Advertisement

Wednesday, October 27, 2010

Celebrities sa Barangay, SK Polls- Batong tuntungan

Dear insansapinas,

Bago tayo pumunta sa topic, isa munang patalastas sa ating sponsor na SANA.
1. Sana ay huwag nang nagbabanta ang mga government officials; kagaya nang heads will roll...blah blah. Ito na naman si De Lima, wala raw siyang sasantuhin pagdating sa blast suspect. tadidah.


2. Sana ang mga government officials ay huwag maging taga certify ng character ng kanilang kaibigan, kafrat at kamag-anak. Hindi pa man umaamin, sinasabi nang walang kasalanan.


Celebrities sa Barangay, SK Polls


Pati ba naman ang barangay atang SK, hindi pinalibre ng mga artista. Nagsitakbuhan sila para sa position ng chairmanship, kagawad at ano pang available ng puwesto.


Tingnan mo si Jolo Revilla, ang anak ni Senador Bong Revilla at Congressman Lani Mercado, panalo bilang barangay captain sa Bacoor, Cavite. Siguro kung malaki na iyong anak niya na apo ni Bong, pinatakbo niya sa SK o kaya Sanguniang Paslit.(below 12).


Si Jeremy Marquez, isa sa mga anak ni  former Parañaque City mayor Joey Marquez, ay na re-elect na barangay chairman sa Barangay BF Homes in Parañaque City.

Hindi lang isa yan. Ang anak niya kay Alma Moreno na si  Wynwyn Marquez, ay prinoklamang SK chairwoman sa Parañaque City.

Si Dagul, na tawag ay “Little Man With a Big Heart,” ay nanalong kagawad. Ang asawa dati ni Jean Garcia na si Jigo Garcia ay nahalal na chairman sa Dona Josefa, Quezon City.


Kagaya ng ibang non-show biz personalities, naghahanda sila sa pagsuong sa pulitika.

Kumbaga sa bato ito ang tuntungan nila. Yong iba naman nakatuntong sa ulo ng may ulo. Grabeh raw ang bilihan ng boto. Parang nagtitinda ng sago.


Pinayasaamerika

No comments: