Dear insansapinas,
Noong salad (salad days, silly) pa ang kinakain ko nang makapasa ako ng CPA sa Pilipinas, Kay Ganda Koh, sa murang edad (may tawad eh), naging Chief Accountant na ako. Ahem. Akala nila porke bata pa ako, hindi ko makikita ang kanilang mga illegal na ginagawa at maging parte noon.
Hindi nila alam meron akong invisible cape as superheroine, ipinagtatanggol ang mga naapi.( sandali naghahallucinate na naman ako). In short umalis ako sa kumpaniyang yon. Buhay pa ang mga pulitikong involved doon.
Napunta naman ako sa isang kumpaniya na ginawa kaagad akong Assistant to the President. Hanep na title. Pero ang sweldo, however. Yon bang bibigyan ka ng mga Duties and Responsibilities however your compensation is blah blah blah.
Hindi ako tumagal doon mga kabarangay. Kasi binabawasan nila ang mga empleyado (ang dami nila kasi may factory pa) aside from yong manufacturing ng transformers, (hindi yong mga robots, silly) yong mga ginagamit sa kuryente pero hindi sila nagreremit sa SSS. Tinangka kung i-correct yon pero tuwing isa-submit ko sa presidente ang forms at ang voucher for payment, inuupuan niya. Ibig sabihin ayaw niya.
Biruin mong injustice sa mga empleyado yon. Parang ninakawan na sila sa mga deductions sa kanila, hindi pa nagbayad ng corresponding share ang employer kaya walang mahihita ang mga empleyado pag sila nagretire, nagkasakit o gustong mangutang sa SSS. Haynaku, iniwanan ko nga sila. Kesehodang hinabol-habol nila ako.
Kaya masisisi ba ninyo kung magmenopausal bitch na naman ako dahil sa balitang ito.
The Social Security System (SSS) has filed charges against the parents of former celebrity doctor Hayden Kho Jr. and other officers of a business company which allegedly failed to remit its workers’ contributions to the agency totaling more than P843,000.
In an affidavit submitted on Friday to the Quezon City Prosecutor’s Office, the SSS accused Holy Face Cell Corp. which is based in Marikina City of violating the 1997 Social Security Act.
The complaint did not indicate what kind of business the firm was involved in although a web site which listed the company’s address indicated that it
Pinaysaamerika
No comments:
Post a Comment