photocredit:MSNBC Haynaku moment 1
Sa isang diyaryo, interest pa lang, sa another diyaryo, date na at sa isang diyaryo, ikakasal na. HAHAHAHA. Sensiya na kayo, nakaamoy ako ng laughing gas.
Ito nabasa ko rin:
Nagkomento rin si Pres. Noynoy sa sinabi Boy Abunda, malapit sa mga Aquino, na nakatakdang ianunsiyo ang sitwasyon nila ni Liz sa darating na mga araw.Taray.
“Well, hindi ko siya spokesman in this case,” mabilis nitong sagot.
If I know parang may naglalaro lang ng David Blaine. Yong magician. Ang magician kasi, ididivert ang attention mo para di mo mapansin na ang mga baraha pala ay inipit lang sa kaniyang mga palad. Kung baga sa Tagalog, usok at salamin.
Haynaku moment 2
Sa pabalik-balik ko sa aking doctor, may naririnig akong palaging ingit ng bata doon sa unang bahagi ng reception area. Ito ang may main door at closet para sa mga jacket ng pasyente. Ang ikalawang bahagi ay kung saan may mga upuan para hintayan ng tawag ng kani-kanilang doctor.
Ngayon ko lang narinig na ang ingit pa lang yon ay gawa ng pinto na marahil ay kulang sa langis. Makpagdala ng olive oil. Toinkk.
Haynaku moment 3
Nagpapalit ako ng aking thermals para pumunta sa doctor ng tumawag ang aking kaibigan. Pagkatapos naming mag-usap, tuloy ang aking pagbihis. Bago ang aking thermals, binili ng aking kapatid kahapon. May presyo pa na inaalis ko habang nakikipag-usap ako sa phone. $ 10.99 ang pang-itaas at 10.99 din ang pambaba.
Pagdating ko sa doctor ay nag-sign-in ako. Pagka-upo ko sabi noong aking katabing babae, you're cheap. Dumilim ang aking paningin. Anong akala niya sa akin, basta-basta lang. Hoy, mahal ito.
Tapos inabot niya sa akin yong price tag na nakadikit sa aking likod. $ 10.99. Boinkkk
Haynaku moment 4
Habang naghihintay, ako naman ang nagpeople watching sa mga nagsasign-in. Isang babae ang tumapat sa akin. Itim ang kaniyang jacket. Hinanap ko ang kasama niyang pusa. Puno kasi ng balahibo yong jacket niya eh. Aghhh.
Haynaku moment 5
Isang matanda ang dumating. All black siya. May pearls siya na choker at hikaw. Maganda ang kaniyang suot. Pabilog ang kaniyang panlamig na parang binutasan lang para maisuot sa ulo. May mga pileges din na nakapaligid dito.
Feeling ko mayroon na kasi akong table cover, kailangan ko na lang nga isang round table, isang kandelabra, isang glass of wine,
Pintaserako. (Ito ang sa akin, sampal, suntok ala Manny Pacquaio, pero at least the wine should not suck).
Pinaysaamerika
No comments:
Post a Comment