Pacquiao
Sa mga alamat, para maabot ang isang minimithi, kailangang akyatin ang pitong bundok, languyin ang pitong dagat at lahat ng pito-pito. Pwedeng uminom pa ng pito-pitong dahon na ngayon ay pinaghihiwa-hiwalay na at pinagkakitaan pa rin.
Si Manny Pacquiao ay nakapasa na sa mga pagsubok na yan. Nalampasan niya na ang ikapitong bundok. Nasa ikawalo na siya. Ikawalong champion title na.
Nguni't hindi ang pagiging champion ang hinangaan ko sa kaniya kung hindi ang pagbigay niya ng malaking pag-alala sa kalagayan ni Margarito nang pilit pang ipinagpatuloy ang laban ng kaniyang trainer at promoter kahit ito ay halos bulag na. Kung siguro si Manny ang nasa ganoong kalagayan, baka sinamantala na siyang patumbahin.
Shalani
Si Shalani at dumaraan din sa pagsubok. Pagsubok ng katatagan ng kaniyang pagkatao; sa sunod-sunod na paglabas ng masasamang balita tungkol sa kaniya at pagtanggap niya na makasama sa Willing Willie, lalong naiinis sa kaniya ang marahil isang nilalang na siya ay kinamumuhian.
Lumabas na rin ang blind item na siya nga ang tinutukoy na kinilala na ng kaniyang ama.
SHALANI'S BIOLOGICAL FATHER. Kinumusta rin kay Shalani ang pagkikita nila ng kanyang biological father na si Adolfo "Adi" Aguirre, dating chairman ng Banco Filipino.Isa pang tsismis ay pagkakaroon niya ng anak sa pagkadalaga. Para sa akin ay hindi dapat husgahan ang pagkakaroon ng anak sa pagkadalaga.
Three months old pa lang noon si Shalani nang huli siyang makita ng tunay na ama. Thirty years old na ngayon ang konsehala ng Valenzuela.
Marami ang batang-bata pa ay umiibig at pagkakamali. Sa isang pagkakamali, marahil ay maaring sabihin dahil sa bugso ng kabataan. Sa ikalawang pagkakamali ay marahil sa hangad na makaahon, pero kung iba-iba na ang ama, ay sumusobra ka na. Ha. O eto palo sa puwet.
Pero kahit na ganoon ang pinagdaanan niya ay hindi nakapagpigil sa kaniya para gumawa siya ng paraan para siya ay magkaroon ng sariling lugar sa kaniyang lalawigan.
At kung siya ay kikita ng milyones sa Willing Willie, pakialam ng marami. At kung siya ay tatakbo sa mas mataas na puwesto sa gobyerno, sino ang makakapagpigil. Tayo ang gumagawa ng kapalaran natin. Pag nakinig tayo sa mga masasamang sinasabi sa atin, tayo rin ang mawawalan.
Pinaysaamerika
No comments:
Post a Comment