Advertisement

Friday, November 10, 2006

The loving are the daring.--Pinay Love Story 2

Soul Mate Meets Soul Mate sa Internet-Another Pinay Love Story 2
sub-title : Oh Pag-ibig, balikbayan man ay balikbayan pa rin.


Part 4 Karugtong ng kabanata:


Dear InsansaPinas,

Pumunta kami sa Fresh Choice. Salad bar siya. Eat all you can. Pero doon sa mga dahon-dahon, isang beses ka lang makakakuha kaya dapat marunong kang magtambak sa maliit na pinggang ibibigay saiyo. Pero pagdating sa soup, mga pies, drinks, desserts, ay Daay , kahit ilan balik mo na may pangal ka pasa bibig, babalik ka na para kumuha pa ng maliit na pizza o kaya ay maliliit na hiwa ng mga cakes. Saraaap.

So, pagkatapos nang makapag-imbak ako ng pagkain sa lamesa(may "I shall return" akong card na inilalalagay sa lamesa tuwing ako ay pumupunta sa hilera ng mga pagkain, kung hindi baka iligpit ng waitress)ay pumuwesto na ako sa harapan ni Rick. Ang bruho, pinaguilty conscience pa ako. Kaliit na dakot ng salad ang kinuha. Nagmukha tuloy akong gahaman sa pagkain. *heh*

"Pasensiya ka na kung hindi kaagad ako nagkuwento saiyo."Pasakalye ni Rick na dinadalirot ang kawawang green peas sa salad niya. Kawawang green peas. Kung makakaiyak nga lang yon, siguro yon nang hintuan muna ako, hintuan mo na ako, disin sana'y ginawa na niya.

"Okay lang" sagot ko naman. Uhhhm sumingit sa ngipin ko ang kapirasong brocolli.

"Marami kasing istorya, hindi ko alam kung saan ko sisimulan." Tuaok pa rin siya ng tusok ng green peas na gutay na gutay.

"Aba, mahaba-haba rin ito. Ilang tsapter kaya?" Hindi ako nagkamali. Hindi ako nagkamaling magtambak ng pagkain. Hige(sa isip ko lang), tuloy ang kuwento, habang mainit ang tingin ko sa baked potato na may butter. Hmmm cholesterol na, carbohydrates pa.

Itutuloy.

Ang iyong pinsan,

pinaysaamerika
,,,

No comments: