Itong article ni Butch Francisco sa Philstar about food tripping ay nakapapaala sa akin ng mga kainan dito sa US of A lalo pag gusto mong magtipid.
More than a decade ago, I lost my appetite for those hotdogs and pretzels being sold in New York streets after an American TV show exposed how the vendors of those food items don’t exactly practice strict sanitary habits (no running water in those food carts!). Obviously, no one told P-Noy about that.Nagkakamali si Butch. Si Paulding ng My Pinoy Humor blog nagsulat nito:
Good for P-Noy, his esophagus made it through. But be careful next time, Mr. President.
As for the regular Pinoy traveler to the US, there are various ways to save on dollars by going on a PG food tripping. You only have to be more resourceful and have a sense of humor.
Bilib naman ako sa tapang ni Tito PNoy, tumira ng hot dog sa sidewalk of New York. Masarap daw talaga kasi yung tubig ng pinagkuluan ay taunan kung palitan. Pwede din daw anti-freeze sa radiator ng kotse. Dito sa aming barangay eh sa Fenway Park ang pinakamasarap na hot dog. Me kasama pang angil at insulto fron the vendor. Red Sox and hot dogs, nothing is more American than devouring hot dogs at Fenway ballpark. Hot doggity! I love this country!
Butch Francisco wrote:
But I’ve already collected a treasure trove of memories — plus tips on how to do food tripping in the US — PG style, PG as in patay-gutom.
I only spent on dinner because I can never sleep on an empty stomach. I’d order rice toppings for $3 at a Chinese restaurant, eat part of it there and save the rest for breakfast the following day.
Noong nagtarabaho ako sa financial district sa SF, ang mamahal ng kainan. Meron yong salad bar, na titimbangin ang kinuha mo at per pound ang singil. Noong una akala ko eat all you can kagaya nang kinakain ko diyan noon sa Pinas na sa maliit na salad bowl na ibinibigay, nakakagawa ako ng tenement ng salad.
Ay sus ang halaga ng five dollars ko noon ay marami lang pag ang mga kinuha ko ay dahon-dahon kagaya ng lettuce at spinach . Sa isang Linggo kong pagkain, kulang na lang isuga mo ako sa kangkungan o kaya ako ay tubuan na ng bulaklak. Alis ako at nag- hanap ng biang makakainan. Charbroiled chicken naman. Yong manok na hindi pa marunong mangitlog ay nagkakahalaga ng more than five dollars. Excuse me, hindi buo, kalahati lang. Sa kaliitan, kahit yong buto kakainin mo para feeling busog ka.
Minsan yong kasama kong intsik ay napansin ko lumalabas tapos pag-uwi meron siyang fried rice, chow mien at siomai. Yong chow mien, dollar lang. Yong kanin 50 cents lang. Pwede ka nang magbuhay ng isang pamilya sa dami. Ang medyo mahal ay ang siomai.
Tinanong ko kung saan siya bumibili, sa Chinatown daw. medyo malayo sa amin pero nilalakad niya. Ganiyan siya katipid. Minsan nagpabili rin ako, kahit hindi kami friendly force. Faction-faction din sa amin eh. May Balay Nipa at May Balay Bato. Yong Bato ay may mga matitigas ang mukha at ang kanilang lider ay parang totoy bato. Yong intsik, mukhang totoy. huwag ka sinundan ako noon sa Estet. hahahaha uy.
Pansin ko yong pancit grabe ang oily. Yon bang klaseng pagkatapos mong maubos yong chow mien, pwede ka pang mag-hot oil. Grabeng grasa. Siguro kasi tira-tira yon at para di mahalata, niluto ulit. Pati yong kanin, flied lice na may mga halo ng mga left over siguro. Daming MSG. Paano ko nalaman? Takbo ako sa restroom pagkatapos. Hindi na ako umulit. Bumili na lang ako ng RAMEN, ang pan cit na masuwerte. Kaso yong isang miyembro ng Balay Bato, sinunog yong microwave. Nagluto ng pop corn, hindi binasa ang instructions. Wala tuloy akong makain.
Nang lumipat ako ng trabaho malapit sa Union Square, kung nasaan ang Macy's at iba pang mga high end stores, pag bagong sweldo at walang libreng pagkain sa chains of hotel na tinatrabahuhan ko, kain ako sa pinakamalapit na SUBWAY. Yong Footlong, hinahati ko para sa tanghali at kalahati sa gabi dahil tamad na akong magluto. Minsan pag-uwi ko, napipi sa bag ko sa subway (BART) sa dami ng pasahero.Para siyang nilamutak na tinapay. eww
May Filipino restaurant sa malayong bloke pero isang bilihan ko ng adobong manok, ayaw ko na. Pinagpupukpukan ko yong manok doon sa desk ko, hindi pa lumambot. *heh*
Meron akong paboritong restaurant sa malapit sa aking tinitirhan. Masarap ang kanilang flied egg over rice at yong talong na lasang isda. Palagay ko kinakananaw nila yon doon sa aquarium na may lalangoy-langoy na carp.Hindi ko alam pabwenas pala yon at hindi kinakain.
Pero meron ding makakainan ng Eat All You Can. Dami pang crab at sugpo. Twenty eight dollars naman per head Kaya kami ng kaibigan ko, hala bira sa pagkain hanggang di na makatayo. ikinakain namin pati Sunday, kasi pag Sunday, iba ang presyo, hehehe
Minsan kain kami sa Italian resto. Ang siste niyan mahal nga pero naman isang serving pwede ka ng tumawag pa ng kabarangay na may bitbit pang kamag-anak nila. Ang laki ng plate nila. Maliit ang aming bandehado na nilalagyan ng kanin para sa pamilya pag kumakain nang sabay-sabay. Pero mas maliit sa ginagamit ng mga auntie ko. Banyera talaga ang nilalagyan nila ng kanin at ng ulam. Walong malalaking magkakapatid ba naman.
Masarap noon sa kinakainan naming Thai Resto ng aking biyenan. Parang home cooking. Dahil yong may-ari ang nagluluto, ang tagal bago dumating ang order mo. Kung hindi lang ako nahiya noon sa biyenan ko, lalabas muna ako at kakain sa MC Donald sa gutom ko. Kasi yong resto na yon ay may write-up daw sa Chronicle.
Pagdumating ang order, hahanapin mo yong inorder mo. Ang liit ng serving, ang laki ng plato. Akala ko dumi lang yong nandoon o appetizer. bwahaha
Minsan dinala niya ako sa isang coffeeshop. Hindi Starbucks anoh.
Binigyan kami ng maliit na cup. Ang tipid naman. Espresso pala ang inorder ng aking MIL. Hindi ako nagpahalata. Taas ang aking pinky
finger, inom ako from the small cup. uboh uboh, maluha-luha ako sa tapang. Promise. Sinumpa ko na ang kapeng yan. Tseh.
Nang nalipat ako ng Los Angeles, mula nang pagsabihan ako ng matakaw (hindi po ako matakaw, galit lang yong aking kaibigan dahil may faction na naman doon. Yong isang faction ay mga redfaced. marami kasing taghiyawat. yong isang faction naman ay mga thickfaced. (kapal ng mukha). Ako ang nasa gitna. Para akong puno na gusto nilang bunutin, ako ay naghanap ng resto kung saan pwede akong bumili ng food - togo. Maraming Pinoy resto roon. Pero naman Day, napilitan akong magluto na lang kasi, yong kanilang laing, may sabaw. Yong kanilang ampalaya na may itlog ay mapait pa kaysa sa mukha noong aking traydor na kaibigan.
Pero sa SF, may pinupuntahan kaming Grocery na meron din silang luto. Maganda ang promo nila noong una. Pag marami kang grocery, may libreng coupon ka.
Pero masarap naman, talagang mga bagong luto dahil kinukuha nila sa kanilang wet section, fish dection. Siguro mga kaunting defect lang kagaya ng isda na bungi o kaya ng chicken na mali ang hiwa.
Meron akong partner in crime noon na kasamang bumili at sa park kami kumakain. O di va ang laki ng aming resto. Except sa mga ibong lilipad-lipad, wala namang squirrel na nakatanghod.
Kayo anong experience ninyo sa kainan?
Pinaysaamerika
5 comments:
sa UP, meron barbequehan dun. Beachhouse Canteen. malayo sa beach. nasa tabi lang ng sunken garden. open air sya, kakain ka sa ilalim ng mga puno. super sarp ng baipot rbq. minsan kumakain ako, maraming ibon ang lumilipad. bigla na lang may nahulog mula sa taas. akala ko dahon o twig. nakngtinapa, ipot pala. buti di nahulog sa plato ko.
mam,bagay na bagay sakin yang pmagat ng blog mo haha...
hahaha.. mam ganun talaga mga pagkain ng chinese, kahit dito di malalangoy ng magbiyenan yung oil na gamit nila,kasi daw mganda tingnan yung pagkain pag maraming oil di raw nangangarirang itchura at yung pansit e di nagdidikit-dikit.
dito mam evry weekend kaming magpi friendship my eat all u can din kami dto sa hol inn or sa hyatt 50usd per head then after kain(lamon pala)dun naman drecho namin sa pinaka bar ng hotel hala chikahan lang dun habang inom inom maya suray suray hahaha.
madaling masira tiyan ko,2x na akong na hospital dito
sa pagkasira ng tiyan grabe nadehaydreyt nako sa sobrang sira hahaha,ngyari pa kung kelan
midnite at wala akong taong matawag so kinaumagahan na natuyuan nako ng tubig bako pako maitabbo sa hosp,maayos
naman yung mga resto na nakainan ko,kaya ngayon mas doble ingat,kahit nasusuka nako dito sa kinakainan kong jap resto kasi iyon at iyon din ang menu(dto ako breakfast,lunch at dinner)at kahit na nga mahal hala sige na mas mahirap maospital,yung mismong mayari nung resto akabantay pag dw niluluto yung pagkain ko kasi sinabihan nung staff sa opis na 2x nako naisugod sa hosp(tamad ako magluto at ayoko talaga kc nangangamoy ako dto sa condow),sobra lang talaga
kasi takaw ko ahaha kita naman sa katawan lumba lumba mwehehe.
pero mam sa eat all you can lugi ako kasi di naman ako kumakain ng mga sea foods(allergy)
kaya pagdating satin maryosep,one month na bakasyon 4kgs kagad ang nadadagdag sakin,in a month lang yun ha? pano pa kung for good na ako sa pinas?
~lee
mam,bagay na bagay sakin yang pmagat ng blog mo haha...
hahaha.. mam ganun talaga mga pagkain ng chinese, kahit dito di malalangoy ng magbiyenan yung oil na gamit nila,kasi daw mganda tingnan yung pagkain pag maraming oil di raw nangangarirang itchura at yung pansit e di nagdidikit-dikit.
dito mam evry weekend kaming magpi friendship my eat all u can din kami dto sa hol inn or sa hyatt 50usd per head then after kain(lamon pala)dun naman drecho namin sa pinaka bar ng hotel hala chikahan lang dun habang inom inom maya suray suray hahaha.
madaling masira tiyan ko,2x na akong na hospital dito
sa pagkasira ng tiyan grabe nadehaydreyt nako sa sobrang sira hahaha,ngyari pa kung kelan
midnite at wala akong taong matawag so kinaumagahan na natuyuan nako ng tubig bako pako maitabbo sa hosp,maayos
naman yung mga resto na nakainan ko,kaya ngayon mas doble ingat,kahit nasusuka nako dito sa kinakainan kong jap resto kasi iyon at iyon din ang menu(dto ako breakfast,lunch at dinner)at kahit na nga mahal hala sige na mas mahirap maospital,yung mismong mayari nung resto akabantay pag dw niluluto yung pagkain ko kasi sinabihan nung staff sa opis na 2x nako naisugod sa hosp(tamad ako magluto at ayoko talaga kc nangangamoy ako dto sa condow),sobra lang talaga
kasi takaw ko ahaha kita naman sa katawan lumba lumba mwehehe.
pero mam sa eat all you can lugi ako kasi di naman ako kumakain ng mga sea foods(allergy)
kaya pagdating satin maryosep,one month na bakasyon 4kgs kagad ang nadadagdag sakin,in a month lang yun ha? pano pa kung for good na ako sa pinas?
~lee
biay,
bakit tinawag na beachhouse? di ba sa probins din, pag nagpipicnic, sa ilalim ng puno.
lee,
ang sarap nga ng pagkain sa pinas.
dati mahilig ako sa japanese food pero lately, sira ang tiyan ko kaya iniiwasan ko na ang aking mga fsvorite.
maraming recipe ang chinese resto sa atin. kagaya ng siopao na pusa, peking duck na peke. yon pala binabad sa tuyo at kinulayan.
pero in fairness, masarap talaga ang luto nila. masyadong makakabig ng puso.
Post a Comment