Advertisement

Monday, November 29, 2010

Do you remember your first job?

Dear insansapinas,


Ang ampon ng aking kaibigan ay kailangang umuwi ng Pilipinas (Kay Gandah) para kumuha ng licensing exam sa Pharmacy. Requirement kasi  yon para siya makakuha ng State Board Exam dito. Aside from that, kailangan pa niyang kumuha ng mga additional subjects, Six years ang Pharmacy degree dito. Immigrant  siya at lumipad siya kaagad pagkagraduate niya sa Pilipinas. Limang taon lang yata doon. 


Hindi kagaya ng Nursing degree na considered as Bachelor's degree, ang pagiging parmasyutika ay iba. Kailangan pa niyang mag-on the job training. Maging familiar sa nga gamot. 


Yon namang kapatid ng aking kaibigan na nagtapos ng Nursing pero wala pang lisensiya ay nagkaroon ng trabaho as substitute teacher for special ed students. Immigrant din siya. Petition ng kaniyang nanay. Hindi regular ang kaniyang trabaho pero wala naman kasi siyang nursing experience kahit sa Pilipinas.


Kung hindi sila immigrant hindi sila makakarating dito kung working visa lang. Para magqualify sa Working visa, kailangan impressive ang iyong resume related sa inaapplyan mo. Kaya yong mga sinasabi ng iba na kailangang munang manilbihan ang mga grumaduate sa Pinas particularly yong mga Isko ng Bayan, talagang hindi sila makakaalis pagkagraduate dahil kailangan nila ang magkaroon ng work experience kahit at least one year. The more years of experience, the MANIER. (ploink).


Kaya pagkatapos masunog ng kilay (o kay magbunot ng kilay) sagsag na sa pag-aapply. Una, mapili pa eh lalo pag mataas ang mga grades. Di nila narerealize, sa sangkatutak na nag-aapply, hindi mapapansin ang transcript nila kung hindi talaga nila paghiyawan na sila ay matalino. (hingal).


So sa kalaunan, tatanggapin na lang ang trabahong unang  dumating. Sa first job, ang babait pa nila. Sila ang tagatakbo, tagabili ng pagkain ng mga senior employees. Pag may dumating na bago, pag sinuswerte pwede ng ipamana ang trabahong yon. Pero minsan pag ang bagong dating ay kamag-anak ng big boss o ng may-ari ng kumpanya at inilagay lang doon para naman masabing nagtrabaho siya, nadagdagan na ang master na sisilbihan.


Ako kahit dumaan sa ganoong phase, hindi ko naging ugali ang magpabili ng pagkain sa mga bagong probie.
Lagyan pa nila ng hindi kanais-nais ang pagkaing ipinabibili. Wala akong sinabing ginawa ko. he he he he (ngising aso).



Karamihan siguro sa mga nasa gobyerno ngayon ay nagtrabaho sa mga kumpaniya ng kanlang kakilala, kaibigan ng pamilya o mga government offices kung saan wala pa naman special talent na kailangan. 


Kaya pag nagkaroon ng krisis, hindi nila alam ang gagawin. 


Batuhan na ng coke at meryenda.


Pinaysaamerika

No comments: