Advertisement

Wednesday, October 13, 2010

Live Coverage of Miners' Rescue

Dear insansapinas,

Nanonood ako ng CNN  live coverage ng pagligtas ng mga miners na 69 araw na nasa ilalim ng lupa. Tumulo na naman ang luha ko. For the past days, tumulo ang luha ko sa inis. Walang ulong gumulong as promised at yumabong pa ang puno kahit hindi dinidiligan. May mga eksena pa na hindi ka pa man nagkakasala ay pinatatawad na kita. Wala na akong ganang magsalita. Iinsultuhin ka lang nga panatikong mga tagasunod ng mga pulitiko. Mabuti pa manoond na lang ako ng Hawaii Five O. Yong bago.

Binasa ko ang mga background ng mga miners, merong mga may anak na pero hindi kasal na nangakong papakasalan ang ina ng kanilang anak pag sila ay nakalabas sa minahan. Inoorasan nga ang pag-akyat ng minero mula sa baba. Mga 12 minutes. Ikalabindalawa na ang aking nakita.


Nagtrabaho rin ang aking father sa minahan sabi ng mother ko. Sa Paracale, Camarines Norte. Natira pala sila noon sa Daet. Hindi ko alam kung napupunta siya sa loob ng minahan,


Mga kuwento ng mother ko noon kapag ayaw niya kaming lumabas ng bahay pag siyesta time. Pero habang tulog siya, labas din ako.


Ang kuwento niya, may mga Bombay daw na nang huhuli ng bata para dalhin sa minahan. Noong una ang sabi ang mga bata raw ay pinapatay para patuluin ang dugo sa gagawin nilang minahan. Pangtubos daw ito.


Sumunod ay ang pinagtatrabaho raw ang mga bata sa minahan. Wala naman yatang katotohanan yon.


Tapos nang malaki na ako. (nakasuot na ako ng high heels eh), napanood ko ang pelikula ni Harrison Ford ang  Indiana Jones and the Temple of Doom. Ngeek.Yon ang series na ang mga bata ay kinikidnap para magtrabaho sa minahan ng kontrabida.
Balik tayo sa rescue. Lahat sila ay binibigyan ng shades para sa protection ng mata sa araw. Except sa ilaw ay madilim sa loob ng minahan. Kahit malakas sila ay walang injury, tuloy sila sa doctor for check up. Ang mga families ay naghihintay sa kanila.


Pinaysaamerika



2 comments:

Anonymous said...

good news.. tingnan mo nga naman nagagawa ng new technology, at
kung gano nila pinahahalagahan ang buhay ng tao...
kung dito yan o kaya sa ibang lugar na walang equipments dina aabutin ng ganyan katagal mga yan.
naalala ko tuloy yung submarine na lumubog at hinayaan nalang yung mga nandun mamatay kesa
humingi ng tulong sa karibal na banda,hayz.
bakit ba bigla ko din naalala yung hostage na yan sigh,tapos
inaasahan nila na sana raw e maunawaan ng hongkong govt yung kanilang findings at isusumiteng kaek eken? mga tanga?
~lee
~lee

cathy said...

meron ngang isang father doon sa mga miners na hindi nakikitangmanganak ang kaniyang asawa, ngayon napanood niya sa video.

may mga kaniya-kaniya silang agenda. kahit mali ang ginawa ng kasama nilang pulitiko basta napagbigyan ang kanilang mga gusto, praise pa rin nila. parang palitan lang ng favor.