Advertisement

Friday, January 07, 2011

Careful What you wish for -Appointment with Destiny Part 1

Dear insansapinas,

"Gusto mo nang mag-communion?" tanong ng pastoral care representative ng  hospital. Sabi ko , I can't. I am a Catholic but not a good practising one. Ang isip ko baka bigla na lang akong magliyab. (hindi rin nakatiis maging seryoso). It's been years that I have not gone to confession mula sa minor kong mga kasalanan tulad ng pagkain ng raspberry pie na baon ng kaopisina ko na ninakaw ko sa fridge namin, (yum)  hanggang sa major major na kasalanang magmahal ng right person at the wrong time. Don't ask, I won't tell. Dumating kasi ng late eh. Dapat ala-una. Nag-pasakal ako ng alas tres; dumating alas kuwatro. Tama ba naman yon. Sapagkat ako ay pusa lamang...For the Good times. la la la. Pasensiya may overload ako ng regulated meds sa painkiller. Kung di ninyo ,maintindihan talagang sinadya po yon.


Anyway, pinadalhan ako ng pari noong lay apostle (Kulit talaga), kaya amidst doon sa nag-aargue na roommate from hell(Tatalakayin ko siya, maghintay kayo), ibinuhos ko ang lahat kong kasalanan  doon sa pari. Muntik na siyang hindi makatayo sa bigat at dami. heh heh heh. 


Magsasabi sana ako na, "Now I can die peacefully pero di ko sasabihin. " Nagkaleksyon na ako. Careful what you wish for. Tingnan mo noong ginagawa kong araw ang gabi at ang gabi ay araw, wish ko wala na akong gagawin kung hindi matulog ng late at gumising ng tanghali. Biglang akong semi-retired. bohohohoho. Anyway.


Mahaba itong istorya ko kaya maupo kayo.


Admitted ako sa hospital noong Wednesday. 10:00 ang appointment pero 8:30 pa lang nandoon na kami sa registration kung saan bibigyan ka ng ID bracelet para pag nawala ka sa laki ng ospital na yon, alam kung sino ka. Palpak kaagad. Di mascan and laminated bracelet na may mga bar codes.  Kasi kailangan yon pag may mga procedures kagaya ng kukunan ka ng blood pressure, yada yada..para siguradong pumupunta sa databank nila ang tamang pangalan at date of birth. Sus, sa dami ng mga pangalang banyaga dito, ang hirap ispelin pag tinanong. Pero despite the bracelet, every time lalapit saiyo ang hospital staff kahit ilang araw mo ng kasa-kasama at timba -timba ng dugo ang nakuha saiyo tatanungin ka pa rin ng iyong name at DOB.


Minsan tulog ako at niyugyog ako noong nursing assistant (clinic technician, tawag nila) bigla akong sagot ng Angelina Jolie at ang DOB na Feb 31, 1960. Corniko.


Alas nuwebe, piniprep na ako noong nurse para sa surgery. Binigyan ako ng hospital gown. Yong para kang ai Mother Theresa sa harapan dahil covered ka mula leeg pero pagtalikod mo naman para kang pole dancer, kita ang pisngi ng poet. eksyus me sa mga virgin ang minds.   Pinahubad sa akin lahat (blush blush blush ) except yong aking diabetic socks.Tapos kinabitan ako ng mga IV tubes kaya nagmukhang may octopus na nakasabit sa aking kamay. Nakita ng kapatid ko na hinawakan ang aking paa at sinulatan. Tinanong ako kung ano yon. Di ko naman makita ang aking paa. Tinanong niya ang nurse; kinunan daw ako ng pulso doon sa aking paa. May ganoon ?


Bago iginulong ang gurney, tinambakan ako ng sangkatutak na blanket. At nagsimula na ang biyahe. First stop namin ay sa isang surgery room kung saan, may malaking makinang hawig ay copier. Inilipat ako from the gurney at sa bed sa ilalim nito, "Cinopy siguro ako". Nagflash eh. Nakalimutan kong ngumiti.  Sunod ay isinailalim na naman ako ng Catscan, breathe in, breathe out. Niretrato na naman ang lamang loob ko. Sus. Masyadong overphotographed na. 

Sunod, dinala naman nila ako sa isa pang surgery room kung saan, itinali ang aking kamay at pati raw paa. Sabi noong isang doctor, kung may makati raw, sabihin ko sa kaniya dahil siya ang highest paid scratcher. OO nga naman libo ang bayad, para lang kamutin ang pasyenteng hindi makagalaw. Groggy na ako. Tumatalab na ang sedative pero walang sedation para ako makatulog. Kailangan daw kasi conscious ako sa procedure. TORTURERs.


Last stop namin ay sa operating room na talaga kung saan nakangiti ang team ng doctors na pinangungunahan ng pogi kong doctor na Italiani spaghetti. Ang mga ngiti nila ay para bang nagbabadya ng HUMANDA KA. Ngiii.At naramdaman ko ang paghiwa sa aking balat. Toinkkk. Ano bang gising-gising diyan.


Abangan ang roommate from hell, multo in bed, patient from hell at ibapa.


Pinaysaamerika

No comments: