Advertisement

Wednesday, April 27, 2011

Users

Dear insansapinas,


Buti naman at nalibing na ang batang artistang namatay sa aksidente kung hindi, papayat ako kasusuka sa mga balitang nababasa ko. Mga artista, pulitiko at mga entertainment writers na gumamit sa malagim na tadhana para sa kanilang mga libreng publisidad. Awrrkkkkk.


Ganiyan talaga sa showbiz at politics, gamitan. Kita mo ang mga sumasakay sa isyu ni Jan-jan ang child abuse na mga bata--mga bloggers na marahil hindi pa nakalakad sa Quaipo, sa Taft, sa Intramuros at sa Luneta para makita ang TALAGANG PAGPAPABAYA, PAGGAMIT AT PAG-ABUSO SA MGA BATA.


Ang agenda ay lumalabas. Sa hardin na maraming mga tanim na maysakit, isa lang ang talaga ang gusto nilang bunutin--ang punong hitik sa bunga, si WR. Kesehodang mamatay ang buong garden dahil hindi magalaw ang ibang tanim na maysakit.Sana ginamit ang kontrobersiyang ito sa pagbabago ng lahat ng programang naapektuhan ang mga bata at ang pagpataas ng kalidad ng programang napapanood ng mga Filipino.


Nakita na kaya ng mga bloggers na ito at ang mga miyembro ng mga asosasyon nabiglang nagsusulputang parang kabute para magsampa ng kaso. (sa atin atin lang ito, saan kinuha ang perang ginagamit sa paggastos sa mga legal fees? ) Pag nagsampa ng kaso, may bayad yon. Ibig mong sabihin gagastusin nila ang kinikita nila sa mga Paypal Donations nila sa kanilang website o kaya ang mga ibinabato sa kanilang bayad sa pagpopromote ng mga produkto ng mga kumpaniya (oweno kung hindi naman talaga quality ang serbisyo, oweno kung hindi talaga masarap ang pagkain sa restaurant na binabanggit nila). USERS.


 Ano ang kanilang motibo?


Nagbakasyon ang aking kapatid from Boston at ang kaniyang family para mapuntahan ang mga museum sa DC. Daming tao at matraffic. 


Sa pag-uusap, nabanggit niya ang pagbakasyon niya sa Pilipinas Kay Gandah Ko noong isang taon. Magkasunuran lang kami. Gulat siya naglipanang mga bata sa Manila. Kung noon marami na, mas marami ngayon sabi niya. At sa Taft daw ay di ka makalakad ng hindi pasigsag ang lakad mo sa sidewalk sa dami ng mga tao. 



Umalis siya sa Pilipinas Kay Gandah Ko matapos siyang makapaglingkod sa kaniyang alma mater. Tapos siya sa UP College of Nursing at nag-intern at nagtrabaho siya sa PGH. Tapos siya ng high school sa Manila Science High School kung saan nakatanggap siya ng Presidential Award sa kanilang proyekto. 



Kaya mas marami pa siyang oras na naggagastos sa Taft kaysa sa bahay namin sa Tandang Sora. Ngayon may anak na siyang walong taong gulang, nakita niya ang Responsible Parenthood na sinasabi sa Pilipinas Kay Gandah Ko ay lahat sa papel lang. Dito kasi hindi puwedeng gumala-gala ang mga bata ng walang kasama at lalo na pag school hours. Ang mga teachers ay tinatawagan ang pansin ng mga magulang pag absent ang kanilang mga anak o kaya ay nahihirapan sa mga aralin.


Hindi rin puwedeng makikapitbahay ang bata kung walang approval ang magulang ng kalaro. Sagutin ng kapitbahay kung may mangyari sa bata.


Sa mga Pinoy, ang responsible parenthood ay hanggang pag-asikaso lang ng pagkain (mga katulong pa ang naghahanda). Ang mga bata kung hatid sundo ay mga yaya rin ang gumagawa, hindi dahil may trabaho pati ang ina kung hindi pati ang stay-at-home -mom ay pagod para gumising at tingnan ang pag-alis ng kanilang mga anak papunta sa iskwela.


Noon pagod sa pakikipagkita sa mga kaibigan--ngayon pagod sa pagbabad sa Facebook, sa blog at sa twitter. Tingnan ninyo ang oras ng tweets nila. Halos every thirty minutes.


Noon ay naging kaugalian na namin ang magbigay ng pagkain imbes na pera sa mga nagpapalimos. Sabi ng kapatid ko, ibinato pa nga raw sa kaniya ang sitseryang ibinigay niya sa nagpapalimos sa kaniya. 


Minsan kumain kami ng aking dating istudyante sa resto malapit sa Luneta. Isang grupo ng mga bata ang lumapit sa nakahinto naming sasakyan. Ibinababa ng aking istudyante ang salamin ng bintana para bigyan ng pagkain ang bata, dinuran siya sa mukha at hinablot ang aking may kulay na salamin. Akala niya rayban, hindi niya alam pasadya ko yon na prescription glass. Umuwi akong "bulag". Kaya kung nakikita ninyo akong dalawa ang salamin na dala, ito ay dahil sa back-up.


Pinaysaamerika

No comments: