Advertisement

Friday, January 21, 2011

The Face that Launched a Thousand Smiles

Dear insansapinas,
Personal:


Mahirap talaga pagka"date" mo ay doctor. Meron kang exact hour of appointment at kung siya ay specialista...wala kayong privacy, dadaan ka muna sa kaniyang mga " barangay tanod...nurse at physician assistant.


Kahapon ay appointment ko para sa evaluation ng " procedure" na ginawa nila sa akin noong first week of January. Last Monday, kinunan na ako ng blood works at pinadala sa kanila ang resulta.


Nag-arrange ako ng ride. Swerte ko, mabait yong driver, pero pagbalik ko, hindi na siya ang sumundo kung hindi  yong dating driver na nagkawala-wala kami nang hinatid niya ako last year sa aking appointment, ang dumating. Pero ngayon, marunong na siya. Naalala niya ako ng makita niya yong mailbox. Ah the lady in front the mail box. Naalala niya. Saka siya ngumiti.


Ang physician assistant ay may problema sa throat niya kaya para kaming pipi at bingi na nag-usap. Hahahaha. 


Tapos tinawag niya ang aking doctor na specialista...si Pogi, Italiani, Spaghetti. Nakangiti siya. Okay daw ang resulta sa blood works. MAY DUGO PA RAW AKONG NATITIRA.  mwahahaha.


Para makita pa ang progress nang ginagawa nila at ano pa ang gagawin (minus liver transplant na ginawa kay Steve Jobs ng Apple Computer, dahil ako ay tumanggi) ako ay pinaschedule for MRI. Sus, para na naman akong turkey na ipapasok sa oven. 


At least si Steve Jobs marami pang ma-icontribute sa madlang people kaya okay lang na magdecide siyang magpaliver transplant. Ako naman karaniwang tao lang (prrrrssst) so ang  years or so extension ay di na masyadong makakatulong. 


Wala pang isang oras ang appointment, kasama na ang mga schedules sa susunod na appointment so, ang tagal pang hihintayin ko sa aking ride. Mahigit isang oras pa.


Nabasa ko na yata lahat ng mags na nasa waiting room, Economist, New Yorkers, National Geographic, wala, thirty minutes lang ang dumaan.


So labas ako doon sa waiting area para sa pick-up ng mga out-of patients or mga dumarating na mga pasyente.


Isa lang ang upuan. Kung kamag-anak mo sa Palitto (SLN) tatlo ang magkakasya. Kapag mga babaeng tinatawag na "bearer of the race" aka
malalaki ang powet, dalawa lang puno na.


Tahimik akong naupo at tinitingnan ang isang lalagyan may sign na "dress the umbrella". Akala ko bagong fashion kagaya ng dress your pet, yon pala plastic  na isusuot mo ang dripping umbrella para hindi mabasa ang floor. Simple but brilliant idea. Parang gusto kong kumuha ng isa. Kaya lang nahiya ako dahil hindi naman umuulan at wala naman akong umbrella. Acheche 



May dumaang malaking babaeng itim. May kausap siya sa mobile niya. Tumingin siya sa bakanteng lugar nang inuupuan ko. Oh no. 
Bigla siyang umupo na para bang wala ako doon. Natabunan ako mga kabarangay. At wala siyang pakialam. May dumaang isang babae, nangiti siya sa akin. Siguro sa expression ng mukha ko. hahaha.


May dumaang mag-ama. Yong matandang lalaki kumaway sa akin at ngumiti. Sa isip ko, ano kaya ang hitsura ko at sila ay nakangiti sa akin? bwahaha.


May dumaang three generations; ang lola, ang mommy at ang baby na nakasakay sa kaniyang stroller. Tumingin ang baby sa akin. Ngumiti. Aw. Sinundan ng mata ng mother at ako ang nakita. Ngumiti rin. Aw. 
Tumingin din ang lola, ngumiti rin. Aw.


Mukha kaya akong clown. Wala naman akong make-up. Hindi ko naman suot ang aking shades para mapagkamalan nila akong si Angelina Jolie. Pak pak pak (sampal ang sarili) 


O masyadong nakakatawa ang aking posisyon na naiipit ng malaking babae sa upuan. 


Pagdating sa bahay, tiningnan ko ang aking sarili. Aw. Maganda pa rin. 
Toinkkk. Tapos nakatulog ako sa pagod. 


Pinaysaamerika

No comments: