Advertisement

Sunday, August 01, 2004

Sa Erpleyn-para sa tabi 5

Cont’n

Oras na para manood ng movie. Ang nasakyan ko ay yong may malaking screen sa gitna at bibigyan ka ng earphones para marinig mo ang audio.

Ngayon sa PAL ay mayroon ng mga erpleyn sila na nasa likod ng upuan ang screen kaya solo mo ang pelikula. Maraming choices pa. May Tagalog, may English , may bagong pelikula as in 2 months o kaya may classic movie. Kulang na lang lagyan nila ng Soap opera.

Noon walang choices. Kung anong palabas, pagtiyagaan mo. Kung ayaw mo namang manood, maari ka ring makinig ng music. May nakita nga akong Pinoy na pers timer na umiindak habang nakasuot ng earphones. Bakit kanyo alam kong pers timer....abaa eh hindi naman nakakabit doon sa arm rest yong dulo ng earphones eh.

Yong babae sa may kabilang row ay binibigyan ng earphones noong stewardess. Panay siya iling. Akala niya siguro may bayad. Pero noong malamang wala,muntik pang umorder ng extra.

Maganda yong palabas. Suspense/Action. Nakalimutan ko ang titulo. Linsiyak namang bata yong nasa ikaapat na upuan mula sa akin. Kung gaano naman kabilis ang action, yon naman ang bilis niyang patakbo-takbo. Ginawang playground yong aisle. Ang sarap abangan at hawakan yong pony tail niya at sabihing itatali ko siya pag hindi siya tumigil. Naniniwala ako sa mga kutob ng ina. Parang nararamdaman nila na may masamang tangka sa kaniyang anak. Tumingin sa akin ang ina ng bata. Hindi ko malaman kung iyong titig ay hingi ng paumanhin o pag paparamdam sa akin na alam niya ang iniisip kong masama sa kaniyang anak.

Tumigil ang batang tumakbo-takbo. Ay salamat, makakapanood
na rin ako nang walang istorbo. Tumakip naman sa harapan ko
ang isang stewardess. May inereklamo yata yong dalawang pasahero.
Pagkatapos magkaunawaan at bumalik na ang stewardess
sa likod, tapos na ang palabas Parang gusto kong sumigaw ng
soli ang bayad. Parang noong bata pa ako, pag nasisira ang
pelikula o kaya may brownout na matagal, sumisigaw ang
mga tao ng SOLI bayad.

Ayaw ko nanag maghintay sa susunod na palabas. Kailangan
makatulog na ako kahit ilang oras. Buti na lang hindi maligalig
yong mga katabi ko. Nagpapalitan lang sila ng paghilik. Di bale,
may earphones naman. O kaya makikisabay na rin ako sa kanila.
Alto yata ako. ngorkngork ngork.

Itutuloy .

Pinaysaamerika

1 comment:

Anonymous said...

sa Airbus na manila-cebu-manila at manila - hongkong madalas kong natyemtyempuhan yong tv sa harap ng upuan (noong nasa telecom pa ako sa pinas) at hindi pa sumasakit yong leeg mo...every two weeks noon nasa 36,000 feet ako...