Advertisement

Wednesday, April 27, 2011

Movie Celebrities na papanaw pa ngayong taon 2011

Dear insansapinas,
Special request lang sa isang reader. 
Ito ang hula ni Madame Suzette noong Bagong Taon at Semana Santa: 


Siyempre hindi papangalanan pero pag namatay saka sasabihing sila na nga.
Beteranong aktor at aktres, papanaw ayon sa hula ni Madam Suzette
REGULAR guest si Madam Suzette Arandela sa New Year presentation ng Mel & Joey ng GMA-7 kaya naman, nitong nakaraang New Year episode ay hinulaan nitong may isang young actor na masasawi sa pamamagitan ng vehicular accident.
Si AJ Perez ang tinutukoy sa kanyang hula dahil declared dead on arrival ang aktor noong madaling araw ng April 17 nang nasalpok ng Partas bus ang van na kanilang sinasakyan.
Pati ang pagbubuntis ni Regine Velasquez sa taong ito ay kanyang nahulaan. Heto na, nagkatotoo ang nasabing pagbubuntis dahil lampas isang buwan na ito. Hindi dahil may migraine ang mang-aawit kaya ito laging nadadala sa hospital at lalong hindi ito tumataba dahil sa mga gamot na iniinom kundi ang totoong dahilan ay buntis siya.
Malakas ang power ng mga gifted na katulad ni Madam Suzette tuwing Semana Santa kaya may bago siyang hula. Isang beteranong aktor ang kanyang nakikitang may karamdaman ngayon na tuluyang mamamaalam sa taong ito. Isang aktres ang mamamaalam din pero hindi mamamatay sa aksidente at lalong hindi sa sakit kundi sa isang drug related death


source: pinoyexchange  

Pinaysaamerika

No comments: