Advertisement

Wednesday, November 17, 2010

Dancing with the Stars Semi-Finals Elimination Sucks

Dear insansapinas,

Gumagawa ako ng will kagabi. Gumawa na ako noon pero nadagdagan ng $ 1.99 ang aking kayamanan. Ploinkkk. Nang iaannounce sa Dancing with the Stars na ang SAFE si Bristol Palin (Bristol Palin who? ) Siya yong anak ni Sarah Palin na teenager nang mabuntis at nang nagsplit sila ng kaniyang boyfriend ay naging anti-teen pregnancy advocate. (Kuno). 

Nahinto ako sa pagtatype. Bumagsak ang aking jaw kagaya ni Derek Hough.v Kinailangan ko ang mini-crane para ibalik sa dati.


Ang naeliminate ay si BRANDY, isang magaling na singer at siya ang first black actress na gumanap na Cinderella. Perfect ang score nila ni Maksim na ma katarayan din pero mababa ang score mula sa viewers daw. Expected ko na. Buong Alaska ba naman ang bumoto kay Bristol.


Well, popularity contest naman kasi but at the same time, dapat magaling din ang manalo. Si Bristol naman, trying hard talaga pero talaga namang nagkakandahirap siyang maging graceful. Para siyang tuod.(Huminto kang mamintas, ha. yuk yuk yuk)



Gusto kong manalo yong anak ni Joel Grey na si Jennifer. Perfect din ang score niya pero popular si Kyle, yong batang bida noon sa It is So Raven. 


Pinaysaamerika

2 comments:

lechon said...

the TEA Party was able to find out how to manipulate the votes, one guy shoot his tv set after seeing Bristol dance, Bristol's sister Willow is creating a buzz with her comments. Sarah to run as President

cathy said...

pag pulitika talaga pumasok, lagot ang entertainment, mas nakakaaliw na nakakainis.