Advertisement

Thursday, April 14, 2011

Be prepared

Dear insansapinas,


Habang nagbabatuhan ang ilang tao ng demanda, (nagdemanda ang ama ni Jan-jan at balak din daw magdemanda ang grupo ng bloggers base sa youtube video) patuloy ang pagbagsak ng peso, ang pag-utang ng gobyerno at pagtaas ng presyo ng bigas ang bansa ay hindi handa kung may kalamidad na dumating.
“I and about four other concerned citizens have already talked about this, and we are definitely filing a criminal case against these people. I witnessed the video on YouTube and nakita ko na there is some form of violation there," she said in an interview Tuesday.
 Alam kaya nila na pag napatunayang may ginawang pagdugtong-dugtong ang video ay mahina na ang evidence nila.


Alam kaya nila na ang mga tao ay tutok lang sa issue habang mainit pa, pag may bago na naman ay kalimot na. Pero interesado ako sa gagawin nila.  bwahaha. 


Balik tayo sa topic, wala rin akong nababasang paghahanda kung sakaling may kalamidad na dumating.Kaya kung walang pinamumudomod diyan ang Philippine Red Cross ng mga emergency kits (dito dalawang bag ang pinamimigay ng American Red Cross) tayo na lang sa sarili ang bumili,


Basic Emergency Kit


1. Flashlight o Emergency Lantern (dapat water resistant), Ang unang -unang nawawala ay ang power. 
Noong inabutan kami ng earthquake sa 12 floor ng isang building, nawalan kaagad ng kuryente. Walang elevator at dangerous din naman ang sumakay sa elevator. Sa stairwell kami dumaan na walang ilaw kaya ganoon na lang ang hawak ko sa barandilya.


2. Water- Magtabi ng tubig na papalit-palitan kung maari. 
Pag nawalan ng kuryente, mawawalan din ng tubig. By this time, sarado na anmg mga tindahan.


3. Emergency Radio- Mahalaga ang balita.


Kaya nasorpresa ang karamihan sa tsunaming dapat sa Japan ay dahil hindi nila napakinggan ang warning.


4. Balisong or Swiss Knife
Maaring kailanganin sa emergency ang pagputol o pag bukas ng mga bagay na hindi maari ang kamay.


5. First Aid Emergency Kits


Magkaroon ng plano para sa family in case ng disaster kung saan sila pwedeng pumunta para madaling mahanap.


Sa trabaho ko noon ay buwan-buwan may drill kami sa earthquake, sa sunog at sa iba pang kalamidad. May time kami at may lugar kung saan pupunta pagkalabas sa building para madaling maacount ng Disaster Coordinator. Bawa't building ay may parang barangay captain na in charge sa evacuation at paghead count pag nasa safe na kaming lugar. 


Kahit na gaano kaprepared ang mga tao, marami pa rin ang namamatay. Pero at least kaunti na lang ang nalalagas.


Pinaysamerika

No comments: