Advertisement

Wednesday, August 04, 2004

Sa Erpleyn-para sa tabi 6

Cont’n

May stopover kami sa LAX (Los Angeles Airport). Maraming pasahero ang bababa.
Hindi ko maalala kung ilang minuto o oras kaming humimpil sa airport na yon.
Nasa Estet na ako kaya lang wala pa akong makitang mga blonde at mga blue eyes.
Ang alam ko napalis ang pasahero doon sa may lugar ko. Puwede nang lumipat ng upuan, itaas ang paa o kaya ay solohin ang isang row. Yon ang ginawa ko. May babaeng lumapit sa akin. Tinanong kong saan ang destinasyon ko. Sabi ko San Francisco ang aking port of entry pero hindi yon ang destinasyon ko.Sabi niya, yong katabi niya ay LAX kaya nag-iisa na siya. Nakita ko nga yong katabi niya. Maganda siya. Parang artista, kaya napa-
tingin ulit ako noong minsang pumunta ako sa CR. Sabi noong babae, KULAKADIDANG (mistress) ng isang sikat na tao sa Pinas. Ow,bumilog ang bibig ko kasabay nang pag-igkas ng aking kilay.”

Eh di ba mahigit sa lima na ang kaniyang kabit?” Bakit nandito yong babae sa LAX, pinababakasyon?”tanong ko sa babaeng hindi ko naman kilala.

“Naku, mag-aasawa na siya dito.” sagot na walang gatol ng babae na hindi ko alam ang pangalan.

“ Bakit ? Nagbreak na sila ng kaniyang sugar daddy? “ tanong ko ulit sa babaeng hindi ko naman tinatanong ang pangalan.

“ Hindi naman, dinispatsa siya dahil galit yong Mistress # 3. Mas maganda kasi at bata itong babae.” patuloy ng babaeng hindi naman sinasabi ang kaniyang pangalan.

“Sino ang mapapangasawa niya?”tanong ko ulit sa babaeng gusto ko nang tanungin ang pangalan.

“Isang citizen yata dito na binigyan ng pera ng kaniyang sugar daddy para magkapapel na siya at magkaroon ng pamilya. Gastos lahat ng “daddy niya”. sabi ng babae na tumayo na
para bumalik sa kaniyang upuan.

“Siyanga pala, anong pangalan mo? tanong ko sa wakas.

“Ana’, sagot ng babae na hindi ko man kilala ay alam ko na ang pangalan.

Lumipad na ulit ang erpleyn.

Itutuloy

Pinaysaamerika

No comments: