Advertisement

Saturday, January 30, 2010

The Ano Ba Yan Moments

Dear insansapinas,
Tawag ako sa isang kapitbahay sa Pinas. Nabalitaan ko kasi tatlong beses nastroke and kaniyang asawa. 

Wala siya. Ang sumagot ang asawa niyang lalaki. So, siya ang nagkuwento kung ano ang nangyari. Ang kapitbahay kong babae ay nag-oopisina kaya wala siya sa bahay pag ganoong oras. Tamang tama naman ay may dumating akong bisita kaya excusa me muna ako sa phone at sabi ko tatawag na lang ako.


Pagtawag ko ng after lunch, busy ang phone. Tumawag ako sa kaitbahay ko na kapitbahay nila. Busy rin ang phone. Sa isip ko nag-iistrike ba sila sa akin?


Kinabukasan, tumawag ako ng maaga. Nakasagot yong kapitbahay kong babae. Tinanong ko kung bakit busy yata ang phone. Sabi niya hi-nang daw ng asawa niya kasi ayaw daw  magpatawag. Ngayon nga lang daw ginawa na para bang may iniwasan. ARAY. Huling usapan namin, tsinitsismis niya yong kumpare niya na nahuling may isa pang asawa.


Sunod na araw nakausap ko yong kapitbahay nila. Tinanong ko kung bakit busy ang phone nila sa ganoong oras. 


Sabi niya, sira raw ang linya ng buong lugar nila. TOINKKK

Wala naman akong alam na ikagagalit ng aking kapitbahay sa akin. Ang alam ko noon ay nagseselos siya sa akin na maling akala dahil yong asawa niya, ang kulakadidang ay ang katulong nila. TOINKK
Pinalayas pa nga niya noong nabuntis. Tsismis ko talaga. Toinkk.


Sinabi yon sa akin noong kaibigan naming namatay na  nagseselos nga raw sa akin. Magkakasama naman kami sa grupo. Husme, ako ba naman na may pusong bato at hindi matinag ng basta basta at ang panay alibi ko na pag ako nag-asawa ulit ay blonde at blue eyes, pagseselosan pa. *heh*


Matagal na yon at ngayon ay nadagdagan na ang sukat ng baywang ng aking pantalon, hindi rin ako umuuwi sa lugar naming iyon, bakit mayroon pa siyang ganoong insecure feelings. 


Hanubayan.

 
photocredti: Budget Travel
Pinaysamerika

2 comments:

biyay said...

baka raw kasi i-petition mo ang asawa nya. hahaha

cathy said...

biyay,
tatlong beses nang naistroke kaya apektado na ang pagsasalita at paglalakad. Nanggaling na rin dito sa States yon, nagpaksal sa isang Latina for convenience na pinayagan naman niya. Umuwi rin kasi wala naman makuhang disenteng trabaho.

Noong iniwanan siya, sa ibang babae naman umuwi. Na iba naman. kaya scratch ang aking ulo, bakit ako? Hindi naman ako kaladkarin kung hindi lang sa kainan. hehehe