Population: Average Annual Growth Rate (in Percent) Census Years 1980, 1990, 1995, 2000 and 2007
Area | 1980-90 | 1990-95 | 1995-2000 | 2000-07 |
Philippines | 2.35 | 2.32 | 2.36 | 2.04 |
National Capital Region | 2.98 | 3.30 | 1.06 | 2.11 |
CAR | 2.28 | 1.71 | 1.83 | 1.50 |
Ilocos Region | 1.96 | 1.30 | 2.15 | 1.10 |
Cagayan Valley | 2.01 | 1.51 | 2.25 | 1.13 |
Central Luzon | 2.58 | 2.12 | 3.17 | 2.36 |
Southern Tagalog | 3.05 | 3.53 | - | - |
IVA-Calabarzon | - | - | 4.08 | 3.21 |
IVB-Calabarzon | - | - | 2.67 | 1.49 |
Bicol Region | 1.18 | 1.91 | 1.73 | 1.20 |
Western Visayas | 1.77 | 1.30 | 1.56 | 1.35 |
Central Visayas | 1.95 | 1.65 | 2.81 | 1.59 |
Eastern visayas | 0.88 | 1.84 | 1.51 | 1.12 |
Western Mindanao | 2.23 | 2.42 | 2.12 | 1.83 |
Northern Mindanao | 2.22 | 2.32 | 1.99 | 1.67 |
Southern Mindanao | 3.04 | 2.72 | 2.41 | 1.71 |
Central Mindanao | 3.32 | 2.66 | 2.69 | 2.41 |
ARMM (1) | 3.06 | 1.80 | 3.73 | 5.46 |
Caraga (2) | 2.55 | 1.82 | 1.63 | 1.25 |
(2) Created by EO 721
source: http://www.nscb.gov.ph/secstat/d_popn.asp
Mababasa mo sa mga articles, sa mga blogs na ang populasyon ng Pilipinas ay dumarami. Totoo. Normal tumaas ang population. May nanganganak, may namamatay, may umaalis at may dumarating. Ang dapat tingnan ay ang bilis ng pagtaas o growth rate. Tumataas ba o bumababa ang growth rate? Marami gaya-gaya lang. Pag sinabi ng isa na tumataas, isusulat din nila ay tumataas. Pagkatapos sasabihin nila na tayo ay naghihirap dahil sa taas ng ating population growth rate.
ANO NGA BA TEH?
Kasi ang grandparents ko may labing-anim na anak; ang parents ko ay nagkaroon ng walo; sa aming magkakapatid, ang pinakamaraming anak ay apat at ang fourth generation ay may isa o dalawang anak lang.
Pabawas-ng pabawas neh po.
Sa itaas ay makikita ang growth rate mula 1990-hanggang sa census year na 2007. Ito ay galing sa National Statistics Office. Hindi ko ginamitan ng abacus, ng jurassic kong calculator o ng aking excel sa laff top. Beyond 2007 ay projection na lang dahil ang susunod na census ay baka five years ulit mula 2007.
Kung titingnan natin ang growth rates, see-saw siya. Bumaba, tumaas, bumaba. Mula 2.35 per cent noong 1985-90 bumaba ito ng 2.32 between 1990-95. Tapos nagulat yata tumalon ng 2.36 ng 1995-2000. Bumagsak ulit sa 2.04 ng 2000 to 2007.
Pero ang magandang pansinin ay ang growth rates sa iba't ibang region. Ang pagpababa natin ng population ay tila ba doctor na ang dapat pansinin ay kung saan may sakit o problema ang katawan. Kasi sa ibang region ng Pilipinas ay mababa naman ang growth rate. Halos mahigit lang sa 1 per cent at sa ibang region naman ay napakataas. Para tayong naggagamot ng sakit sa buong katawan sa halip na tutukan yong parte na may problema. Tingnan ninyo ang Ilocos Region. Bukod sa matipid sila, matipid din sila sa mga anak. Ang growth rate nila ay 1.10 per cent lang. Ang mataas na growth rate ay 5.46 sa ARMM. Ito ang Autonomous Region in Muslim Mindanao. May sarili itong gobyerno. Ang mga probinsiyang kasama dito ay ang Basilan, Lanao del Sur, Maguindanao, Sulu, Tawi-tawi at Islamic City of Marawi.
Ang sumunod na pinakamataas ay sa IVA Calabarzon. Ito ay sumasakop sa Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon. Hoy bakit ang taas ng growth rate ninyo? 3.21 ? Abah.
Sang-ayon ako na dapat pansinin ng local government ito. Baka naman gusto nilang tumaas para marami silang boto. tototototo (echo effect).
Tinatanong ako ng marami (isa) kung ako raw ay sang-ayon sa RH Bill. Hati ang katawan ko diyan. Ang sa itaas ay hindi at ang ibaba ng katawan ko ay sang-ayon. Hintayin ninyong humati ang katawan ko sa gabi. Bwahaha
Pinaysaamerika
2 comments:
kung sinu naman kasi yung mga hirap na hirap kasi sya ang mahilig maganak ng marami tapos yung mga anak ang pagtatrabahunin ng mga
depuger na magugulang,dapat
sa mga yan ibitin ng patiwarik at pagkakapunin,hmpt!
~lee
lee,
libangan yata nila yong sex sa gabi. hehehe
Post a Comment