumabi sa mga taong makakatulong sainyo pagkuha ng inyong mabigat na bagahe sa airport carousel.
Tatanungin ninyo siguro kung bakit tatabi ako sa madre. Di ba? Palagay ninyo, 1. 1.kakausapin ko yong madreng dasalan ang aking mga bagahe para lumutang at bumgsak sa aking cart.
2. maskulado yong madre
3. hindi talaga siya madre kung hindi lalaking nag babalatkayong madre.
Mali itong lahat. Patapusin muna ninyo ako. Tatabi ako sa madre dahil may katabi
siyang dalawang mamang mga maskulado. Pareho ang takbo ng isip namin ni Sister.
Hindi nga naman matitiis ng mga lalaking hindi tulungan si Sister. Sasakay din ako sa balak ni Sister. Kunwari magkasama kami.
Tanong ko,” Wala pa ba ang mga bagahe ninyo, Sister?”
Sagot niya, “Wala pa. Ikaw ?
Sagot ko,”Nandiyan na yata Sister.
Pagdaan ng mga maleta ko ay tinangka kung hilahin. Madali akong tinulungan ng dalawang mama. It worked. Hindi muna ako umalis. Siyempre, “kasama” ko si Sister, anoh.
.
Dumating na ang bagahe ng dalawang mama. Kinuha nilang mabilis at umalis na sila. Naiwan kami ni Sister. Wala nang masyadong tao sa carousel. Tamang-tama,, dumarating na ang kaniyang bagahe, sabi niya. Mga balikbayan boxes. Wala nang tutulong sa kaniya kung hindi ako lang. Si Lord talaga kung magbiro.
Linsiyak, mas mabigat pala ang dala niya. Akala ko altar na chinop-chop.
Pinasalamatan niya ako Tuloy kami sa Customs.
Pinagdeklara kami ng customs ng aming dalahing pagkain,tanim at ibapa.. May malaking fine pagnagsinungaling.
Tip#4
Huwag magdadala ng sariwang prutas at may buto kagaya ng mangga.
Karaniwang ginagawa ng mga Pinoy ay inilalagay ito sa lata at sineseal. Hindi pa rin ito nakakaligtas sa scanner ng Customs.
Kaya ako dineklara ko yong dried mango, hopia, at squash seeds. Pagkagaling ko sa Customs, sabi noong isang Pilipino hindi naman daw kailangan yon kasi hindi naman fresh .
Araaaay, pinamukha na naman sa aking ang aking katangahan. Pero sabi ko, tinanong noong isang Customs Agent kung saan galing yong hopia. Sabi ko sa Binondo.
"Where is that," tanong noong Agent.
Sabi ko "Where else but in the Philippines. "
Muntik ko tuloy siyang kuwentuhan kung gaano ang hirap kong bumili noong hopya nang dahil sa natiketan ako sa parking at pinahirapan ako ng pulis dahil ayokong magsuhol. Pero hindi ko na ikinuwento yon dahil maraming nakasunod sa akin.
Nagkukumpiska pala sila ng mga mooncakes (noon) na galing sa Tsina. Anak lang naman ng mooncakes yong hopyang dala konoh.
Ngayon ang kinukumpiska naman nila ay mga pekeng CD, DVD at mga librong kopyado sa mga nanggaling sa Estet. Magaling ang mga scanner sa erport ngayon, sa hugis at kulay lang sa monitor nila, alam nila ang dapat buksang mga bagahe.
Natapos rin, nag-inot-inot na akong lumabas sa Customs Area.
Itutuloy

Thursday, August 05, 2004
SaErpleyn 7-Tips sa Pagbibiyahe
Cont’n
Lumanding kami sa San Francisco Airport ng alas 8 ng umaga ng Marso 8. Umalis ako
sa Pilipinas ng alas seis ng umaga ng Marso 8. Kung isusulat ko ito sa diary ko,dalawang oras lang akong nagbiyahe.
Pinauna ko muna yong mga nagmamadaling pasahero para makababa. Yong iba kasi may connecting flight pa sa ibang state Yong iba naman ay ayaw lang talagangmaunahan.. Ako dito muna sa San Francisco at saka na lang lilipad pag ayos na ang lahat kung saang opit talaga ako ilalagay.
Wala na yong mamang tumulong sa akin para sa carry all baggage ko sa overhead
compartment. Ahaaa,may mamang dadaan.Matiyempuhan. Tumapak ako sa upuan at
nagkandahirap na ilabas ang aking maliit na maleta. Pag tapat ng mama sa akin ay medyo
umire ako ng HHHHHHHHHHMPPPPP. “Let me help you,” sabi ng mamang di ko kilala at ibinababa niya ang aking bagahe.
Tip # 1
Tama ang sinabi ng aking kaibigan.
Sabi niya, “ Iteyempo mo ang pagbuhat ng mabigat pag may malapit na lalaki,”
Ipakita mong kailangan mo ng tulong. Saka ngumiti ka ng matamis at sabihing,
TINK YU.”
Sinunod ko ang payo niya.Nagpasalamat ako sa mama at ngumiti ako ng matamis.
Ngumiti rin siya. Sumimangot yong aleng nasa likod niya. Misis siguro.
Isinuot ko na yong leather jacket ko na ineregalo na binili ko sa Pakistan. Ang halaga noon ay mga 1,500 pesoses lang pero sa Estet, yon pala ay nagkakahalaga na ng 300 dollars. Tsinek ko kung mukha na akong kagalang-galang. Saka ako lumabas sa tarmac.
Tip # 2
Tip kasi sa amin yan noong orientation. Magsuot ng disenteng damit. Dito kasi napapabalintunaan ang kasabihan na ginawang sikat ni Melanie Marquez, “ Do not
judge him(Joey) by his cover. He is not a book.Mayroon kasing naging kaso noon
na isang Pinoy na engineer ang muntik nang hindi makapasok sa Estet dahil hindi raw siya mukhang enhinyero.Tanong ko naman, ano ba ang mukha ng inhenyero? Ako,
halimbawa, accountant, ano ba ang mukha ng accountant ? Yong ba yong palaging nakasimangot dahil hindi mabalanse ang libro o yong may nakatatoong numero sa
mukha. Buti hindi ako binato ng libro noong nag-oorient sa amin. Pero inirapan niya ako.
Tsaring kasi siya. Yong palang inhenyero ay nakasuot ng collarless tshirt, maong at Reebok. Akala niya dahil nakasuot siya ng Levi’s at ng Nike na may kamahalan din
naman ay presentable na siya. Maliit pa naman siya at parang bata. Kung baga sa isip siguro noong Immigration officer na baka pinabili lang siya ng suka nakarating na sa Estet.
“Dress like a professional because you are one, “sabi ng nag-oorient sa amin.
Kahit wala pa ang 9/11, mahigpit na ang Immigration sa mga hindi naghahawak ng green card. Pinapipila ang mga greencardholders(hindi naman kulay green) ng hiwalay habang sa mga turista at may hawak ng mga working visang katulad ko.
Umusad ang pila at umabot ako sa kinaroroonan ng unang Puting nakita ko sa Estet. Yong kaibigan ko kasi alam niyang nasa Estet na siya noong makita niya ang isang Pulis na Puti. Mahilig kasi siyang manood ng COPS.
Tiningnan niya ang aking passport at sinabing Hmmmmm so you are an accountant.
Gusto kong sagutin nang Hmmmmmmmmmm so what do you think. Pero hanggang
isip ko lang yon. Naalala ko na naman yong tip sa akin.
Tip #3
Pag ang tanong ay kailangang sagutin ng Yes or no. Sagutin lang ng either yes or no period. Pag may follow up na tanong, saka lang sasagot. Do not volunteer any info unless asked. Tinandaan ko yong dahill ako mahilig magvolunteer sa mga projects, sa mga
programs. Pag tinanong mo ako ng aking pangalan, pati ang dahilan nang pagkapangalan sa akin ay malalaman mo libre.
Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. Tiningnan ko rin siya mula ulo hanggang dibdib. Nakaupo siya anoh kaya yong lang parte ng katawan niya ang nakalabas.
Tiningnan niya ako sa mukha. Siguro hinahanap niya ang numero dahil accountant nga ako.
Tip # 4
Tingnan sa mata ang kumakausap. Tiningnan ko siya mata. Madaya,nakasuot
siya ng salamin. Iniisip ko baka tanungin ako tungkol sa Accounting. Kagaya noong
nakasabay ko sa pag-pick up ng passport ko sa US Embassy. Tinanong niya ako kung anong tanong sa akin sa interview. Siya raw kasi tinanong sa depreciation.Sabi ko wala kasi hindi naman ako ininterview. Sabi niya puwede ba yon?
Sabi ko ang teoriya ko ay :
1.marahil nagandahan sila sa retrato ko. Ahem
2. natakot sila sa retrato ko.
3. maganda ang gising ng nagprocess ng aking papel kaya aprubado kaagad ang visa ko.
4.makakalimutin ang consul na may hawak ng papel ko at naisama yong aking passport
sa tatakan ng visa ko.
5. o nakita lang niya ang mga work related travels ko sa Asia. Ahem
Inabot ng Immigration Officer yong aking passport at sabi Welcome to US and have a nice day. Sabi ko tink yu.

Wednesday, August 04, 2004
Sa Erpleyn-para sa tabi 6
Cont’n
May stopover kami sa LAX (Los Angeles Airport). Maraming pasahero ang bababa.
Hindi ko maalala kung ilang minuto o oras kaming humimpil sa airport na yon.
Nasa Estet na ako kaya lang wala pa akong makitang mga blonde at mga blue eyes.
Ang alam ko napalis ang pasahero doon sa may lugar ko. Puwede nang lumipat ng upuan, itaas ang paa o kaya ay solohin ang isang row. Yon ang ginawa ko. May babaeng lumapit sa akin. Tinanong kong saan ang destinasyon ko. Sabi ko San Francisco ang aking port of entry pero hindi yon ang destinasyon ko.Sabi niya, yong katabi niya ay LAX kaya nag-iisa na siya. Nakita ko nga yong katabi niya. Maganda siya. Parang artista, kaya napa-
tingin ulit ako noong minsang pumunta ako sa CR. Sabi noong babae, KULAKADIDANG (mistress) ng isang sikat na tao sa Pinas. Ow,bumilog ang bibig ko kasabay nang pag-igkas ng aking kilay.”
Eh di ba mahigit sa lima na ang kaniyang kabit?” Bakit nandito yong babae sa LAX, pinababakasyon?”tanong ko sa babaeng hindi ko naman kilala.
“Naku, mag-aasawa na siya dito.” sagot na walang gatol ng babae na hindi ko alam ang pangalan.
“ Bakit ? Nagbreak na sila ng kaniyang sugar daddy? “ tanong ko ulit sa babaeng hindi ko naman tinatanong ang pangalan.
“ Hindi naman, dinispatsa siya dahil galit yong Mistress # 3. Mas maganda kasi at bata itong babae.” patuloy ng babaeng hindi naman sinasabi ang kaniyang pangalan.
“Sino ang mapapangasawa niya?”tanong ko ulit sa babaeng gusto ko nang tanungin ang pangalan.
“Isang citizen yata dito na binigyan ng pera ng kaniyang sugar daddy para magkapapel na siya at magkaroon ng pamilya. Gastos lahat ng “daddy niya”. sabi ng babae na tumayo na
para bumalik sa kaniyang upuan.
“Siyanga pala, anong pangalan mo? tanong ko sa wakas.
“Ana’, sagot ng babae na hindi ko man kilala ay alam ko na ang pangalan.
Lumipad na ulit ang erpleyn.

Sunday, August 01, 2004
Sa Erpleyn-para sa tabi 5
Cont’n
Oras na para manood ng movie. Ang nasakyan ko ay yong may malaking screen sa gitna at bibigyan ka ng earphones para marinig mo ang audio.
Ngayon sa PAL ay mayroon ng mga erpleyn sila na nasa likod ng upuan ang screen kaya solo mo ang pelikula. Maraming choices pa. May Tagalog, may English , may bagong pelikula as in 2 months o kaya may classic movie. Kulang na lang lagyan nila ng Soap opera.
Noon walang choices. Kung anong palabas, pagtiyagaan mo. Kung ayaw mo namang manood, maari ka ring makinig ng music. May nakita nga akong Pinoy na pers timer na umiindak habang nakasuot ng earphones. Bakit kanyo alam kong pers timer....abaa eh hindi naman nakakabit doon sa arm rest yong dulo ng earphones eh.
Yong babae sa may kabilang row ay binibigyan ng earphones noong stewardess. Panay siya iling. Akala niya siguro may bayad. Pero noong malamang wala,muntik pang umorder ng extra.
Maganda yong palabas. Suspense/Action. Nakalimutan ko ang titulo. Linsiyak namang bata yong nasa ikaapat na upuan mula sa akin. Kung gaano naman kabilis ang action, yon naman ang bilis niyang patakbo-takbo. Ginawang playground yong aisle. Ang sarap abangan at hawakan yong pony tail niya at sabihing itatali ko siya pag hindi siya tumigil. Naniniwala ako sa mga kutob ng ina. Parang nararamdaman nila na may masamang tangka sa kaniyang anak. Tumingin sa akin ang ina ng bata. Hindi ko malaman kung iyong titig ay hingi ng paumanhin o pag paparamdam sa akin na alam niya ang iniisip kong masama sa kaniyang anak.
Tumigil ang batang tumakbo-takbo. Ay salamat, makakapanood
na rin ako nang walang istorbo. Tumakip naman sa harapan ko
ang isang stewardess. May inereklamo yata yong dalawang pasahero.
Pagkatapos magkaunawaan at bumalik na ang stewardess
sa likod, tapos na ang palabas Parang gusto kong sumigaw ng
soli ang bayad. Parang noong bata pa ako, pag nasisira ang
pelikula o kaya may brownout na matagal, sumisigaw ang
mga tao ng SOLI bayad.
Ayaw ko nanag maghintay sa susunod na palabas. Kailangan
makatulog na ako kahit ilang oras. Buti na lang hindi maligalig
yong mga katabi ko. Nagpapalitan lang sila ng paghilik. Di bale,
may earphones naman. O kaya makikisabay na rin ako sa kanila.
Alto yata ako. ngorkngork ngork.
Itutuloy .

Saturday, July 31, 2004
Sa Erpleyn 4-para sa tabi 4
Cont'n.
Binigay sa akin yong chicken. May salad na maasim, may bread, crackers, jam,butter,sliced fruit, water or soda,coffee or tea. May salt, sugar, blackpepper sa sachet. Yong crackers, jam, at bread, binalot ko at nilagay ko sa bag ko. Force of habit, you know.Noong mga istudyent pa kasi kami, kumukuha kami ng mga toyo, catsup at mga sugar sa fastfood o restaurant na kainan namin. Sayang din kung kukunin sa allowance. Survival. Nagkukumpisal naman ang mga kaklase ko. Sabi rin naman ni Mader,huwag sayangin ang mga pagkaing sobra .”Binabayaran yan, kaya iuwi”. Kaya insan pag nadalaw ka noon sa bahay at humingi ka ng catsup, tiyak ibibigay saiyo sachet na catsup na galing sa restaurant.
Ano kamo? Crackers at bread naman yong binalot ko ? Kasi insan may masama akong
karanasan sa Changgi Airport, sa Singapore. Oo doon sa lugar ni Tambay. Stop over namin. Delayed yong connecting flight dahil may storm. Ang perang natitira sa amin pagkatapos naming tumulong sa pagpapalago ng ekonomiya ng Singapore sa pamamagitan ng pagbili ng mga electronic products at mga pampasalubong sa mga kamag-anak ay sapat lamang sa isang bottled water. Linsiyak kasing makapagpaguilty yong tourist guide namin na bumili kami ng productong Singapore. Panay pa ang
parada noong tourist bus sa mga may nakasabit na SALE. Eh yong kasama kong lady lawyer (hindi si sassy ) din ay mahilig magpasalubong sa mga kasamahan niya sa law office niya. Kulang na lang na pati pusa at aso niya ay may pasalubong. Napakabait na nilalang.
Bumili kami ng bottled water at pinagsaluhan namin yong tinapay, butter at jam na ibinalot niya. Dati hindi ako nagbabalot. Naging leksiyon sa akin yon. Nakaraos din ang dinner namin. Nang dumating ang erpleyn, hindi pa man nakakatanong kung chicken o piss (fish), piss na kaagad kami. Hindi naman kaming mukhang gutom,pero duhapang ang kain namin.
Bago 9/11 insan ang mga spoons at sporks ay mga stainless. May tatak pa ng pangalan ng airline. Pagkatapos ng isang gamit, ito ay pinagbibili sa recycling companies. Pag nakakain ka sa isang bahay na may ganitong kubyertos, ibig sabihin, may nakapagsmuggle palabas ng mga disposable items na ito. May barkada ako na ang producto nila ay ang mga kubyertos at mga sipilyo, suklay, medyas na give away ng airline.Kaya noong nabalitang isasara ang isang airline, ang asawa niya ay lumakad ng paluhod sa Quiapo.
