Advertisement

Thursday, August 12, 2004

SF Downtown-Land of Salabat and Matamis na Bao

Dear insansapinas,

Maaga kaming umalis sa bahay ni Bossing. Hindi kami nagbreakfast. Kailangan kasi nasa freeway na kami bago mag-alas seis ng umaga kung hindi makakasama kami sa parang pagong na usad ng sasakyan.

Dumaan kami sa Baybridge. Akala ko iba ito sa dinaanan naming noong nakaraang gabi dahil ito ay walang bubong. Hindi pala bubong yon kung hindi ikalawang palapag. One way lang kasi ang inbound and outbound traffic. Kita mo yan, meron ba tayong
ganiyang bridge? Baka nakapayong, meron.

Ang layo ng garage sa opit. Mga limang block ang layo
At paakyat ang kalsada. Hindi pa man Mahal na Araw ay parang nagpepenitensiya na ako. Kulang na lang ang magpasan ako ng kurus sa hirap. Dala ko kasing sapatos ay boots na may takong. Feeling ko kasi ay Estetside ako kung ako ako ay nakaboots kaya nagpasadya ako sa Marikina. Ang bigat pa ng aking leather jackeyt. Parang pasan ko ang kalahating baka na pinanggalingan ng balat.

Dumaan muna kami sa St. Patrick’s Cathedral. Mabibilang mo ang mga taong nasa loob ng simbahan. Mga Pilipino halos. Bukas lang ang simbahan dito pag maagang-maaga o kaya pag may misa. Wala naman kasing nagsisimba. at ayaw nilang pasukin ng mga magnanakaw o kaya mga bum na walang mapahingahan.

Dinaan namin ang Union Square kung saan may mga Intsik na nagta-taichi, mga turistang
may hawak na mapa, mga taong nagbabasa ng diyaryo.

Hindi kami tumuloy sa opit. Nag-almusal na naman kami sa hotel. Pag ganito ng ganito, mawiwili ako ng walang almusal.

Inorient niya ako tungol sa trabaho ko sa kabilang opisina. Dadalhin daw niya ako next week pagkatapos nang darating na weekend.

Bata pa siya pero makikita na ang maraming sigwang dumaan sa kaniyang buhay. Siya aniya ang ugly duckling na palaging wall flower sa sayawan. Nag-aaral siya sa kolehiyo nang makilala niya ang isang guwapong lalaki na kinaibigan siya para may taga-gawa siya ng assignment.

Nang mabuntis siya, ay inilipat ng magulang ang lalaki at hindi niya na nakita. Hindi niya ikinuwento paano siya nakarating sa Estet pero alam ko malalaman ko rin.
Nakamake-up siya at ayaw niya sigurong mabura.

Dito karaniwan ang boss ay tinatawag on a first name basis lang. Walang Ma’am,
Sir, or Mister or Mrs.

Pinakilala ako sa Accountant. Dati siyang BIR Examiner sa Menila. Kamamigrate lang nilang buong mag-anak. Nakatira siya sa isa mga hotels sa downtown.

“Wow”, sabi ko.”Yaman mo naman.”Natange niya ako. BS daw talaga ako. Bagong salta.

Ayon sa kaniya yon ang mga lumang hotel buildings na ginawang paupahan. Mga kuwarto kuwarto, may common kitchen / dining room at toilet and baths sa bawa’t palapag . In short makikipagbunuan ka ng paggamit ng mga pasilidad na iyon.

Ang aking Land of Milk and Honey ay nagiging Land of Salabat at Matamis na Bao.

Pansamantala lamang daw yon, dahil naghahanap siya ng mauupahan sa labas ng siyudad
na malapit sa teren.

Tinanong ko siya kung may kamag-anak sila dito. Meron daw, pero pagkatapos silang
imibitahin magdinner, ay hindi man nagpadaplis na puwede silang tumira roon habang sila ay naghahanap nang matitirahan.

Hindi kagaya sa pinas na kahit sikisikan ay patitirahin ka ng kamag-anak .Dito marahil na rin siguro sa mga restriksyon kagaya ng mga nangungupahan ay bawal ang magdagdag ng mga taong nakatira.

Tip for the day
Bago magdesisyong mangibang bayan siguruhin muna na ang mga kamag-anak na inaasahang tutulong ay hindi tipong mga karapatdapat ihulog sa Bay Bridge at Golden Gate.

Pinaysaamerika

2 comments:

linnor said...

hi! galing ako kay batjay. ili-link kita ha?

loryces said...

hi! just wanted to tell you that i love your posts. ang funny tapos relate pa ko. i'll be adding you to my links ok? btw BS din ako... bagong salta. :)