Noong ako ay consultant sa isang semi-con, (talagang consultant kasi ang iba pa kasing ibig sabihin ng consultant ay:
1. wala akong full time na trabaho-panglagay lang sa resume
2. para masabing expert
3. para makakubra ng malaking fee sa mga gobyerno na naghahanap ng ghost payees ng mga budget sa consultancy fees.
Ahoy.
Balik tayo sa aking topic. Masyadong mataas ang middle manager-turnoover namin noon kasi may piracy. Hindi yong mga DVD kung hindi yong aming mga engineers, sups at mga operators ay pinapirate ng mga kakumpetensiya sa industry na ayaw gumastos sa training. Samantalang kami ay may mga in-house seminar at mga coaching ng aming mga ginugroom na maging execs. May mga seminars din kami at mga meetings na ginaganap sa mga hotels, kung saan ang mgas expats namin ay nakachecked-in pag sila ay nasa bansa.
Anong relasyon nito sa aking title. Eto, Birhinya, cool ka lang, darating tayo diyan. Maingat lang akong magdiscuss dahil ayokong mamisinterpret. Ibibigay ko sainyo ang paghusga, para bang BAKIT JUDGE ba kayo. Whhhhhoooops. Sorry.
May meeting kami noon sa mga Kano na execs sa MH. Isang sup namin na ginugroom maging VP ang nasa production area pa nang ipaalala ko na late na siya. So ang pobreng engineer ay diretso na sa MH na ang suot ay karaniwang work clothes. Yong blue jeans niya at mamahalin namang shirt.
Sa lobby ay hinarang ang aming engineer at sinabing hindi siya nakaproper attire. Hindi naman siya pinauwi. Pero binigyan siya ng barong na masusuot. Sobrang laki raw ng barong sa kaniya kaya nagmukha siyang nagdiet ng isang taon.
Ito ang istorya sa isang batang aide ng Congressman na naka G-string nang mag-attend ng lecture ni Clinton.
BAGUIO CITY—A teenager from Sagada town, Mountain Province almost did not get a return for the “good money” that was paid to listen to former United States President Bill Clinton’s lecture at the Manila Hotel on “our common humanity” because he was wearing an Igorot G-string. Moshe Dacmeg, 19, was almost thrown out of the hotel’s conference hall on Wednesday by an unidentified American and two hotel employees who regarded his Kankanaey G-string attire as inappropriate.Hindi ako magcocomment pero meron akong mga tanong:
Dacleg is an aide of Vladimir Cayabas, administrator of the Baguio-based National Institute of Information Technology (NIIT), who spent P6,000 to bring the boy and a friend to the lecture.
1. Kailangan ba talagang pumunta siya roon ng ganoon ang suot?
2. Air-conditioned ang lugar, hindi kaya malamig sa kaniya yon?
3. Ang mga hotel ay may sariling dress code para naman protektahan ang kanilang mga nagbabayad na mga clientele, hindi ba maari itong gamitin sa pagtanggap ng mga taong ibig pumasok sa hotel nila.
4. hindi kaya mas magaling kung naabisuhan ang party ni Clinton sa ganoong klaseng pananamit dahil hindi naman natin ineexpect na alam lahat ng tao ang ating iba't ibang kultura?
5. meron bang gustong patunayan ang nag-isip nito?
Yan lang po. FYI.
Meron pa akong exper yensiya noon na may sumusunod sa aking istudyante na nakalagok yata ng love potion...HAHAHAHA ,naging HIBANG. Talaga namang iniistalk ako. Minsan sa pagsunod niya, pumasok ako sa isang five star hotel. Dahil siya ay hindi nakasuot ng appropriate na damit, sinita siya ng guardiya.
Pinaysaamerika
No comments:
Post a Comment