Advertisement

Sunday, January 02, 2011

Predictions for Show Biz Celebrities, 2010 and 2011

Dear insansapinas,
Talagang mabait ako, ito pa ang request na aking pinagbigyan. Predictions ni Madam Suzette Arandela para sa taong nakalipas at ngaong bagong taon.


Hindi ko siya kilala kasi ang naririnig ko lang noon ay sina Jojo Acuin, Rene Mariano at Madam Auring. Itong huli ang naghula na pakakasal si Pnoy at Shalani pero hindi taong ito. (may naniniwala pa ba sa kaniya? )


Ito ang hula ngayong  2011. 


Dolphy — Malalampasan ang pinagdadaanan nito sa kanyang kalusugan. Magiging maganda rin ang pasok ng pera ngayong taon para sa King of Comedy. (Kahit na hindi kumita ang Father Jejemon?)

“Medyo weak ang kanyang health pero okay pa rin ang taong ito sa kanya, meron akong nakikitang gagaling pa rin siya. Marami pa ring pera ang papasok sa kanya, kung hindi man sa pelikula ay sa ibang areas,” pahayag ni Madam Suzette. (Obvious ba na nakaoxygen? )

2. Sen. Bong Revilla, Jr. — Kailangang mag-ingat ng husto ng senador. “Mag-ingat sa illnesses and Ang ama naman ni Sen. Bong na si Ramon Revilla Sr. ay mananatili na maayos ang kalusugan. “Wala akong nakikitang masamang mangyayari. Mas maganda, alagaan nilang mabuti sa gamot,” dagdag pa ng sikat na consultant.

Piolo Pascual — Hindi magiging ganoon kasuwerte sa taong ito ang ultimate
“Kung noon ay 100% ang kanyang luck, nabawasan ngayong taon. Kailangan talaga na magsikap ulit siya. Napakatahimik niya pagdating sa love life, ang gusto niya private. (O di a ganoon naman talga sha")

“Whatever relationship na nakikita ko sa kanya ay wala pang realization,” ayon pa kay Madam Suzette.

4.Sharon Cuneta — Magiging masuwerte ito sa negosyo pero patuloy na uulanin ng mga kontrobersiya ang Megastar. “Paunlad pa, marami pa siyang investments, payaman pa si Sharon. Marami pa siyang ma-acquire sa business na magbu-boom pa sa kanya. May mga intrigang coming, huwag na lang niyang pansinin,” payo pa ni Madam Suzette. (Siya yata ang naghahanap para mapag-usapan?)

5. Vilma Santos — Magiging masuwerte ang Star For All Seasons ngayong taon sa muli nitong pagsabak sa pelikula. Dapat pag-ingatan ni Ate Vi ang kanyang kalusugan. “Maganda rin ang taon niya for 2011. Kung may plano si Ms. Vilma na mag-pelikula, maganda. Ingatan niya ang kanyang lower part. Prone siya sa U.T.I., may kaunting warning. Mag-ingat siya sa pagkain ng maalat dahil ’yung sakit na ’yun ang nakikita ko,” ayon pa kay Ma­dam Suzette. (Anong sakit ba ang maalat? hek hek hek ) 

6. Nora Aunor — Malaki talaga ang chance na muling magbalik sa Pilipinas ang Superstar ngayong taon. “May tendency na umuwi siya. Once na umuwi siya, gagawa siya ng pelikula kaya lang ang problem, ang pagtanggap ulit ng mga tao sa kanya. Kung gagawa siya ng pelikula ay paghandaang mabuti at ’yung tamang role ang gagawin niya,” dagdag pa ni Madam Suzette. (Kailangan pa bang hulaan yon?)

7. Kris Aquino — Magiging masuwerte naman ang Queen of All Media sa lahat ng aspeto ng kanyang buhay. Tuluyan nang maa-annul ang kasal nila ni James Yap at muling mauugnay si Kris sa isang non-showbiz guy.

“In all areas siya ay very lucky, sa prosperity, sa happiness niya, sa career. Maraming travel akong nakikita. Matutuloy ’yung annulment, maga-grant sa kanilang dalawa. Mai-in love siya this year sa another man, non-showbiz,” pahayag ni Madam Suzette. (Abangan ang susunod na kabanata. Bakit yong isang manghuhula sabi magkakabalikan sila ni James. IBang bituin siguro ang titnitigan).

Narito pa ang ilan sa mga prediksiyon o ang mga nakikita ni Suzette na magaganap ngayong 2011. “Meron akong nakikita na papanaw na isang director at isang female celebrity, na bata pa, through accident. May nakikita rin akong veteran actress na papanaw dahil sa sakit. Merong mabubuntis na batang-bata na sikat at talagang pag-uusapan ito. Walang kasalang magaganap if ever mabuntis,” pahabol pa ng psychic.— 
Ganito rin ang hula niya last year.


Year 2010


On showbizness:
Madame Suzette Arandela predicted that there will be two more deaths, unplanned pregnancies and a possible accident  that will affect showbizness before theyear ends.
May pagluluksa. Isang veteran actor and actress ang mamamatay at kung hindi mag-iingat ang isang young star ay mauulit ang isang car accident at maaaring ikamatay nito,” she said.
There will be another young actress who will get pregnant,she sadly prophesized. “May mabubuntis na mga young stars at may biglaang secret weddings sa dalawang adult stars,” she said.
Local filmmakers will still focus on horror and comedy but drama and action will also start earning  at the tills. Filipino actors and filmmakers, according to her, will be recognized in international film festivals.
Love teams will still continue to dominate the scene with the bankable love partners in Angel Locsin and Sam Milby, Judy Ann Santos and Ryan Agoncillo, John Lloyd Cruz and Sarah Geronimo, Kim Chiu and Gerald Anderson, Rhian Ramos and Richard Gutierrez, Kris Bernal and Aljur Abrenica and Marian Rivera and Dingdong Dantes. (naghiwahiwalay na yata ang mga love team na ito).
Pero may mga bagong mukha na sisikat bago matapos ang taon at maaring mahigitan pa ang kasikatan ng iba

,” Madam Suzette said, singling out Carla Abellana.

Source:Boy Villasanta, abs-cbnNEWS.com

Pinaysaamerika

2 comments:

biyay said...

ibig sabihin, di pa rin kami magkakakilala ni papa piolo ngayong taon? di naman nabasa ni santa sulat ko!

cathy said...

biyay,
sabi nga ni kris kay ai-ai. Asa ka pa. hekhekhek