Hindi muna ako nagbasa ng balita after lumabas sa ospital. Dapat nga pala nagbasa ako para magnormal ang aking blood pressure. Sabi ng aking kaibigan na asawa ng nurse, sa bp kung iyon, I should have been unconscious dahil sudden drop. Naniniwala na siyang masamang damo talaga.
Tax Amnesty
Naiinis ako sa retrato ni Richard Gomez na nakabungisngis pa habang pinag-uusapan ang kaniyang tax evasion case. Diyan lang sa Pinas ang walang nabibilanggong mga tax evaders. Ang nakakainis pa nito, panay ang takbo niya (hindi naman manalo) sa elective position samantalang siya ang law breaker. SUS.
Sa showbiz talkshow na StarTalk TX nitong Sabado, sinabing three years ago ay nagbigay din ng pahayag ang BIR na nagsasabing hindi kuwalipikado si Richard na mag-avail ng tax amnesty.
Ngunit sa panayam kay Richard, sinabi nito na naaprubahan ang kanyang petisyon sa tax amnesty at kailangan na lamang suriin ng DOJ ang merito ng kanyang petisyon.
"Bilang Pinay, I'm still very conservative kahit pa lumaki ako sa Amerika. Ayoko naman na gawin ng mga anak ko iyon, knock on wood, one day. So for me, it's just not right," sabi ng actress-host.
No comments:
Post a Comment