Ang balita.
CALIFORNIA, United States—The balikbayan box industry is facing a huge challenge this year as Department of Homeland Security (DHS) ordered the inspection of every container of balikbayan boxes before being loaded onto ships.
This mandatory inspection of all containers will surely affect the industry. Since DHS has pegged the cost of the inspection at $2,400 per container, balikbayan box forwarders have to charge customers more for shipping and delivery. And the inspection, which lasts about two to three weeks, will naturally delay the arrival of the balikbayan boxes in the Philippines.
Before the slowdown, it took around 24 days from the time the box is received in the forwarder’s warehouse until it is delivered to the door of the beneficiary in Metro Manila. Now it can take up to 35 days.
Hindi ka Overseas Filipino kung hindi nakapagpadala ng balikbayan box sa Pilipinas, Kay Ganda, Koh. Tatak Pinoy na yan. Naalala ko noon, galing ako sa California at balak tumira sa Boston, may dala akong suitcases at isang balikbayan box. Noon ang kapanahunan na hindi pa sila mahigpit sa bagahe at ang allowed
luggage ay tatlo for check-in sa domestic airport. Muntik kong dalhin yong aming bath tub.
Sabi noong ground personnel, you are a Filipinow. So? Ngumiti siya. Ngiting nakakaloko lang naman.
Nang bumalik ako sa California, dumaan ako sa New Jersey sa aking isang kaklase sa MBA. Nang sinundo niya ako sa airport, biniro din niya ako sa dala kong balikbayan box.Halatadong bagong salta ako. Toinkkk
Sa California, cut throat competition ang balikbayan box companies. Libre na pick-up, minsan may paraffle pa. *heh* o kaya send three for a price of three. May tawaran pa yan ha.
Pag malapit na ang Pasko, kailangang October pa lang napapick-up mo na ang iyong mga balikbayan boxes para sa Pasko sa Pilipinas, Kay Ganda Koh.
Ang mga ugali ng ibang Pinoy, bago magbalikbayan, ipinadadala na ang mga pasalubong at mga delata sa boxes para kaunti na lang ang dala nila.
Walang limit kasi sa timbang pag balikbayan box.
Yong naikuwento ko na noon, dati-rati, may dala siyang balikbayan box pauwi. Overweight siya kasi hanggang 70 lbs lang ang alowed sa isang luggage.
So mismo sa airport, binawasan nila ang laman. Inilagay noong nanay sa bulsa ang mga delata (noon hindi pa mahigpit sa airport pero meron ng metal sensor.
Pagdaan niya sa sensor, biglang nagbeep. Labas niya lahat yong delata. Sabi noong anak, she's not my mother. Ang Hudas. hehehe
Ako nagdala rin ng balikbayan noon. Mga corned beef ang laman.
Leechzee, yon din ang pinakain sa akin. Corned beef sa umaga, corned beef sa tanghali atcorned beef sa gabi. Isinumpa ko ang baka na nasa loob ng lata. TSEH.
Pinaysaamerika
No comments:
Post a Comment