Advertisement
Friday, July 30, 2004
Sa Erpleyn-para sa tabi 3
Insansapinas,
Nakasakay din ako sa erpleyn na magdadala sa akin sa Estet. Binuksan na naman sa check-in yong aking dalang maleta. Natapon yong isa sa mga cologne ko. Umalingasaw ang amoy. Nangamoy cologne pati yong chocnut at preserved mango. Kainis pa namang mang-asar ang pasasalubungan ko ng mangga. Baka sabihin niya manggang amoy belyas ang pasalubong ko sa kaniya.
Di bale, mas maluwag ang upuan sa erpleyn. Pero nasa aisle seat ako. Dapat sa may bintana ako pero nakipagpalit sa akin ang mamang nakaupo sa aisle kasi gusto raw niyang makita ang view sa labas. Alin ang alapaap? Pinanalangin ko na lang na sana ay walang problema ang mga
pantog ng nakaupo sa gitna at sa may bintana para naman hindi ako maabala sa panonood ko ng pelikula.
Nalaman ko na lang ang dahilan nang madalian niyang pagbakwet sa may bintana ay nang dumaan na ang food cart ng mga stewardess. Muntik-muntikanang mahiwalay ang kaluluwa ng aking siko sa buong kamay. Arayyyyyyyyyyyyyyyyyyy. Hindi naman ako makareklamo.
Yon ang mga hazards nang pag-upo sa gitna. Sa pakiwari ko, minsan talagang sinasadya ng mga stewardess ang pahagingan ang mga pasahero para bigyan ng leksiyon. Sa isip siguro nila ay naglalaro ang ganito, " Ahaaa, may isa na namang tanga o matigas ang ulo na nakalawit
ang kamay, mabundol nga."
"Beef or chicken?" tanong ni Stewardess sa akin. Tanong sa akin habang sa isip ko ay ah ah ah ah sakit. Kung hindi ka lang may dala ng pagkain, sinunganga nakita. Pero thought baloon ko lang yon na madali ko namang tinusok para mag-isip kong ano ang pipiliin kong dinner.
"Bakit walang pork ?" biglang lobo ulit ng thought balloon. Nagmultiple choice
pa:
1)walang order na pork
2) May alta presyon halos ang pasahero
3) Dahil sa relihiyon ng pasahero
Two choices lang palagi sa isang meal. Dapat pala nakatawag ako at nakaorder
ng vegetarian meal. Hindi dahil vegetarian pa ako pero iniiwasan ko ang
beef serving sa erpleyn. Minsang lumipad ako sa Indonesia, yong beef
meal ng erpleyn ay napakatigas na para bang gusto kong gumawa ng side
order ng PALAKOL,para mahati yong meat anoh. Ang chicken naman ay kinakain
ko. Pero sa dami ng aking despididang dinaluhan bago umaalis, dami rin
ng chicken na hinanda. Pati ba naman sa Japanese restaurant at Korean
restaurant, may chicken pa ring naorder. Nang dumating ang aking
kapatid para maggudbye ang aking mga pamangkin, yong isa ay may
dalang Kentucky. Gusto kong agawin at isumpa sumpa yong chicken na
kinakain niya. Pero sa mura niyang edad, inabot niya ang isang piraso
at sinabing "baka raw ako magutom sa biyahe". Awww
nakakaiyak, akala niya siguro,parang bibiyahe lang ako papunta sa Baguio.
Kaya,puno ang tiyan ko ng chicken bago ako lumipad na siguro kung
pagsasamasamahin ang mga pakpak ay puwede na akong lumipad ng walang
erpleyn. Naalala ko lang ang pinsang nag-alaga sa akin. Kainin ko
raw yong manok para pag pumunta kami sa Bicol o sa Manila,ay lilipad
na lang kami. Mahiluhin kasi ako sa bus.
Beef or chicken,inulit na tanong ng stewardess.
Sabi ko chicken.
Itutuloy
Pinaysaamerika

Subscribe to:
Post Comments (Atom)
5 comments:
funny kwento. kelan na yung itutuloy?
"beef or chicken?"
"... may pisda ba?"
hehehe
Cat ....you are quite remarkable writer ....mapatagalog man o english ...naalala ko tuloy Liwayway magazine ba binibili ng nanay ko...doon ako natutong magbasa...mga nobela ...mga short story...i admit it ...i like the way you write
salamat ate sienna sa dalaw mo.
wala ako sa kalingkingan ninyo ni p'reng jay.
Techguy, welcome.gusto mo ng apoldyus. Nabasa ko ang iyong post sa Binondo at may kwento din ako dyan.
CAT
yong picture mo sa site ikaw ba yan ...me kamukha ka..barkada ko noong high school mga Alcantara(Celia)
naku di maganda siya.ahekhek
Post a Comment