Dear insansapinas,
i have a friend na inaaya sya nung tiyahin nyang mag remika caregiver at sinasama pako,in 2 yrs daw kuha na green card, baket kako?sinu ba mysabi seyo type ko green card in two yrs 1000 lang sweldo libre accom at food kabayaran dun sa paglakad nila ng greencard.
Karamihan sa mga ganitong offer ay scam na nakakasuhan ng human trafficking. Papupuntahin doon ang mga tao ng tourist visa pagkatapos patatrabahuhin sa mga board and care o kaya maliit na nursing home na ari ng Pinoy sa fixed na suweldo pero ang oras ng trabaho ay sobra sa 8 hours a day at five days a week, kaya mas maliit pa sa minimum ang tinatanggap. Ito ang balita sa nahuling mga Pinoy.
PASO ROBLES, California - The Federal Bureau of Investigation (FBI) raided four nursing homes and arrested a Filipino couple for human trafficking.Maximino and Melinda Morales are accused of allegedly smuggling at least 3 Filipinos and forcing them to work in substandard conditions.Investigators said the couple smuggled them through transit visas.The Moraleses are accused of forcing Filipino nationals to work 7 days a week with little or no pay.Prosecutors said the couple took away the workers’ passports and threatened to hurt their families or deport them if they left.
The couple is in Los Angeles now for their first appearance in court.
If convicted, the couple could face jail for a maximum of 10 years for each undocumented immigrant smuggled. Balitang America
Iba ang board and care at iba ang malalaking state-run o resident facility o mas kilala sa community assisted living facilities na pag-aari ng private organizations. Kumpleto ang facilities at personnel dito. May doctor, may mga RNs at may mga nursing assistants.
Ang board and care ay mayroon lang mga anim hanggang isang dosena na pasyente na karaniwan ay bigay ng gobyerno. Dahil maliit lang ang kita dito at malaki ang risk,(pwede silang idemanda pag may nasaktan na matanda) karaniwan ay ang mga caregiver dito na kinukuha ay walang papel na may pangakong aayusin ang papel habang nagtatrabaho doon malayong mangyari at kung makakuha man ay aabutin ng siyam-siyam, Usually, isang caregiver ang hawak ay mahigit sa anim na pasyente. Walang RN, walang doctor at walang dietitian.
Habang naghihintay ng greencard, patuloy ang pag-exploit sa mga walang dokumentong Pinoy.
Ang working visa dito ay karaniwan ibinibigay sa mga college graduate na kung saan ay penitition sila ng employer sa trabahong related sa pinagtapusan nila. Kung Accounting or Business, dapat na trabahong offered ay about business, management o marketing. Kaya hindi maaring ipetition ang isang business graduate para sa caregiving job. Hindi rin maaring bigyan ng trabaho na mababa ang pasuweldo sa dapat susuwelduhan sa industry.
Kaya nga yong dati naming kakilalang recuriter ay nakasuhan dahil mga managers sa Pilipinas, nirecruit ng agency nila pero pag dating sa Florida, tagasilbi lang pala sa restaurant at tagalinis pagsara na ang restaurant. Sa suweldo nila na fixed isang buwan, halos 12 hours ang trabaho nila at pitong araw isang Linggo.
Nakasuhan yong recruiter na yon ng human trafficking. Ang mga