Advertisement

Wednesday, January 06, 2010

Pictures tell stories

Dear insansapinas,
Ninakaw ko ito kay polo. Naalala ko ang bahay ng aking pinsan sa aming baryo. Malaki nga lang ang solar noon kaya nga panay ang punta namin doon para mamitas ng santol, bayabas at saka suha. Pero iyong bakod na yan ang nagpaalala sa akin kung gaano ako kabigat noon. Dahil hindi pa ako makaabot sa harang, kailangang kargahin ako ng aking pinsan. Nagkakahigit ang litid niya. Sabi niya kailangan daw matalian ako para hindi nakakawala sa kusina. Minsan sinubukan kong tumawid sa harang, nagawa ko naman. WAGI. 
Una nga lang ang ulo. bwahahah.


photocredit: Paulding.blogspot.com
Hindi naman ganiyan ang damit namin anoh. Circa 1930 yata ito sa Pandacan. Biruin mo bata pa nakasaya na. Ang init siguro noon. Pero hindi pa naman siguro polluted ang Pandacan.


Picture 2


Nakita natin yong squirrel na nagpapicture doon sa isa kong post. Ngayon naman ay seal ang nang-aagaw ng eksena sa mga madre eheste penguin na may group picture.


photocredit: here

Ito naman ang version ng Filipino pagdating sa mga picture picture.



photocredit: Felmar's Missionary

O di va tama si Father. Tayong mga Pinoy mahilig sumama sa picture na linalagyan ng sungay ang nasa harapan natin. 

Picture 3 

photocredit:MSNBC

Naalala ko noon pag baha sa Sampaloc. Nakalilis ang mga palda ng uniforme ng mga istudyante sa UST at St. Jude.

Tuwang-tuwang nanonood yong kapatid ng isa sa mga housemates namin. Nakapanungaw siya sa bintana.

Pinaysaamerika 

4 comments:

Twilight Zone said...

hahaha ytalagang nakasaya eh,siguro
nagsuot lang ng saya kasi nga magkokodakan.
alam mo mam,palibhasa e sa manila na kami nagsilaki,kaya
talagang sabik ako sa probinsya,ang gusto kong probinsya e yung parang ganyan sa picture,yung bahay e puro kahoy
tapos napapaligiran ng mga puno.

kaso e di pipwede sa mga batang nagaaral lalo na pag college,unless talagang magreretire kana,kaso wala na yatang ganyan satin na probinsya,
pati mga barrio e crowded nat polluted kasi nga e naaabot na ng mga sasakyan at dina kalesa gamit.

Twilight Zone said...

tawa ko ng tawa dun sa seal na biglang umeksena hahaha.

yan namang sungayan e usung uso talaga yan nung araw hahaha
maguunahan sa likod pumwesto para lang makalagay ng sungay,
ako palaging nasusungayan ayan tuloy,nahipan ng hangin tinubuan tuloy ako hahaha.

hahahaha oo nga yung espanya papuntang UST grabe baha dyan,
kaya nga naiinis ako nun (sa laong laan pa kami) kasi sa trabajo pa ang palengke e kadiri pag nagbaha at nagputik kaya palaging my bota na suot hahaha.

cathy said...

baka sa barrio namin ay ganiyan pa kasi island yon. isa lang ang daan at walo lang ang bahay na magkakalayo pa.

doon naman sa barrio ng aking pater ay isla rin. ang nakatira naman doon ay lima. lahat kamag-anak. mostly ang producto nila ay isda at niyog.

kaya naman mamatay ka sa lungkot.

pag wala kang bangka, di ka makakapunta sa palengke.

pag walang motorboat na dumaong, di ka makakapunta sa sibilisasyon.

kaya karaniwan ang mga bata ay nag-aaral sa siyudad, nakikitira o nagdodorm.

cathy said...

natira rin kami sa laong laan. ang palengke namin ay sa trabajo. pag bumaha, mura ang bangus na maliliit. umaapaw daw ang mga palaisdaan.

kaya lumipat kami sa quezon city.