Advertisement
Thursday, July 29, 2004
Bumabaha din dito sa 'Merika
InsansaPinas:
Galing ng retrato mo insan. Imbes na kalabaw, kotse ang lumulunoy
sa putik. Iba talaga ang Merika. Moderno.
PinaysaAmerika: Wala kaming kalabaw dito,insan. Binaha sa Texas at nadala ng agos yong kotse.
InsansaPinas:Binabaha din kayo diyan? Mabubuhay pala ako diyan.
PinaysaAmerika:Paano ka naman mabubuhay dito dahil sa baha?Aber?
InsansaPinas:Magtutulak ako ng kotseng tumitirik.
PinaysaAmerika: Insan,di tinutulak dito ang kotse.TinaTOW.?
InsansaPinas: Anong tinataw?
PinaysaAmerika: Hinihila,kasi automatic sila at hindi manual o stick shift kagaya ng kotse diyan. Saka pag bumaha dito, talagang baha.
InsansaPinas:Bakit dito sa Pinas din di ba ?
PinaysaAmerika:Hindi,minsan ang baha diyan bahabahaan lang. Tinatakpan ang mga imburnal ng mga hinayupak na mga walang magawa tapos maglalagay ng mga kahoy sa may tubig na dadaanan ng tao at maniningil.
Dito pag bumaha, minsan buong bahay ang tangay. May panahon nga rito na mga kabaong ang inagos. Parang nakangiti pa yong bangkay.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment