Advertisement

Sunday, October 31, 2010

Headlines at iba pa

 Dear insansapinas,
Balak kong lumabas para may bilhin pero medyo gumigiwang ako. boink.


Ito nagbasa na lang ako ng headlines sa isang tabloid. Lalo akong gumiwang. hic.


showbiz
1.  Ruffa, ipinarada ang Latino boyfriend  

 Kumakanta pa siguro ng Ole, ole, ole lloyd. Pinakikita lang niya kay Lloyd na hindi lang siya ang maruong gumamit ng cell phone.

2. Ginto ng mayabang na seksi aktres, naging bato!

Binuhusan siguro ng galon-galong suka. Yong puro ha.Acshually, tungkol ito sa employment niya na nasiphayo dahil nalamang sexy star pala siya in her past life.

ibapa:
3. Pinas gegewang sa lumalakas na piso

Ano kayang typhoon signal sa piso.
4. Pinakamahal na kalsada binaboy.
Lintek na baboy yan, malitson na nga. 
Acshually, ito yong mahal na Macapagal Highway na noong nirepair ay basta nilagyan lang ng aspalto, di pa raw pantay. Ano pa ba ang bago? 


Yan ay sa tabloid.

Ito isa sa broadsheet. 


Aquino’s tweeter now says she’s blessed to be in Hanoi, apologizes


Habang tinitingnan ko ang photo na ito, 
 
 photocredit : inquirer

naalala ko ang tweet niya."The wine sucks."


Naalala ko rin ang aking kaopisinang Vietnamese. 


Pinaysaamerika

    No comments: