sub-title : Oh Pag-ibig, balikbayan man ay balikbayan pa rin.
Part 3 Karugtong ng kabanata:
Dear InsansaPinas,
Tahimik ang mundo ko maghapon. Bwisit ako eh. Huwag nga lang may mag-ring na telepono, parang simbahan katahimik ang aking maliit na cubicle. Kulang na lang na may magmisang pari at mga grupo ng anghel na kumanta ng aleluya, aleluya, maari na kayong lumuhod at magdasal.
May wisik pa yan ng aking bottled water. Pag bigla mong tingin sa akin ay sulimpat. Yong salubong ang dalawa kong mata. hekhekhek
Tahimik din si Rick. Panay lang ang buntong hininga at tanaw sa malayo. Ang malayo naman na iyon ay 'yong aming water cooler na tambak ng mga paper cups. Igiban din yon ng mga gustong makatipid sa tubig kaya bago umuuwi ay pinupuno ang kanilang isang litrong bote. *heh*
Alas seis na. Isa-isa nang na-aalisan ang mga katrabaho namin. Naghanda na rin akong umalis. Pinalitan ko na ng aking sneakers ang aking sapatos na balat. Haay, ang sarap ng feeling. Yan ang uso dito. Gamit ay sneakers, pagdating sa opisina ay palit ng sapatos na may takong para raw disente ang dating. *heh*
Lumapit si Rick. Isnab ko nga siya. Tsee. Kung pwede raw akong makausap? Tsee. Kakain daw kami sa labas. Ahay. Yan ang maganda. Siyempre naman,
Itutuloy.
Ang iyong pinsan,
Pinoy,Pinay, balikbayah, love
No comments:
Post a Comment