Advertisement

Friday, November 24, 2006

Si Pinay at ang Thanksgiving Day sa US of Ey

Si Pinay at ang Thanksgiving Day sa US of Ey

Dear InsansaPinas,

Thanksgiving dito sa Estet. Dati-rati, may turkey akong tinatanggap doon sa dati kong pinagtatrabahuhan. At namimigay pa ito nang mahigit dalawang libong pabo sa mga taong pipila sa harap ng opisina, mula ikapito ng umaga, hanggang alas onse ng tanghali. Daay, non-profit yon anoh. Kami ang tagapakain ng mga nagugutom, tagapainom ng mga nauuhaw at taga-ampon sa mga walang matirhan. Hindi po kami pilantropo. Huwag kayong hihingi ng pagkain sa akin, hane. Kami lang po noon ang tagagastos ng mga perang ibinibigay ng mga pilantropong kagaya nina Warren Buffet, Bill Gates at iba pang sobra-sobrang yaman.

Balik tayo sa turkey.
Yon na nga, di haba ng pila. Dalawang kalsada ang okupado. Tamang-tama, papunta ako noon sa bangko para ideposito ang ilang libong tinanggap naming mga donations. Abah, ang mga babaeng singkit na halos hindi makapagsalita ng English ay may dala-dalang turkey na nakuha sa pagpila sa aming opisina ay maraming balot ng turkey sa isang grocery cart, mga ilang kalsada ang layo sa amin. HUWAG NINYONG SABIHIN SA AKING SOBRANG GUTOM NIYA para kumuha ng limang turkey anoh. Sasampalin ko kayo. Ooops. Matalian nga itong kamay ko. (palo-palo sa kamay). Urhhhm, ayan medyo kalmado na ako.

Ang mga turkey po ay binibili ng dalawang dolyar ng mga pareho nilang singkit na maaring may restaurant o may tindahan kung saan nagbebenta ng turkey. Dalawang dolyar? Hanep ang tubong makukuha nila.

Sa ilang balik sa pila, may mahigit 10 dollars nga naman ang babaeng singkit na lagi kong nakikitang naghahanap ng basyong lata ng soft drinks sa basurahan.

Hindi ko na ito sinumbong sa mga kataastaasang mga diyos sa aming opisina. May batas kasi kaming nakasulat na huwag tatanggi pag may lumapit at humingi ng tulong. (Huwag ninyo akong titingnan, hindi ako kasama sa batas na yan).

Isa pa, isang araw lang naman itong nagaganap, hinayaan ko nang kumita siya. Nasaan ba ang pamilya niya. Masapok nga.

Ilang taon din yaong tumatanggap ako ng turkey na ipinamimigay ko sa may malaking pamilya. Kasi ako naman, hindi ako kumakain marunong magluto ng turkey. Ang lalaki pa naman na minsang niluto ng aking kabalay, isang taon yata akong napurga sa roasted turkey, reheated roast turkey, reheated for the nth time roasted turkey. In short, inokupa niya ang malaking espasyo ng aking freezer.

Kaya minsang namigay, ulit, pinili ko yong pinakamaliit. Sinabi ko sa sarili ko na kailangang matuto akong magroast ng turkey.

Kaya nang huling luto ko. Ito. Tadyan.

pinaysaamerika
photographer:polo


pinaysaamerika

,
,,

Wednesday, November 22, 2006

Love doesn't make the world go 'round.Love is what makes the ride worthwhile. --Pinay Love Story 2

Soul Mate Meets Soul Mate sa Internet-Another Pinay Love Story 2
sub-title : Oh Pag-ibig, balikbayan man ay balikbayan pa rin.
Part 9 Karugtong ng kabanata:


Dear InsansaPinas,

Mahaba pa ang kuwento ni Rick, insan at kung tatapusin niya doon sa kinakainan namin ay mamumulubi sa dami ng aking kinain. BURP. Excuse me.

Kaya tinapos namin ang pagkain at pagkatapos magtip ng $5 doon sa busgirl na nag-uuntugan na ang kilay sa inis dahil ang tagaaal talaga namin ay lumarga na kami.

Sa bahay ko na lang kami magpapatuloy ng kuwentuhan.
Habang nasa kotse ay itinuloy niya ang kuwento.

Ito ang kuwento niya na pinakinggan ko naman habang panay ang sulyap ko sa salamin.Wala na pala akong lipstick.

Niyaya niya si Auria na kumain sa labas. Nagpaalam sila sa magulang nito.

Wala pang isang oras nasa restaurant na sila sa bayan. Labinlima sila lahat.
Buti na lang mura lang ang pagkain doon. Naisip niya, ulit-ulit yayain na lang
Niya si Auriang lumabas at saka na sila kakain. Di kagaya nito, isang batalyon
Ang sumama. Wala namang giyera.

Sabi ko, hindi pa kasama niyan ang mga kapitbahay ha?

Medyo nangiti si Rick. Siguro talagang nakatatawa nga naman na isang pamilya
ang pakakainin mo pag isinama mo ang iyong nobya.

Nakailang labas din sila at paminsan-minsan ay natitiyempuhan nilang magsolo
Lalo pag wala ang mga asungot na nakabantay at nakatanghod papasok pa lang siya
Sa bakuran.

Kinausap niya na si Auria na kailangang magdesisyon na siya dahil maghahanda na
siyang mamanhikan kung maari para maayos niya ang lahat bago siya bumalik
sa Estet.

Hindi makasagot si Auria.




Itutuloy.

Ang iyong pinsan,

pinaysaamerika
,,,

Monday, November 20, 2006

You come to love not by finding the perfect person,but by seeing an imperfect person perfectly. -Pinay love story 2

Soul Mate Meets Soul Mate sa Internet-Another Pinay Love Story 2
sub-title : Oh Pag-ibig, balikbayan man ay balikbayan pa rin.

Part 8 Karugtong ng kabanata:


Dear InsansaPinas,

Nagiging suspense ang story ni Rick. Hindi ko naman minamadali dahil marami pang prutas akong di nakakain. Eat all you can. Bahala kang mapurga.

Tuloy ang kuwento ni Rick- Ano ang sikreto ?

“Sinong Adel ang tinawag mo? Tanong ni Rick.

“Ikaw. Di ba Adel ang pangalan mo ? sagot ng kapatid ni Auria.


Naku ha muntik ko ng malulon ang kapirasong apple. Sino yon?


Napatingin si Rick kay Auria. Naghahanap ng sagot.

Sandali lang naming nag-isip si Auria at sinabi niya na nagsinungaling siya
Sa kapatid dahil para itong si Dolly Carvajal na sagap ang lahat ng tsismis.

Adel,daw ay galling sa Dell, yong computer na ginagamit niya sa opisina.

Ahhh, sabi ni Rick.

Nagkamot ng ulo ang kapatid na tinedyer na mahinang pinalo sa puwet ni Auria
At inutusang magmeryenda sa kusina.

Napansin niyang tahimik si Baby Damulag at susunod sana sa pinsan nang
Makitang lumabas ang tiyo nitong balikbayan.

Umurong ito at tuloy-tuloy na sa pintuan ng bahay at umalis nang walang paalam.

Sa isip niya, ano bang sikreto ng mga taong ito?


Ano nga ba? Sabad ko habang nagkakaasim ako sa pagkain ng pinya.



Itutuloy.

Ang iyong pinsan,

pinaysaamerika
,,,

Saturday, November 18, 2006

We can only learn to love by loving. ---Pinay Love Story 2

Soul Mate Meets Soul Mate sa Internet-Another Pinay Love Story 2
sub-title : Oh Pag-ibig, balikbayan man ay balikbayan pa rin.
Part 7 Karugtong ng kabanata:


Dear InsansaPinas,


Tuloy ang kuwento ni Rick- Si Auria at ang Pamilya


Nagkakahiyaan pa daw sila lalo ang daming miron. Nakahalata naman ang nanay ni Auria kaya pinaalis lahat ang taong nasa salas. Takbuhan sila sa kusina pero nakita pa rin ni Rick ang mga ulong sumusungaw sa kurtina.

Hindi makatingin si Auria. Sa isip niya ay mahinhin talaga. Parang di makabasag pinggan lalo kung plastic. Ehek. Kumustahan sila. Kuwentuhan. Hindi pa rin maalis sa isip niya bakit parang galling sa pag-iyak si Auria. Alam niyang darating siya pero hindi nang araw na iyon.

Nang dumating ang ama nito ay ipinakilala siya. Tatlo palang magkakapatid ang ama ni Auria. Isa yong ama ni Baby Damulag at ang isa ay ang kasama niya na balikbayan din.
Ito ang nagpaaral sa kanila kahit na noong bago tumira sa Estet.

Nagkumustahan sila at nalaman nito na siya rin ay balikbayan. Ilang sandali pa ay iniwan
sila nang magkapatid.

Mayamaya ay nagpasok ulit ng meryenda ang nanay ni Auria. Tang orange. Mukhang galing sa Estet. Pati ang palaman sa tinapay ay corned beef. Katas Amerika.

Nalaman lang balikbayan siya, iba na ang meryenda. Hehehe

Sinabi niya kay Auria na isang buwan lang siya sa Pinas at kailangang malaman na niya kung desido talaga ito sa kanilang pagpapakasal.

Hindi pa man nakakasagot si Auria ay pumasok si Baby Damulag at may kasamang isa pang babae na ang tingin niya ay kapatid ni Auria na tinedyer.

“Bayaw” sabay yakap sa kaniya ng tinedyer”

“Tawagin na kitang Kuya Adel ha?” tanong nito na tinitigan siya mula ulo’t paa.

“Kuya Adel?”


Itutuloy.

Ang iyong pinsan,

pinaysaamerika
,,,

Thursday, November 16, 2006

There is no instinct like that of the heart. -Pinay Love Story 2

Soul Mate Meets Soul Mate sa Internet-Another Pinay Love Story 2
sub-title : Oh Pag-ibig, balikbayan man ay balikbayan pa rin.
Part 6 Karugtong ng kabanata:



Dear InsansaPinas,

Tuloy ang kuwento ni Rick-Ang pagkikita- ito totoo-totoong totoo na. Sumpa man.

Inimbitahan siyang umupo ng nanay ni Auria. Paglakad niya sa may sopa, nakasunod ang mga paslit na ususero. Para siyang isdang nasa aquarium. Inuusisa, tinitingnan bawa’t kamay ng kaniyang buntot. Para siyang ibong nasa hawla na pinagmamasdan kung malapit nang mamatay o kakanta o kakain. Para siyang baboy… ehekk.

Naglabas ng maiinom ang nanay ni Auria. Isang maputlang orange Juice. Tila ba maputlang natakot sa multo o nakalimutang maglagay ng kulay. Malamig ang tubig pero kulang ng asukal. (Kapintasero naman ng Rick na ito. Ako, ito insan, sumisingit sa kuwento ni Rick).

“Eh taga saan ka ba iho? Mukha yatang dayo ka rito sa amin?” tanong ng nanay ni Auria,
Habang ang mga mukha ng ibang matatandang babae doon ay naghihintay din ng pagkakataon para siya matanong.


Ah akala mo interrogation. Ako ulit ito, sumingit sa kuwento. Malapit ko na kasing matapos ang aking kinakaing ice cream, iniisip ko kung ano ang isusunod kong kunin.

“Taga Maynila po ako”. Maikling sagot ni Rick. Hindi niya sinabing Estetsayd siya. Baka raw lalong magkagulo ang mga nakikiusisang kamg-anak na naroroon.

Paano naman kayo nagkakilala ni Auring?


May pagka NBI rin pala ang nanay ng babae. Kaya lang natural lang yon sa nanay. Ang iba ngang nanay pati bank statement inuusisa.

Bago pa man nakasagot si Rick, may dumating na babae. Kagulo na naman ang mga hinayupak na mga kamag-anak.

Maganda siya. Balingkinitan ang katawan.
(wow sabi ko, kahit hindi ko naman nakikita, bakit ba panay ang singit ko dito. Makakakuha na nga ng kape.

Tumayo rin si Rick para sabayan akong kumuha ng kape.

Pag-upo niya ay tuloy ang kuwento.

Si Auria nga iyon. Kaya lang bakit parang katatapos lang umiyak?



Itutuloy.

Ang iyong pinsan,

pinaysaamerika
,,,

Tuesday, November 14, 2006

The heart has reasons that reason does not understand. --Pinay Love Story 2

Soul Mate Meets Soul Mate sa Internet-Another Pinay Love Story 2
sub-title : Oh Pag-ibig, balikbayan man ay balikbayan pa rin.
Part 6 Karugtong ng kabanata:


Dear InsansaPinas,




Tuloy ang kuwento ni Rick-Ang pagkikita- ito totoo na talaga.

"Hindi ko siya kilala ah. Baka nagkamali ng bahay. sabi ng Baby. Eh mister, sinong baby ang hinahanap mo?tanong niya kay Rick.

"Auria ang pangalan niya pero Baby daw ang kaniyang palayaw", sagot ni Rick.

"Ow, si Auring. Baby nga rin siya. Pero di siya rito nakatira. Doon sa likod. # 305 ito, yong kanila #305 A. Pinsan ko siya."

"Ibig mong sabihin si Baby Liit ang hanap niya? Akala ko pa naman may nagkamali na saiyong magpakasal". sabad ng matandang lalaki.

"Si Tatang, pinagbibili ako." tampo kunwari ang anak.
" Eh kung ipagbibili kita, por kilo. Mas tutubo ako. hehehe". Sige na nga samahan mo na.

Umikot sila sa bahay na malaki at sa likod nga ay mas maliit na bahay. Kumatok si Baby Damulag. Dumarami ang mga taong nag-uusisa. Para bang isang buong baryo ang nagising sa paghanap sa isang dalaga ng isang binata.

Ang nagbukas ay matandang babae. Humalik ng kamay ang kasama niyang babae. May lumabas na isa pang may edad na babae na bumunghalit ng:

“Oy Baby, nobyo mo? Kaswerti mo naman. Hang pogi.” May kasama pang hampas yon.

Sa lakas ng salita ng babae, marami pang nagdatingan. Hindi malaman ni Rick kung saan nanggaling ang mga yon. Bata, matanda, pangit, maganda, mabango, mabaho, pandak, mataas.

“Hindi ko Tiyang. Hinahanap ho si Auring”. Sagot ni Baby.


“Si Auring ko? Bakit daw?” tanong ng matanda.

“Ewan ko, hindi ko pa naman ho naitanong eh. Nasaan ho ba si Auring?”

“Wala siya. Nasa bayan at mayroon daw siyang kakausapin. Pero babalik na siguro yon.
Gusto ba niyang maghintay?”


Itutuloy.

Ang iyong pinsan,

pinaysaamerika
,,,

Sunday, November 12, 2006

Love is the history of a woman's life; it is an episode in man's.-Pinay Love Story 2

Soul Mate Meets Soul Mate sa Internet-Another Pinay Love Story 2
sub-title : Oh Pag-ibig, balikbayan man ay balikbayan pa rin.


Part 5 Karugtong ng kabanata:


Dear InsansaPinas,

Kuwento ni Rick-Ang pagkikita- (twwwinng twwwwinnng)( ano kanyo yan? tunog ng biyulin).

Nakita niya ang bahay na address na ibinigay ng kaniyang nobya sa internet. Tawagin natin siyang Auria. Ang nagbukas ng pinto ay matandang lalaki.

"Nandiyan po ba si Baby? " ('yon daw ang tawag sa bahay nila).

"Ah si Baby Damulag?" sagot ng lalaki. Kumunot ang noo ni Rick. Hindi niya alam kong may kasamang Damulag ang Baby. Pero bago pa man siya nakasagot ay parang kampanang rumepeke ang bunganga ng matandang lalaki.

"Oy Baby Damulag, parine ka at may nagkamali yata saiyong dadalaw."hiyaw ng matanda.

Nakatayo pa rin si Rick sa labas ng pinto pero natanaw niya ang malalaking hitang bumababa mula sa hagdan. Sumalosep sa isip niya, damulag nga.

Hawig nga sa retrato ang babaeng lumapit pero para siyang malaking batang napabayaan ng magulang na tagasimot ng tira sa kusina. Ang laki.

"O eto si Baby, Mister, siya ba ang hinahanap mo? Kung hindi naman, ay dalaga din yan, naghahanap ng mapapangasawa. Hindi mo pa man hinihihingi ang kamay, pati hita "eheste" paa ay ibibigay ko na". sabi ng matanda na nanunukso ang mata sa babaeng lumapit.

"Ibig mong sabihin, Dabiana pala yong gerl pren mo? "sabad ko. Tuloy tayo para kumuha ng ice cream. Sandali lang kako, time out muna.


Itutuloy.

Ang iyong pinsan,

pinaysaamerika
,,,

Friday, November 10, 2006

The loving are the daring.--Pinay Love Story 2

Soul Mate Meets Soul Mate sa Internet-Another Pinay Love Story 2
sub-title : Oh Pag-ibig, balikbayan man ay balikbayan pa rin.


Part 4 Karugtong ng kabanata:


Dear InsansaPinas,

Pumunta kami sa Fresh Choice. Salad bar siya. Eat all you can. Pero doon sa mga dahon-dahon, isang beses ka lang makakakuha kaya dapat marunong kang magtambak sa maliit na pinggang ibibigay saiyo. Pero pagdating sa soup, mga pies, drinks, desserts, ay Daay , kahit ilan balik mo na may pangal ka pasa bibig, babalik ka na para kumuha pa ng maliit na pizza o kaya ay maliliit na hiwa ng mga cakes. Saraaap.

So, pagkatapos nang makapag-imbak ako ng pagkain sa lamesa(may "I shall return" akong card na inilalalagay sa lamesa tuwing ako ay pumupunta sa hilera ng mga pagkain, kung hindi baka iligpit ng waitress)ay pumuwesto na ako sa harapan ni Rick. Ang bruho, pinaguilty conscience pa ako. Kaliit na dakot ng salad ang kinuha. Nagmukha tuloy akong gahaman sa pagkain. *heh*

"Pasensiya ka na kung hindi kaagad ako nagkuwento saiyo."Pasakalye ni Rick na dinadalirot ang kawawang green peas sa salad niya. Kawawang green peas. Kung makakaiyak nga lang yon, siguro yon nang hintuan muna ako, hintuan mo na ako, disin sana'y ginawa na niya.

"Okay lang" sagot ko naman. Uhhhm sumingit sa ngipin ko ang kapirasong brocolli.

"Marami kasing istorya, hindi ko alam kung saan ko sisimulan." Tuaok pa rin siya ng tusok ng green peas na gutay na gutay.

"Aba, mahaba-haba rin ito. Ilang tsapter kaya?" Hindi ako nagkamali. Hindi ako nagkamaling magtambak ng pagkain. Hige(sa isip ko lang), tuloy ang kuwento, habang mainit ang tingin ko sa baked potato na may butter. Hmmm cholesterol na, carbohydrates pa.

Itutuloy.

Ang iyong pinsan,

pinaysaamerika
,,,

Wednesday, November 08, 2006

All love that has not friendship for its base, is like a mansion that is on the sand-Pinay Love Story 2

Soul Mate Meets Soul Mate sa Internet-Another Pinay Love Story 2
sub-title : Oh Pag-ibig, balikbayan man ay balikbayan pa rin.

Part 3 Karugtong ng kabanata:

Dear InsansaPinas,

Tahimik ang mundo ko maghapon. Bwisit ako eh. Huwag nga lang may mag-ring na telepono, parang simbahan katahimik ang aking maliit na cubicle. Kulang na lang na may magmisang pari at mga grupo ng anghel na kumanta ng aleluya, aleluya, maari na kayong lumuhod at magdasal.

May wisik pa yan ng aking bottled water. Pag bigla mong tingin sa akin ay sulimpat. Yong salubong ang dalawa kong mata. hekhekhek

Tahimik din si Rick. Panay lang ang buntong hininga at tanaw sa malayo. Ang malayo naman na iyon ay 'yong aming water cooler na tambak ng mga paper cups. Igiban din yon ng mga gustong makatipid sa tubig kaya bago umuuwi ay pinupuno ang kanilang isang litrong bote. *heh*

Alas seis na. Isa-isa nang na-aalisan ang mga katrabaho namin. Naghanda na rin akong umalis. Pinalitan ko na ng aking sneakers ang aking sapatos na balat. Haay, ang sarap ng feeling. Yan ang uso dito. Gamit ay sneakers, pagdating sa opisina ay palit ng sapatos na may takong para raw disente ang dating. *heh*

Lumapit si Rick. Isnab ko nga siya. Tsee. Kung pwede raw akong makausap? Tsee. Kakain daw kami sa labas. Ahay. Yan ang maganda. Siyempre naman,pag kainan mabilis ako errrm mabait akong kaibigan, handang dumamay. *heh* Kaya sagot akong oo.

Itutuloy.

Ang iyong pinsan,

pinaysaamerika


,,,

Monday, November 06, 2006

Love: a temporary insanity, curable by marriage-Pinay Love Story 2...

Soul Mate Meets Soul Mate sa Internet-Another Pinay Love Story 2
sub-title : Oh Pag-ibig, balikbayan man ay balikbayan pa rin.


Karugtong ng kabanata:

Dear InsansaPinas,

Hanep sa bilis ang dating ni Mona sa opisina. Wala pang isang oras ay nasa tapat na ng desk ni Rick. Ano kaya ang sinakyan nito, walis tingting?

Narinig ng aking taingang lumalapad pag gustong makarinig ng balita na inimbita siya ni Rick sa tanghalian. Uhmmm, himala ng mga himala. Parang gusto kong magtirik ng kandilang pink na may samyomg "Love is in the Air".

Paano na yong gerl pren sa pinas na pakakasalan kuno. Ayaw ko ito. Hindi ako updated sa balita. Nawawala ang aking pagka BBC (hindi BBC news kung hindi, Balitaan ng mga Balitang Controversial at ang aking pagka CNN (hindi CNN News) kung hindi Chismosang Number Nine, (bakit number nine kanyo, eh meron naman pang The Buzz, Cristy Fermin, etc). Sa number nine na lang ako, paborito ko kasing number.

Lintek pa yong auditor galing sa Hong Kong. Kinukulit ako kaya di ako makatayo para maharap itong si Rick. Sayang na walang ang pinagsamahan naming mga usapang lalaki ehek, lalaki sa babae at babae sa lalaki.

Pag alas dose, tumayo sila at lumabas. Tiningnan lang ako ni Rick para hudyat na siya ay lalabas.Tumango naman ako. May oras ka rin sa isip ko, habang kandahirap akong esplika sa auditor yong mga hindi niya maintindihan. Bobo. ekkk

Nagtatawanan pa sila nang bumalik. Parang kinurot ang puso ko. Hindi sa nagseselos ako LOKAH. Nagseselos nga ako dahil hindi na yata ako ang kaniyang Lady Confessor. Alam naman ninyo may LYS ako (Lovingly Yours Syndrome, ineng at ato) at mayroon din akong MMKF (Maalala Mo Kaya Fever).

Ah kesehoda. Buti matatahimik ako kahit sa hatinggabi na tumatawag siya para lang magkonsulta pag may problema sa pag-ibig. Ang hilig ko kasing makialam baga. PQ ako. Pakialamera Queen.

Nagbabye sa akin si Mona. Hindi niya ako nilapitan dahil nakita niyang nakadikit sa akin yong Singkit na auditor.Ayaw ko rin siyang kausapin. Ayaw ko ring kausapin si Rick.

Masama ang loob ko kasi nauna pa niya sigurong naikuwento kay Mona yong nangyari kaysa sa akin. Heh.

Lintek na utak ito. Bakit ko ba sila papansinin.

Pagdaan ko papunta sa ladies room, hindi ko sinulyapan ang desk ni Rick. Nakatingin din siya sa akin. Alam ko. Ah loko, sisimulan niya ako. Tatapusin ko.

Itutuloy.

Ang iyong pinsan,

pinaysaamerika

,,,

Saturday, November 04, 2006

Soul Mate Meets Soul Mate sa Internet-Another Pinay Love Story 2

Soul Mate Meets Soul Mate sa Internet-Another Pinay Love Story 2
sub-title : Oh Pag-ibig, balikbayan man ay balikbayan pa rin.

Ikalawang kabinata eheste kabanata.

Dear InsansaPinas,

Ayaw akong sagutin ni Rick. Patuloy siyang nakatitig sa nakasarang monitor ng kaniyang computer. Gusto kong sabihin, open sesame, ang password niyan. Baka lang kako nakalimutan niya.

Abah, ni hindi ako tiningnan. " Ano ka ba namatanda?" tanong ko.
Wala pa ring sagot. Sapakin ko kaya, isip ng aking utak na pagkamaton. Kaya lang saved by the bell siya. Tumunog ang telephone. Riiing.

Helliw? dampot ko ng telephone. Haynaku, si Mona, yong isang ahente ng Mary Kay na crush si Rick. Tapang naman ng pang-amoy nito. Alam kaagad na na dumating na si Rick eh ito nga't wala pa yatang kinakausap na tao.

Kahit naman ako hindi ko gugustuhin ito si Mona. Itim ng labi Day, kahit na ilang pahid ng pulang lipstick ang ilagay niya. Naninigarilyo yata kasi mula nang sixteen pa lang.Nakailang diborsiyo na at may dalawang anak. Masipag namang magtrabaho at magaling sa sales. Hindi yon umaalis hanggang hindi ka nabebentahan ng kahit isang producto niya.Noong huling nagkita kami, nabentahan niya ako ng lipstick, eh hindi naman ako gumagamit ng lipstick. Nganga ginagamit ko noh. Kuleet kasi.

Alam kong hindi siya kakausapin ni Rick kaya sabi ko tawag ulit siya. Pero bago ko nasabi yong tawag siya, inangat ni Rick ang telephone at kinausap si Mona.
Himala ng Santong nawawala. Hindi ako kinakausap tapos kinausap yong hindi niya dating kinakausap. May anghit ba ako?

Itutuloy.

Ang iyong pinsan,






,,,




,

Thursday, November 02, 2006

What lies behind us, and what lies before us are tiny matters compared to what lies within us.--another Pinay's love story kuno part 1

SOUL MATE MEETS SOUL MATE sa Internet, subtitle, Oh Pag-ibig, balikbayan man ay balikbayan pa rin.


What lies behind us, and what lies before us are tiny matters compared to what lies within us. --Ralph Waldo Emerson

Dear insansaPinas,

Hanep ang pasakalye anoh. Kala mo talaga totoo. Pero talagang totoo ito. Mahulog man ka man sa silyang kinauupuan mo ngayon.

Kuwento ito ng isang kasamahan sa trabahong lalaki. Kasi ang mga love story naman natin ay panay babae, kaya ito ang love story ng isang lalaking umuwi sa Pinas...teka simulan natin sa simula. Anong title ng istorya. SOUL MATE MEETS SOUL MATE sa Internet, subtitle, Oh Pag-ibig, balikbayan man ay balikbayan pa rin.

Kasalukuyan kaming naghihintay na magsimula ang aming Christmas party na ako ang natokahang mag-organize. Maaga pa lang ay nasa restaurant na kami para ayusin ang mga decorations at ang mga gagawing program. Pagdating ng hapon gulapay na kami kaya inibitahan ko sila sa bahay ko para makapahinga bago magsimula ang Party. Kinuwento lahat ni Rick ang kaniyang love story na alam ko na naman.

Kasama ko si Rick, isa siyang doctor na beterinaryo na nagsapalaran si US of A. Anak mayaman siya pero gusto niyang lumayo sa Pinas dahil nasawi siya sa pag-ibig. Hindi niya linya ang trabaho niya pero magaling din siya sa marketing. Namimiss nga lang daw ang pag-opera ng pusa, aso, kabayo at iba pang hayup. Kaya lang wasak talaga ang puso niya. Kasaklap talaga. Pero hindi yong pag-ibig na iyon ang aking ikukuwento, kung hindi ang pag-ibig niya na nameet niya sa internet.

Isa siya sa mga unang nahook sa internet sa amin kaya pala palagi siyang puyat ay nakikipagchat siya sa gabi hanggang madaling-araw.

Nakilala niya ngayon si Mimi (hindi niya tunay na pangalan). Maganda siya. Ipinorward niya sa amin ang retrato niya noon sa e-mail. Hmmmm, may mukha. Hmmmm, may katawan.
May dalawang mata, isang ilong at dalawang tenga. Pagkatapos ng anim na buwan na pagsusulatan ng e-mail. pagchachat sa Yahoo at kahindik-hindik na bill sa telepono sa long distance, umuwi si Rick para makilala ng personal si Mimi.

Nagpasama siya noong bumili ng pasalubong. Pabango raw. Ralph Lauren pa. Kagaya ng pabango ko pag hindi ako galing sa kusina.

Sa Pinas na lang daw siya bibili ng singsing. Sabi ko hindi mo pa nga nakikita ng harapan, iniisip mo nang pakasalan. Kumatok daw uli ang tawag ng pag-ibig sa kaniya. Hurmmm, kakorni namang linya ito. Bakit di na lang sabihin na nain-love siya ulit. Love ba talaga yon? Eniwey, sige na nga. Malapit na nga ring magpaalam ang mga buhok niya sa bumbunan, kaya kailangan na ngang makatiklo siya nang mapapangasawa.

Tanong ko pa, nakita na ba ang retrato mo? Oo naman daw. Hindi ba natakot? Muntik na akong batukan. Buti na lang nakababa na ako sa escalator.

Lumipad na siya sa Pilipinas. Isang buwan ang hiningi niyang bakasyon. Matagal din siyang di nagbabakasyon kaya naipon ito.

Isa, dalawa, tatlong Linggo, lumipas, bakante pa rin ang desk niya. E-mail niya sa akin. Masaya siya. Mahal daw talaga niya at mahal din siya. Magpapakasal sila sa huwes bago siya umalis. Sagot ko naman, buti naman. Ibalot na lang niya yong mainit na sabaw. Naiimagine ko siyang nakaputi. Paborito niya yon, dahil doctor nga siya... ng mgahayup.

Wala nang e-mail pagkatapos noon. Sabi ko, yari, busy sa honeymoon. Baka eextend pa ang bakasyon. Sumusobra na siya ha. Inako ko na nga ang trabaho niya.

Pero hindi siya nagextend. Inabot ko siya sa opisina nang araw na dapat siyang bumalik. Pero imbes na masaya, malungkot ang mukha. Hinanap ko ang singsing, wala. 'No nangyari ha? tanong ko. Tiningnan lang niya ako.

Itutuloy.

Ang iyong pinsan,



,,,

Sunday, October 29, 2006

Think of all the beauty still left around you and be happy.

Karugtong pa rin ito ng adventure ni Pinaysaamerika sa Virginia, mahilig kasi siyang magsabi ng Yes Virginia.

Pagkatapos naming magdrive ng ilang milya, pahinga naman. Isang pahingahan itong visitor center. Acshually may tindahan dito ng mga souvenirs. Mga libro tungkol sa ibon na makikita sa park. Wala naman akong nakita kung hindi uwak.

Naalala ko tuloy ang aking probins sa Pinas kung saan maraming uwak lalo na sa may beach na maraming patay na isdang inanod ng alon.

May mga t-shirt na kamamahal, para lang malaman na galing ka sa Park. Di na oy. Kaya lang di ako nagreklamo, baka sabihin, o sige ikabit mo ang 20 dollars mo sa iyong t-shirt at lagyan mo ng I've been to Shenandoah Park.

May isang log book doon kung saan puwede mong isulat kung anong hayup na ang iyong nakita sa park. Kaya pala yong isang insik na babae, habol-habol yong isang uod na maitim na nakita niyang gumagapang na mabilis pasilong sa kotse nilang nakaparada. Para ko pang nakita yong uod na sumisigaw ng HELP, HELP.
May nakasulat doon na cuterpilar (sulat bata). Isa naman ay dear (deer) siguro o ang kaniyang mahal. Haaay. malolokah ako. Pag labas ko naghanap ulit ako ng kahit anong insekto para lang naman may maisulat ako.

Tumingin ako kahit sa mga natutuyong kahoy at dahon. May nakita akong kaisa-isang grasshopper. Ano nga ba ang grasshopper sa Tagalog. Hindi yong green ha na malaki. Ah tipaklong. Anak ng tipaklong naman, talagang makakalimutin na nga ako. Ang magsabing ulyanin na ako, pipitserahan ko.

Ang nakita ko ay maliit lang at kakulay ng tuyong dahon at kahoy. Kailangang sipain ko ang mga tuyong dahon para siya gumalaw at tumalon. Para akong sira ulong sigaw ng sigaw ng Talon, habang nakaamba ang aking camera. Mukhang tanga? sinabi mo.

Sa harap pala ng visitor's center ay ang magandang view ng malalim na bangin.



Hindi ako lumapit kaya piniktyuran ko na lang ang mga taong nandoon sa malapit sa bangin. Kumanta pa ako ng THE HILLS ARE ALIVE WITH THE .... Pwede naman akong maupo sa bangko sa ilalim ng puno. Parang the bangko under the mango tree sa aming probins kung saan kukuyakoy kami pag mainit ang panahon pero malakas ang hangin at minsan bigla na lang "blag",may nahulog na palang hilaw na mangga. Haay sarap. Ang puno sa picture ay mukha lang puno ng sampaloc pero hindi. Ewan ko ba kung anong puno yan.

Ito ang poplar trees. Hindi popular. Poplar.



Ang tatayog tapos wala ng dahon sa baba, lahat nasa itaas na. Kapag tumingala ka, makikita mo ay mga nagtataasang mga punong hubad pero may dahon sa tuktok.



Kaya pag naglakad ka sa gitna nila, ang feeling mo ba ay para kang dwende sa taas ng mga punong nakapaligid saiyo.

Pero may mga puno na kahit dilaw na ang lahat ng dahon, puno pa rin dahon ang mga sana.

Ganda pang tingnan. Para bang babaeng yellow ang buhok.

Balak ko sanang pumitas ng kahit dalawa pero bawal pala. Kahit tuyo na. Peksman, hindi ko kayo iniistir. Five hundred dolyares ang fine. Di ba fine yon.

Kaya ito kahit damong natutuyo, pag may buhay pa hindi mo puwedeng pitasin.
Kahit na nga patay na kahoy basta may nakatira pang buhay na tanim, di puwedeng galawin.

Hmphhh makauwi na nga.



pinaysaamerika

,

Saturday, October 28, 2006

Sunrise, Sunset- Adventure ni Pinay sa Park

Dear mouse,

Karugtong ng paglalakbay sa Shenandoah Park kung saan palagi kami nakapark.



Kasi naman kung nakasakay ka lang sa sasakyan, hindi mo makikita ang magandang tanawing kagaya nito.



Na nang makita ko parang gusto kong tulain ang tula ni Walt Whitman na SONG AT SUNSET, kaya lang mahaba. By the time matapos ko siguro ko, lubog na ang araw.
Kaya ito, kapiranggot lang.

Splendor of ended day floating and filling me,
Hour prophetic, hour resuming the past,
Inflating my throat, you divine average,
You earth and life till the last ray gleams I sing.
Open mouth of my soul uttering gladness,
Eyes of my soul seeing perfection,
Natural life of me faithfully praising things,
Corroborating forever the triumph of things.

Illustrious every one!



O di va, feeling intelektwal ako. Poem, poem pa.

Pero bago ako sumakay sa sasakyan, kumanta muna ako ng:

Song: Sunrise, Sunset

Is this the little girl I carried?
Is this the little boy at play?
I don't remember growing older
When did they?
When did she get to be a beauty?
When did he get to be so tall?
Wasn't it yesterday
When they were small?
Sunrise, sunset
Sunrise, sunset
Swiftly flow the days
Seedlings turn overnight to sunflowers
Blossoming even as we gaze....

Sa totoo lang hindi ko ho memorize ito. Panahon pa ni kupong kupong. Kaya Sunrise, sunset, sunrise, sunset...

Itutuloy...

pinaysaamerika

Related articles:

1. The Goal of Life

2. The long and Winding Road
,

Friday, October 27, 2006

The Long and Winding Road

Dear insansapinas,

This is the road going up. Parang Baguio ang dating niya kaya lang walang mga Igorota, Igorote pero iba may bigote. (heh)



Acshually, the attraction of the park is in the changing of colors of the leaves of the trees. Ay Day, kaganda naman talaga. May green, may red, may brown, may yellow.

The long and winding road
That leads to your door
Will never disappear
Ive seen that road before
It always leads me her
Lead me to you door

The wild and windy night
That the rain washed away
Has left a pool of tears
Crying for the day
Why leave me standing here
Let me know the way.

O ayan may kanta pa kayo mula sa Beatles.


Naalala ko tuloy noong ako'y nasa Low school pa lang (Tama ang spelling niyan lokah, ibig sabihin, mababang paaralan. Korniko, thud thud thud. (palo sa ulo yan).
Ang titser ko pinagalitan ako dahil bakit ko kinulayan ang dahon ng pula ay para sa bulaklak lang yon. Gusto ko sanang ipadala sa kanya ito, kaya lang retired na yata.



Mga dahong iba-ibang kulay. Para bagang buhay na Life na sumasapit ang panahon na kailangan siyang maluoy (malanta) at unti-unti siyang nagpapalit ng kulay, mula birde oops berdi oops sige na nga GREEN , nagiging pula, dilaw at brown.



Naalala ko tuloy ang kanta ni sino ba yon buwakanang singer na yon. Ah
Cascades. Kaya ito, pinulot ko ang isang dahon, inilagay ko sa isang puno at ipinaretrato ko sa aking kapatid. At sa saliw ng LAST LEAF, ako ay maiyak-
iyak na tiningnan ko ito sa retrato. Wsssws. Panyo nga.

The last leaf clings to the bough
Just one leaf, that's all there is now
And my last hope live with that lonely leaf, lonely leaf
With the last leaf that clings to the bough

Last summer beneath this tree
Myh love said she'd come to me
Before the leaves of autumn touched the ground, touched the ground
My love promised she's be homeward bound

Then one by one the leaves began to fall
And now that winter's come to call

The last leaf that clings to the bough
Just one leaf, that's all there is now
Will my last hope fall with that lonely leaf, lonely leaf
With the last leaf, the last leaf
With the last leaf that clings to the bough
Bough, bough, bough . . .

bohoohohoooo.



Nakakapagod magdrive. Kahit hindi ako ang nagdadarive. Kasi dati naman akong nagdadrive anoh. Kaya pag kasama ka sa sasakyan, para ka ring nagdadarive, may kasama pang break yon. hehehe. Sa haba ng aming lalakbayin, 100 miles mga ineng at mga totoy, kaya kailangan ang break. Kaya may pahingahan sa mga dinaanan.Ito habang nagpapahinga ang aming sasakyan, takbo ako sa ladies room na hindi naman talaga ladies dahil may mga babies, may mga makukulit na batang sumusilip sa cubicle. Kainis, sarap umbagin. Malaki nga lang ang nanay niyang Puti. Yon naman babaeng itim na nagpalit ng diapers ng kaniyang anak, hindi man lang naghugas. Ewww.

Sus ginoo, maga pa lang nagbabaha na sa loob. Sinong nagsabing pinoy lang ang hindi marunong gumamit ng comfort room. Ha? Gusto ko na ngang mamangka, mababasa ang aking Hush Puppies. Ewww.

Itutuloy.

Related articles:

1. The Goal of Life

,

Thursday, October 26, 2006

The goal of life is living in agreement with nature.-Si Pinay namasyal sa Park

Mac Arthur's Park is melting in the dark
all the sweet green icing flowing down
someone left the cake out in the rain
I don't think that I can take it
'cause it took so long to bake it
and I'll never have that recipe again
Oh, nooo!

Pasakalye lang ho yan.

Bago tayo magkuwentuhan ng mga love stories na iyakan, samahan ninyo muna
ako sa aking pagdalaw sa Shenandoah Park sa Virginia. Oo Virginia, ako ay napunta sa Virginia. Ganito kasi yon. Nandoon ang iba-ibang puno na pag autumn ay nag-iiba-iba ang kulay. Yong byerde, nagiging pula o kaya yeylo o magenta. Hindi si Reyna.

So sakay kami sa Ford Explorer ng aking kapaytid at kami ay naglakbay ng isang oras.
Sa daan ay nakita ang matataas na bakod sa gilid ng freeway. Wow naman may fence ang highway nila. Taas pa.

Muntik na akong sakalin ng aking kapaytid. Hindi fence yan. Noise barrier. O di va, para hindi marinig yong ingay ng mga sasakyan sa mga bahay-bahay sa kabilang ober da bakod. Bigla akong nagshades. Baka kasi may makarinig ng sinabi ko makilala pa na ako yon.

Dumating din kami hay. Mga seventy miles o mahigit isang oras ang takbo ng aming sasakyan. Hindi yan gumapang ha dahil walang trapik.

Ito ang entrance ng park.




Kung hindi ninyo nababasa ang nakasulat, hindi ang mata ninyo ang may diperensiya
kung hindi ang aking kamera. Una nakalimutan kong dalhin ang memory stick. Hina kasi ng memory ko. Hindi nagstick.

Ikalawa, wala ng baterya yong aking camera. Hindi ko nacharge eh.
Ang bayad ay fifteen dollars sa isang sasakyang malaking kagaya ng dala namin.
Para sa pitong araw yon pero walang labasan ha. Kasi marami roong nagcacamping. Gusto bagang makipag-usap sa nature. Ako walang oras makipag-usap kaya isang araw lang kami.

Itutuloy

Pinaysaamerika

,

Wednesday, October 25, 2006

Ito si Pinay pag bagong gising.

Mukhang bruha. Pero nakakapagsuklay ng walang suklay. Isa sa mga natutuhan ko rito sa
Estet and people don't care kung sabukot ka. Bakit ako may salamin. para hindi ako makilala. silly. hekhekhek



,

Friday, September 29, 2006

Pinay Goes to Washington Part 3-Ang Parada, Bow

Ito ang karugtong ng punit-punit na paglalahad ng tungkol sa parada. Ito ang mga banda. Banda rito, banda roon. Kaya lang nakasuot sila ng palda. Mga migrante kasi ang mga ninuno nila, galing sa Europa. Tingnan mo itong mamang ito, kataas-taas nakaharang diyan sa gitna. Teka, hindi ko kamay yong nagreretrato rin. Mahaba ang mga kuko anoh.

Ito naman ang malaking flag, na sa kalakihan, mahigit isang dosena ang may dala.
Itong mamang ito nandiyan pa rin sa harap. Hoy mama, upo.



Ito ang mga nagbibisekleta na nakalimutan ang isang gulong. Tingnan ninyo itong mamang nakablue, nandiyan pa rin. Tusukin ko kaya.



Ito ang mga tatay noong bisikletang nakalimutan ang isang gulong. Nakita ninyo, medyo tumabi yong mama. May nauna yatang tumusok. hehehe



Ito ang mga pulis na nakakabayo. Tatataas ng kabayo. Meron isang babae na pulis.
Astig siya. Kita ninyo nawala na yong mamang nakablue. Napagod na rin yatang katatayo. Tingnan ninyo ang building na nasa piktyur. Parang lumang Congress natin hane.




Makauwi na nga. Wala naman masyadong makita. Gusto ko pa ang Independence Parade sa atin. Daming artista.

Pinaysaamerika

,

Thursday, September 28, 2006

Pinay Goes to Washington Part 2-Ang PARADA, bow

Malapit nang magsimula ang parada. Nakiusyoso ako sa may nakapila. Akala ko pila ng mga libreng pagkain at t-shirt dahil may mga ipinamimigay. Pagdating ko sa dulo, mga volunteers pa lang mga sasali sa parada. Anong gagawin kanyo? Eh di tagabitbit, tagahila at tagadala ng mga dapat dalhin. Kagaya nitong malalaking balloon nina Garfield. Kailangan isang dosenang tao ang hahawak ng mga tali dahil kung hindi marami, baka ilipad.



Eto na. Malapit nang simulan ang pareyd. Hinahawi na ng pulis ang mga taong nakasalampak sa labas ng sidewalk. Habe, kayo diyan. Habi naman ang mga tao pero pagtalikod niya, balik din. Bwahahaha



Ang una ay itong parade of colors.

Tatlong kulay yan, pula, puti at bughaw. Pero ang napiktyuran ko ay ito lang pula. Kasi naman itong mamang ito, ang tangkad, nakahalang sa aking camera. May asawa naman. Oopps. Kaya lang bakit nasa kanan ang kaniyang wedding ring. Dito kasi sa Estet, nasa kaliwa yan. Eh bakit ba yong mamang may wedding ring ang pinakikialaman ko. Oo nga naman bakit nga ba? Pakisampal nga ako.

Ang tagabitbit ng mga colors ay mga volunteer. Buti na lang di ako tumuloy, kung hindi nasa parada nga ako, bigat naman ng dala ko.

Itutuloy.

Pinaysaamerika

,

Wednesday, September 27, 2006

Pinay Goes to Washington Part 1-Ang Parada Bow

Haynaku, talagang di maawat ang beauty ko para makapunta sa Washington DC at makita ang parada para i-celebrate ang July 4th. Independence Day baga ng mga Puti at Friendship Day sa atin sa Pinas.

Maaga pa lang ay lumakad na kami ng kapatid ko para bang kagaya sa probins na gustong manood ng parada sa siyudad. May baon kaming sangwich at iced-cold water. Ang init kasi dito. Nabigla ako dahil sanay ako sa San Francisco na kahit summer ay nakajacket ako pag lumabas. Kaya ang mga tao ay nakat-shirt na walang manggas pa. May dala-dalang pamaypay, hindi naman nakapaypay ng lamig na hangin. Kaya hayan, dinidispley na lang.

Pero kahit mainit sige pa rin ang taong hintay sa parada. May payong, walang payong, may payung-payungan, nakatayo, nakaupo, nakabisaklat sa sidewalk o kaya ay nakatingkayad. Ang iniittttttttttt. Para malaman ninyo kung gaano kainit dito sa Washington Dizzy DC, ay alalahanin ninyo lang ang init pag Kuwaresma sa Pinas. Yong nanonood kayo ng mga nagpepenintensiya. Dito ikaw ang magpepenitensiya sa init.

Kaya habang ang karamihan ay naghihintay, pinasya kong maglakad. Alam naman ninyo ang Pinoy, USI.Ususera, ano fa. Kaya nakita ko itong helicopter ng Navy. Akala ko isasama
sa parada, yon pala displey lang. Mga gustong magparetrato, makita ang mga helicopter na nakikita lang natin sa pelikulang action,giyera at espionage. Parang naririnig ko ang tugtog ng pelikula ni James Bond. Tinginingininging.



May mga karosa ring inaayos pa. Kagaya nitong karosa ng mga maysakit. Eheek. SIKH pala. Alam naman ninyo yong mga Bombay na may kumot sa ulo, di ba? Karamihan kasi ng may-ari ng mga tindahan dito ay mga Bombay. Parang sa atin, mga insik.



Ito naman ang karosa ng mga Asyano. Mga Vietnamese, Insik, Filipinos at iba pa. Inaayos pa lang dito sa retrato.


O eto, tapos na. Kaya piktyuran galore na sila. Gusto ko sanang magpaphotoop din pero hindi ko makita ang aking kapatid.



Ito naman ang karosa ng mga ...mga...Ah ewan ko ba. Basta maganda siya dahil para siyang malaking bulaklak. Takot ko lang, baka may malaking bubuyog na dumapo, lagot sila. Ahahay.


Ito ang karosa ng aking mga kafatid. Rainbow siya o di va. Gay na gay talaga. Pero sa parada, parang di ko siya nakita.



Haynaku, huwag ninyo akong tanungin kung ano ito at di ko rin alam. Ganoon yata kagulo ang namamahala dito ng parada. Kahit saan na lang may nakita kang karosa, wala namang pangalan kung sino sila. Hindi naman siya yong hiniram na ilaw ni Miss Liberty mula sa New York.



Ito karosa ulit ng mga Bombay. Ganda niya di ba.


Itutuloy.

Sa susunod ang Parada, Bow.

Pinaysaamerika

,

Tuesday, September 26, 2006

Para sa mga Ladies lang-How to fix bloody bleeding lipstick

To the gentlemen, don't do this at home.

Ano kaniyo ang bleeding lipstick? Yon ba yong ang lipstick ninyo ay parang pinahid na peanut butter. May makapal sa isang bahagi at may manipis sa isa pang parte ng labi.

Ang ginagawa noon ay pinapadiin ang mga labi sa isang tissue paper para mabawasan ang kapal. Pero may iba pang paraan para maayos ang "dumudugong lipstick".

1. Pahiran ng make-up foundation ang labi. Syempre, kakulay ito ng inyong balat sa pisngi kaya huwag magugulat kung akala mo ay nababad ang labi ninyo sa suka.

2. Pulbusan din ng make up na transluscent para maalis ang kintab.

3. Gumamit ng lip liner at "drawingin" ang labi. Kung makapal ang labi, huwag tatapyasan. I drowing lang sa loob ng linya ng labi para magmukhang manipis.

4. Sa pamamagitan ng lip brush o kaya ng lipstick, punuin ng kulay ang loob ng "drawing".

5. Hayaang matuyo at pulbusan lang ng kaunti ang labi.

Ngumiti. Tingnan kung may lipstick sa ngipin. Burahin eheste pahirin ng tissue.

Monday, September 25, 2006

How to Get Glue off your skin

Naranasan na ba ninyong hindi maalis ang glue sainyong daliri? Hindi mahuhugasan kahit ubusin ninyo ang sangkatutak na tubig at sabon. Ako nakaranas na. Inaayos ko ang nabasag na figurine, pati daliri ko nalagyan, kumabit din ang figurine. Ahhhhhhh.

Ito ang pinakadaling pag-alis.

1. Kumuha ng acetone or nail polish remover. Pahiran ang balat na may glue, hanggang lumambot at maalis.

2. Kapag marami ang glue, kumuha ng maliit na lalagyan ng nail-polish remover na puwedeng ibabad ang daliri o kamay ng matagal-tagal.

Wala kayo kamong acetone o nail polish remover dahil hindi naman kayo nagmamanicure?

Pwede rin ang mainit na tubig. Huwag masyadong mainit na buong balat naman ang inyong matutuklap. Lagyan ng sabon, ibabad ang kamay o daliri at unti-unting tanggalin ang
glue.

Yong sa akin ay medyo matagal bago naalis. Super kasi ang glue. Nakaglue pa rin ako ngayon, pero panonood ng TV.

mwehehe

pinaysaamerika

Sunday, September 24, 2006

How to remove wrinkles from your clothing

Yes, yes Virginia, wrinkles from your clothing and not from your forehead, silly.
Yon bagang parang pag lumabas ka sa bahay ay haharanging ka ng plantsahan at papasadahan ka ng plantsa dahil sa para kang nabugbog ng maton sa kanto at ginusot hindi lang ang iyong mukha kung hindi pati ang iyong damit.

Dito Virginia sa Us of Ey ay madalas pinapatungan lang namin ang damit ng mga sweater or kaya cardigan kaya walang plantsahan. Pero minsan ay di ko akalaing uminit ng husto
at kailangan kong hubarin ang suot kong blazer.Pero Santa Clarang pinong pino, gusot ang aking blouse at hindi ko na rin puwedeng hubarin dahil maghuhubad din ako ng pantalon at medyas nyan para sila ay magkacoordinate ikanga sa kulay.

Ito ang aking natutuhan.

1. Ihanger ang blouse sa loob ng banyo. (syempre hubarin muna ano). tsee.
Buksan ang hotwater at hayaang umagos. Sarhan ang pinto para yong steam ay pumuno sa loob ng bathroom. Presto, para siyang dry clean effect.

ANO KANIYO, wala kayong hotwater at bathtub? Walang problema.

2. Basain ang kamay ng tubig, haplusin ang damit na kusot. Hintaying maturo.

3. O kaya naman, kumuha ng sprayer, lagyan ng tubig, ispray sa kusot na damit habang hinihimas.

4. Itapat sa bentilador. Kung may portable heater, mas mabuti.

Yon nga kababayan ang ginamit ko yong hinimas ko ng basa ang aking damit. Voila. nawala ang wrinkles.

Pagdating ko sa opisina, may wrinkle ang noo ng boss kong babae dahil medyo nalate ako. Parang gusto kong spray din ng tubig at himasin para maalis ang wrinkle.


Ahehehe

Tuesday, September 19, 2006

Ang mga How To ni Pinay (Sweater na Umurong)

Mula po nang mapadpad ako rito sa US of Ey, natuto na akong magkarpintero, tubero, kantero (yong kumakanta, mwehehehe)mananahi, labandero at cook. Oo Birhinya, ganiyan kahirap ang manirahan dito kung saan ang mga mabibili mo ay mga knock-down na iaassemble na lang o kaya mga lulutuing, ilalagay mo na lang sa oven at presto, mayroon ka ng pizza.

Ang mga susunod na kabanata ko ay halos tungkol sa mga HOW TOs...kagaya ng pagpatay ng asawang taksil... ehek. pagpatay ng mga pesteng ipis, paghuli ng mga bubuwit at pagkulong ng pesteng pusang gagala-gala. Ehek ang mga dumadalaw pala kay MLQ3 ang gustong pilipitin ang leeg ni The Ca t.

Syempre sisilipin ko pa rin at uuriratin ang mga buhay-buhay dito ng mga kababayan ano.

1. How to Fix a Sweater na Umurong

Ganito po yon. Noong unang winter ko dito sa US of Ey, bumili ako ng sweater.
Unang suot ko pa lang ay natapunan na ng cranberry joyce eheste juice. Mamah yon ay pula ang kulay kaya kailangang labhan ko kaagad ang aking sweater kasi baka akalain ng makakakita sa akin ay ako'y dracula na sumipsip ng dugo at natapon sa aking dibdib
Siste nito, nang sinuot ko ulit, tipo bang humaba ang aking kamay ay umiksi ang manggas ng sweater. At imbes na siya ay lampas bewang haba, abah, naging para akong ibos sa suman (tama ba yon?). Ganda pa naman ng sweater na yon. Ganda ng presyo. huhuhu.

Ito ang payo sa akin na sinunod ko naman.

1. Sa isang maliit na batyang tubig, (yong kasyang ilubog ang sweater) baka naman kunin ninyong batya, ay Batya ni Neneng na ginagamit sa paglalaba ng buong pamilya,
maglagay ng dalawang kutsara ng baby shampoo. (Paano raw kung wala kayong baby kaya wala kayong baby shampoo. Aba problema ninyo yon. Baka naman gusto ninyong turuan ko pa kayong gumawa ng baby. OOOPS sumusobra na kayo, hoy.


2. Ibabad ang sweater ng labinlimang minuto.

3. Huwag babanlawan at pipilipitin. Ilagay sa isang tuwalya, pagulungin ang tuwalya na nasa loob ang sweater para maalis ang tubig.

4. Padipahin ang sweater sa isang corkboard at lagyan ng mga aspili para hindi magalaw. (kung may kinaiinisan kayong tao, imaginin ninyong siya yon. ehek, kasama ng utak ko. erase,erase).

5. Balik-balikan ninyo hanggang matuyo at ulit-ulitin ang paghila.

Epektibo ba kanyo? Ah oo. Yong sa akin, nainat siya. Ang problema lang, maiksi ang isang manggas kasi di pareho ang batak ko. Kaya noong tinanong ako ng aking kaopisina kung anong nangyari sa aking isang manggas. Ang sagot ko with American eksent.

Oh well, I think my other arm shrunk because of too much exposure in the copier machine.

Ang ekspresyon niya sa mukha ay tila ba shock o iniisip kung ako ay nababaliw. Pero mula noon, hindi na siya naglalapit doon sa malaki naming copier machine, lalo pag busy akong nagrereproduce ng mga financials para sa board meeting. mweheehehe.

Sunday, September 17, 2006

How to mend a Broken Heart -Paano Tagpian ang Punit-punit na Puso (daw) part 2

7. Get yourself a new hairdo.

Kung ang buhok mo ay mahaba, paputulan. Kung ang buhok mo naman ay maiksi, dagdagan. Opps. Pwede naman di ba, wear a hair piece.

Huwag tatawagan ang ex. Hmppp

8. Volunteer in some charitable works

Kagaya ng mga soup kitchen, mga volunteer sa radyong tagasagot ng mga tawag ng mga problemas. Malay ninyo, ex ninyo pala ang tumatawag dahil may matinding problema.


Huwag tatawagan ang EX.

9. Socialize amd go on dates

Malay ninyo may matapilok kayong mas guwapo o maganda, mas mabait at hindi matakaw.
OOps.

HUWAG TATAWAGAN ANG EX. (Galit na ako)

10. Expect that you will experience sadness, anger, guilt.

Natural lang yon. Tao ka lamang. (wala bang background music). Pero Birhinya, ganyan talaga ang buhay. Kahit na ang magagandang katulad ni Jennifer Aniston ay iniiwan para kay Angeline Jolie.

One day, you will just laugh at this experience and you will even become a friend to your ex.

Good luck.

Sandali, pupulutin ko lang ang puso ehek korteng puso kong lalagyan ng mga coins.

AHEM.

pinaysaamerika

Saturday, September 16, 2006

How to mend a Broken Heart -Paano Tagpian ang Punit-punit na Puso (daw)

Ito nabasa ko lang. Hindi punit ang puso ko. Excuse me. Durog pwede pa. hekhekhek

1. Breathe

Meron kasing mga taong sawi na mahihiga at tila ba balak hindi na huminga. Mahihiga, pipikit o kaya tititig sa kisame. (Makikita tuloy na maraming agiw pala). Pero panay naman ang buntong-hininga. Teka, kailan ba ako nagkaganito? Hmmmm. Hika lang pala.

Kahit magcall-in sick kayo at mahihiga, tumayo-tayo rin kayo at pumunta sa refrigerator para kumuha ng ice cream. Kung dati ayaw ninyong kumain dahil tataba kayo, ito ang araw upang kalimutan ang pagdidiyeta. Tsee nila.

Kantahin ang I WILL SURVIVE. Kalimutan ang mga theme song ninyong nakakapagpalala sa kaniya. Huwag itatapon ang Cd. Mahal din yan. * heh *

(Huwag tatawagan ang ex).

2. Call a friend
Tawagan ang kaibigan na makikinig sainyo. Yong hindi ibaba ang phone habang pacry cry ka at nagmumultitasking habang akala mo naman ay matiyagang nakikinig saiyo. Tsee niya.

(Huwag tatawagin ang ex).

3. Go watch a movie. Pero pwede ba, huwag drama o love story. Baka maipag-iyakan ka pa sa bida. At please lang kung talagang manonood ka ng mga sad movies, magdala ka ng kumot. Kung iiyak ka lang naman ay umiyak ka na noh para masabi mo na said na ang iyong luha, wala ka ng iluluha. * heh *

(Huwag tatawagin ang ex)

4. Go out by yourself or go for a long walk

Huwag buruhin ang sarili sa buhay at umiyak. Lokah. Magwindowshopping. Window lang. Baka naman ibuhos ang sama ng loob sa pamimili. Pero huwag gagawi kung saan puwede mong makita ang ex. Baka may makita kang nakabrisyete ay hindi lang punit ang dibdib kung hind windang pa. ahehe.

(Huwag tatawagin ang ex)

5. Express youself or your emotion. Paint, write or play music.

Ipintura mo ang mukha ng kinaiinisan mo. Lagyan mo ng sungay. ahehehe. Magsulat ng blog. o di va. Play music. Kahit ka marunong magpiyano, sige. Kahit paemore-emote lang nakunwari ay bida ka sa pelikula na nagpipiyano. O kaya punta ka sa karaoke.




6. Take a break. Go out of town for a weekend.

Bakasyon muna para malayo sa mga paggunita. Pero naman husme huwag doon sa pinagbabaksyunan ninyo madalas.

(Huwag tatawagan ang ex).

Itutuloy

Pinaysaamerika

Wednesday, January 04, 2006

Si Pinay at ang Traidor (pipilitin kong alamin ang pangalan mo hudas)oops

Ito ang mga nakaraang kabanata.
Part 1,Part 2,Part 3,Part 4Part 5,Part 6,Part 7,Part 8,Part 9,part 10, Part 11,Part 12



May epilepsy pala ang taong nangisay. Wang wang kaagad ang sabi
nilang 911. Inilagay sa stretcher ang tao at dinala sa ospital.

Sa Pilipinas yon sa isip niya, marami mo nang ususero bago
darating ang ambulansiya. At kung teleserye naman yon, may
iyakan muna at patawaran, hangang mapugto ang hininga ng
may-sakit. Tsee.

Natapos silang kumain at tumuloy muna sila sa opisina.
Maraming mga nakaupo sa labas. Salita ay mga Kastila
at mga Pinoy.

May isang mukhang malditang nagpapatahimik sa kanila
Naghahanap ng mga pansamantalang trabaho ang mga ito.
Bawa't tawag sa telepono ay may kinakausap ang maldita
at pinapupunta kaagad sa lugar kung saan sila kailangan.

Nandoon si Mrs. B. Kuntodo nakamasikip na damit ito na
parang gustong ipitin ang taba niya sa katawan. Pero
kahit anong ipit niya, lumalabas naman sa ibang bahagi ng
katawan niya.

Maskulado pa rin siya. Ahaahay. Pero pula ang kaniyang labi,
malantik ang kaniyang pilikmata. Kitang kita mong parang
mapa ang kaniyang make-up sa maitim niyang balat.
Dapt maturuan nang tamang pagpili ng kulay ng make-up.

Beso, beso, beso. Di naman nagtatamaan ang pisngi. Mainit.
Akala pa naman niya malamig sa Estet. Hinubad niya ang
kaniyang makapal na jacket.

Naku hija, may heater ang building kaya mainit. Paglabas
natin, malamig ulit yan.

Pinaysaamerika

Hindi raw siya doon magtatrabaho. Hahanapan niya ng petitioner
para magkaroon siya ng papel. In the meantime, tulong-tulong
muna siya para matuto siyang gumamit ng fax machines, copier
at ng computer.

Bandang alas seis ng gabi, umalis sila at pumunta sa isang
apartment. Doon nakatira si Nelia. Dinatnan nila si Teddy,
boypren yata ni Nelia dahil nagkiss sila at napakatamis ng
kanilang ngitian na sobrang tamis magbibigay ng cavity sa
ngipin.

Nalaman niyang may-asawa si Teddy sa Pinas. Ugh...

Abangan ang susunod na kabanata. hekhekhek

Tuesday, January 03, 2006

Si Pinay at ang Traidor (Malapit na kayang malaman ang pangalan niya?)

Ito ang mga nakaraang kabanata.
Part 1,Part 2,Part 3,Part 4Part 5,Part 6,Part 7,Part 8,Part 9,part 10, Part 11



Lumanding na sila sa LAX (Los Angeles Airport). Nagsimula nang
magtayuan ang mga pasahero upang kunin ang gamit sa overhead
compartment. Kesehodang laktawan ka nila. Nagmamadali. Para bang
takot sila na umandar ang eruplano at madala sila sa sunod
nitong stop, ang San Francisco.

Nang wala na halos tao sa aisle, saka siya tumayo at inabot
ang kaniyang maliit na bag. Tuloy-tuloy din siyang lumabas
sa eruplano at sinundan ang daloy ng tao. Hindi niya
alam ang pupuntahan niya kaya sama na lang siya.

Dadaan sila sa imigrasyon. Isang pila ng mga turista at ibang
pila ng mga verde at mga US Cit.

Tiningnan siya ng immigration officer. Tinanong siya kung gaano
siya katagal. Tiningnan ang bitbit niyang maliit na bag.
Sabi niya baka tatlong buwan lang.(Patawarin po NINYO)siya
sa pagsisinungaling. Tinatakan ang passport niya.
Anim na buwan. Hehehe. Sa isip niya tamang tamang maghanap ng trabaho.

Sunod ulit siya sa mga tao. Dinala siya sa kung saan puwedeng
i-claim ang checked-in luggage.

May nakita siyang dalawang babae na may hawak ng papel kung
saan nakasulat ang pangalan niya. Haay salamat, hindi siya
maghihintay.

Si Nelia ang isa. Taga Mindanao at si Sonia ang ikalawa,
taga Maynila. Inutusan sila ng boss nilang sunduin siya.

Idinaan muna siya sa Mc DOnald para kumain. Kaliit na Mc Donald
yon. Hindi kagaya sa Pinas na magagara ang building at talagang
astig ang dating.

Nagtatrabaho si Nelia sa opisina ng babaeng tumulong
sa kaniyang makakuha ng tourist visa. Tawagin natin siyang
Mrs. B. Ang opisina nito ay isang temp agency at nag-aayos
din ng papel ng mga taong nakakuha nang magpepetition
sa mga tourist visa ang papeles.

Habang sila ay nag-intro-introduce ay may taong biglang
nangisay sa malapit sa kanila.

Abangan ang karugtong.

Pinaysaamerika

Monday, January 02, 2006

Si Pinay at ang Traidor na Kailangang Binyagan ng Pangalan

Ito ang mga nakaraang kabanata.
Part 1,Part 2,Part 3,Part 4Part 5,Part 6,Part 7,Part 8,Part 9,part 10

Dear insansapinas,

Nagising siya nang may nag-iingay sa bandang middle aisle.
Hay naku away ng babae at lalaki. Ito raw si lalaki
ay nanghihipo. Kunwari raw ay natutulog pero huwag
ka, pag nakitang tulog na ang katabing babae, ay kunwari
babagsak ang kaniyang palad sa dibdib ng natutulog na
dilag. Sistema niya bulok.

Heniweys, sinampal yata siya ng mataray na babae.(Bote nga sa
kaniya).

Nagpalitan ng upuan at takip mukha ang lalaki. May hiya
rin pala siya.

Tiningnan niya ang kaniyang relos, hmmm tatlong oras na
lang nasa Los Angeles na sila.

Ano kaya ang mukha ng Amerika. Malamig siyempre.
Ipapasundo daw siya ng babaeng nag-ayos ng papeles
niya.

Naalala niya ang kaniyang boypren sa Saudi.Naalala niya
ang kaniyang nanay na hindi alam na umalis na siya.
Naluha siya.

Nasa tabi na naman niya ang batang makulit. Inabutan
siya ng tissue paper.

Awwww.

Pinaysaamerika

Sunday, January 01, 2006

Si Pinay at ang Traidor na Walang Pangalan Pa rin

Dear insansapinas,

Ahahay, bagong taon na mga dahleengs at dapat bagong buhay
na rin pero ito tsismosa pa rin si Pinaysaamerika kagaya nang
pinsan niyang si Kiwipinay.
Pansamantala nating iwanan ang kuwento kong hindi naman
pelikula (peks man)tubuan man kayo ng kulugo. Masaya ang
mader dear ng aking kaibigan dahil madalas ang dalaw ng
kaniyang Hani sa kaniya kahit na binobola pa rin siya.
Hige, hayaan ninyo siya sa kaniyang kaligayahan. Pag
may breaking news lang, saka natin sila babalika.

Itutuloy ko ngayon ang nauntol kong kuwentong si Pinay
at ang Traidor (na ayaw pa rin sabihin ang pangalan niya).
Iniwanan natin siya sa kabanatang siya ay nasa eruplano
at kasalukuyang binubuwisit ng isang bubuwit.

Ito nga pala ang mga una at mga sumunod na kabanata.

Part 1,Part 2,Part 3,Part 4Part 5,Part 6,Part 7,Part 8,Part 9

Lumapit sa kaniya ang flight stewardess. Tinanong siya kung ano ang gusto
niya, chicken o beef?

Wala bang iba? Wala raw. Dalawang choices lang daw. Parang may
nakita siyang baloon sa itaas ng ulo ng flight stewardess na
may nakasulat, "Anong akala mo dito turo-turo?".

Angengee. Tsuplada. O sige na nga. Chicken na lang.
Pagkalampas ng stewardess, sumilip ang bata sa kaniya.
Inuugoy-ugoy ang upuan sa harapan. Umuugoy-ugoy tuloy ang
pinanonood niya. Bakit ba may mga batang nilikha para
mang-inis sa mga nakakatanda.

Pinandilatan niya ang bata. Biglang tingin naman sa kaniya nang
kamag-anak nito sa kabilang upuan. Pinikit-pikit niya
ang kaniyang mata na tila ba pinag-eexercise niya ang kaniyang
mga eyelids. One, two, one, two.

Buti na lang dumating na ang pagkain. Nawala ang ulo ng bata
sa upuan sa harapan niya.

Uhmm kaliit na plastic na ang laman ay kanin at dalawang
hiwa ng chicken. Hindi nga niya nakilala kung chicken
nga ito o balat lang na naligaw sa plastic na iyon.

May karampot na salad, may maliit na cookie at hiwa ng
cake. May butter at may kape sachet.

Humingi siya ng orange joyce. Saka na ang kape.

Itinago niya ang natira niyang cookie at palaman. Sayang.
Kasama sa binayaran niya sa ticket yon.

Ipinikit niya ang kaniyang mata pagkatapos kunin ng
flight steward (lalaki siya beybi) ang tray.

Ano kayang kapalaran ang naghihintay sa kaniya.

Bago siya pumikit, nakita niya ang batang nakatayo
sa may tabi niya.

Itutuloy.