Pagkatapos nang meal,puntahan naman sa CR. Haba ng pila. Kung bus lang siguro yon, marami nang lalaking nakabalik sa upuan lalo kung madawag ang dinadaanan ng bus. Karaniwan noon, pag angdriver gusto ring magbawas, hihinto at sasabihin sa mga pasahero, o yong gustong magbawas. Noong bata ako may nakita akong matandang
babae,nakipagsabayan sa mga lalaking nakatayo. Itinakip lang niya yong malapad na saya. hehehe.
Ang piloto kaya saan nagbabawas ?
Itutuloy.

Friday, July 30, 2004
Sa Erpleyn-para sa tabi 3
Insansapinas,
Nakasakay din ako sa erpleyn na magdadala sa akin sa Estet. Binuksan na naman sa check-in yong aking dalang maleta. Natapon yong isa sa mga cologne ko. Umalingasaw ang amoy. Nangamoy cologne pati yong chocnut at preserved mango. Kainis pa namang mang-asar ang pasasalubungan ko ng mangga. Baka sabihin niya manggang amoy belyas ang pasalubong ko sa kaniya.
Di bale, mas maluwag ang upuan sa erpleyn. Pero nasa aisle seat ako. Dapat sa may bintana ako pero nakipagpalit sa akin ang mamang nakaupo sa aisle kasi gusto raw niyang makita ang view sa labas. Alin ang alapaap? Pinanalangin ko na lang na sana ay walang problema ang mga
pantog ng nakaupo sa gitna at sa may bintana para naman hindi ako maabala sa panonood ko ng pelikula.
Nalaman ko na lang ang dahilan nang madalian niyang pagbakwet sa may bintana ay nang dumaan na ang food cart ng mga stewardess. Muntik-muntikanang mahiwalay ang kaluluwa ng aking siko sa buong kamay. Arayyyyyyyyyyyyyyyyyyy. Hindi naman ako makareklamo.
Yon ang mga hazards nang pag-upo sa gitna. Sa pakiwari ko, minsan talagang sinasadya ng mga stewardess ang pahagingan ang mga pasahero para bigyan ng leksiyon. Sa isip siguro nila ay naglalaro ang ganito, " Ahaaa, may isa na namang tanga o matigas ang ulo na nakalawit
ang kamay, mabundol nga."
"Beef or chicken?" tanong ni Stewardess sa akin. Tanong sa akin habang sa isip ko ay ah ah ah ah sakit. Kung hindi ka lang may dala ng pagkain, sinunganga nakita. Pero thought baloon ko lang yon na madali ko namang tinusok para mag-isip kong ano ang pipiliin kong dinner.
"Bakit walang pork ?" biglang lobo ulit ng thought balloon. Nagmultiple choice
pa:
1)walang order na pork
2) May alta presyon halos ang pasahero
3) Dahil sa relihiyon ng pasahero
Two choices lang palagi sa isang meal. Dapat pala nakatawag ako at nakaorder
ng vegetarian meal. Hindi dahil vegetarian pa ako pero iniiwasan ko ang
beef serving sa erpleyn. Minsang lumipad ako sa Indonesia, yong beef
meal ng erpleyn ay napakatigas na para bang gusto kong gumawa ng side
order ng PALAKOL,para mahati yong meat anoh. Ang chicken naman ay kinakain
ko. Pero sa dami ng aking despididang dinaluhan bago umaalis, dami rin
ng chicken na hinanda. Pati ba naman sa Japanese restaurant at Korean
restaurant, may chicken pa ring naorder. Nang dumating ang aking
kapatid para maggudbye ang aking mga pamangkin, yong isa ay may
dalang Kentucky. Gusto kong agawin at isumpa sumpa yong chicken na
kinakain niya. Pero sa mura niyang edad, inabot niya ang isang piraso
at sinabing "baka raw ako magutom sa biyahe". Awww
nakakaiyak, akala niya siguro,parang bibiyahe lang ako papunta sa Baguio.
Kaya,puno ang tiyan ko ng chicken bago ako lumipad na siguro kung
pagsasamasamahin ang mga pakpak ay puwede na akong lumipad ng walang
erpleyn. Naalala ko lang ang pinsang nag-alaga sa akin. Kainin ko
raw yong manok para pag pumunta kami sa Bicol o sa Manila,ay lilipad
na lang kami. Mahiluhin kasi ako sa bus.
Beef or chicken,inulit na tanong ng stewardess.
Sabi ko chicken.

Sa Erpleyn-Para sa tabi 2
Insansapinas, ituloy ko ang kuwento ko. Insan, gising ka pa ba?
Nasaan na ba tayo ?Ahhh umakyat na ako sa erpleyn. Hinanap ko yong aking upuan.
Tatluhan ang upuan. Isa sa may bintana, isa sa may "aisle" at isa sa gitna.
Lintek naman insan ang napuntahan ko, napagigitnaan ako ng dalawang malalaking
tao. Babae yong nasa may bintana at lalaki yong nasa may "aisle". Inilagay ko
muna yong handcarry ko sa overhead compartment. Nagpatulong ako doon sa mamang naglalagay din ng kaniyang backpack. Umigting ang muscles niya sa kamay nang itaas at isiniksik niya sa compartment ang aking maliit na bag. Patutsada niya,"
bakit naman dinala ninyo ang Manila Cathedral ?" Sagot ko naman," hindi
kasi pumayag ang meyor ng Manila na dalhin ko yong Quiapo Church."
Hindi pa man nag-iinit ang aking pwet sa upuan, nagpapaexcuse na iyong ale
sa may bintana. Pupunta raw siya ng CR. Hindi puwedeng hindi ako tumayo
at lumabas. Hindi siya makakaraan. Nakasimangot na tumayo yong lalaki sa aking kaliwa.
Siguro nakatapos na akong maggantsilyo ng sweater ng manika sa tagal nang paghintay sa kaniyang bumalik.
Habang naghihintay, napagmasdan ko ang aking mga kasabay na papunta sa 'merika. Karamihan sa kanila mga balikbayan na. Paano ko nalaman? Ang mga damit nila para lang silang pupunta sa mall o sa beach. Yong mga tinedyer, naka sapatos na
ala Moses at nakashort na ang pundilyo yata ay malapit ng sumayad sa tuhod.
Ang mga magulang din nila ganoon din. Yong iba, pagkaakyat sa erpleyn,
nagpalit ng tsinelas. May nakita pa nga
ako, nakapaa, para bang tinuring na niyang bahay ang erpleyn at mga bisita
niya ang pasahero doon.
Ang lintek, nakangiti pa siya. Parang tinutuya niya ako sa suot kong business suit na nag-iwan ng nagbawas ng timbang sa aking pitaka. Sarap niyang pitikin.
Napagitnaan ulit ako ng dalawang malalaking tao.
Maliit lang kasi ang erpleyn na yondahil sa Japan pa namin makukuha yong malaking
erpleyn. Sinilbihan kami ng mani at soft drinks. Akala ko yon na ang main dish
para sa haba ng aming paglalakbay.Kailangan naming lumipat sa Japan. Tinulungan ulit
ako noong mama. Hindi dahilmabait siya, kung hindi dahil naiipit ng aking maleta ang kaniyang backpack.
Buti hindi siya nagbanggit ng simbahan dahil mayroon pa akong Baclaran, St. Jude, Sto.Domingo...magvisita iglesia siya nang di oras. Humph.
Mabilis akong bumaba sa erpleyn. Tama ang sabi noong check-in counter attendant. Malayo ang susunod na gate. Wala pa namang masasakyan, kagaya sa ibang erport. Wala rin yong flat na escalator na tatapak ka na lang at hindi ka na lalakad. Susunod hindi na rin ako bibili ng ganitong maleta na pareho ang mga design at ang mga laki ay para bang Big,Medium, Small. Yong small ay meron ngang gulong, pero para pagulungin mo, kailangan mo ang yumuko. Sa haba nang lalakarin ko na may bitbit ng isang maletang MABIGAT, may leather jacket na MABIGAT at may handbag na may kamera, makeupkit
na MABIGAT, mangani-nganing sumakay ako sa maleta at magpagulong hanggang makarating sa susunod na erpleyn na sasakyan ko.

Thursday, July 29, 2004
Sa Erpleyn-Para sa tabi-1
Mahal kong InsansaPinas,
Masaya ako at muli tayong nagkatagpo. Bata ako noong huli kitang nakita. Di ba ginagawa mo pa akong tsaperon noon sa mga deyt mo sa chicks. Tuwang-tuwa ako pag isinasama mo ako sa sine kasama ng nililigawan mo. Sabi ni Diko mo, hindi naman daw yong babae ang may gusto ng tsaperon, kung hindi para hindi ka mapikot. Tindi mo insan,kung malaki na sana ako noon, binuking na kita sa mga goirls. Binibilhan mo nga ako ng popcorn pero pinapaupo mo naman ako sa harapan ninyo at pinagbabawalan lumingon lalo na pagpatay na ang ilaw.
Nakasamang maghatid sa aking pag-alis ang iyong Ditse. Hanggang sa labas lang naman siya kasi bawal na nga ang pumasok sa loob. Tatlo ang dala kong maleta; dalawang checked-in at isang handcarry. Ayaw pumayag iyong nasa check-incounter.Kailangan ko raw icheck-in yon at magbayad. Ano siya sinuswerte? Alam ko namang entitled ang pasahero sa isang carry all. Eh kung mastranded kami, ano ang susuotin kong pajama,(3piraso), bihisan (tatlong piraso),panloob,4 na piraso; isang dosenang Chocnut, tatlong shampoo at conditioner (matapang daw kasi ang shampoo sa Estet, kaya nagdala ako ng gamay kong shampoo. Saka pala sabon na papaya, tsaang herbal, cebodemacho at aziete de mansanilla (bilin sa akin). Marami ba yun ?
Sabihin mo insan,marami ba yon? Saka pala tsinelas at dalawang tuwalya. Marami ba yun ?
Wala namang limit sa bigat ah hindi kagaya sa PAL na ang limit na timbang ay kasimbigat na ng maleta kong walang laman. Nakulitan sa akin yong visor kaya pinayagan ako. Sabi niya mahihirapan daw ako sa stop-over dahil malayo ang lalakarin papuntang gate sa connecting flight. Inirapan ko siya at lumakad akong laylay ang aking balikat sa bigat. Umph.

Bumabaha din dito sa 'Merika

InsansaPinas:
Galing ng retrato mo insan. Imbes na kalabaw, kotse ang lumulunoy
sa putik. Iba talaga ang Merika. Moderno.
PinaysaAmerika: Wala kaming kalabaw dito,insan. Binaha sa Texas at nadala ng agos yong kotse.
InsansaPinas:Binabaha din kayo diyan? Mabubuhay pala ako diyan.
PinaysaAmerika:Paano ka naman mabubuhay dito dahil sa baha?Aber?
InsansaPinas:Magtutulak ako ng kotseng tumitirik.
PinaysaAmerika: Insan,di tinutulak dito ang kotse.TinaTOW.?
InsansaPinas: Anong tinataw?
PinaysaAmerika: Hinihila,kasi automatic sila at hindi manual o stick shift kagaya ng kotse diyan. Saka pag bumaha dito, talagang baha.
InsansaPinas:Bakit dito sa Pinas din di ba ?
PinaysaAmerika:Hindi,minsan ang baha diyan bahabahaan lang. Tinatakpan ang mga imburnal ng mga hinayupak na mga walang magawa tapos maglalagay ng mga kahoy sa may tubig na dadaanan ng tao at maniningil.
Dito pag bumaha, minsan buong bahay ang tangay. May panahon nga rito na mga kabaong ang inagos. Parang nakangiti pa yong bangkay.
Wednesday, July 28, 2004
Para raw safe ang paglakbay sa eruplano
Mahal kong Insansapinas,
Mula nang 9/11, may mga taong takot nang sumakay sa eruplano.
May suggestion na ito ang ipatupad para masigurong
walang maitatagong baril, bomba patalim.
>>>Huwag matagal ang titig <<<
Ano sa palagay mo?

Wednesday, March 10, 2004
James Bond
1. Si Pinay at si James Bond
2. Si Pinay naging Nanny?
3. Si Pinay ang Inihatid ni James Bond
4. Si James Bond ang hindi Spy, Pinay Goes Romantic Part 7
5. Si James Bond at ang Girl Friend na Lady Judge-Pinay Goes Romantic Part 8
6. Happy Birthday Daw-Pinay Goes Romantic Part 9
7. Si James Bond at ang British na hindi rin Spy-Pinay Goes Romantic Part 10
8. Sumbong, sumbong-Pinay goes romantic part 11
9. James Bond, balikbayan na hindi Pinoy-Pinay Goes Romantic Part 12
James Bond,San Francisco,romance

Saturday, February 07, 2004
Subscribe to:
Posts (Atom)