Advertisement
Saturday, January 23, 2010
Old School
Dear insansapinas,
We always say that our parents belonged to the old school. To the young generations, we belong to the same old school.
I was raised when there were not so many distractions yet available to the teenagers these days like Facebooking, Online games and internet browsing. Hindi pa kasama diyan ang MALLING.
Natatandaan ko iminulat kami na maging responsable sa bahay lalo at wala ang aming magulang. Yon bang matuto kaming magluto, maglinis at mag-alagaan kahit na mayroon kaming katulong.
Naalala ko pa noong ako ay limang taon (OO Birhinya, natatandaan ko yon kasi nasunog ang binabantayan kong kanin), inutusan ako ng aking kapatid na bantayan ang nilulutong kanin habang naglilinis siya at iba ko namang kapatid ay naghahanda ng ulam.
May pinuntahan ang aming magulang sa labas ng bayan at ang kaniyang iniwanang dapat mag-asikaso sa amin ay umalis din ng walang iniwang pagkain.
Bilang lider ng "Brady Bunch" ang aming panganay ay nagdesisyon na hindi kami magugutom. Nagbigay siya ng mga toka sa amin para madaling mtapos ang gawa. Ang sa akin nga ay ang pagbantay ng sinaing.
Utos niya, huwag akong lalapit at baka ako maligwakan. Hayaan ko lang daw kumulo. Kaya ako namang mabait, ay binantayan ko ang sinaing na akala mo ba ay tatakbo ang kaldero. OO Birhinya, hindi pa noon rice cooker.
Sabi bantayan ko lang at di sinabi na bawasan ang apoy pagluto na. Kaya kumain kami ng kanin na matigas at sunog. Sabi ng kuyakoy, yon daw ang unang niluto ko kaya dapat kaming magpasensiya. Next time ,sabi ko hindi na yon sunog. Sumunod nga parang lugaw.
Tuwang-tuwa ang aming magulang ng malamang we managed kahit iniwanan kami ng nanny. Nakipagdate pala. Talsik siya.
Hindi alam nang nakakarami na ang insidenteng yaon ang naghubog sa amin upang huwag umasa kahit kaninuman kung hindi sa aming sarili.
Tinuruan din kami ng aming ina ng wastong paghuhugas ng pinggan at kubyertos. Unahin ang mga baso upang ang mga ito ay hindi nagiging malabo pag banlaw.
Tinuruan din kami ng wastong pagluluto sa matipid na paraan katulad ng tamang apoy lamang. Ito ang kinaiinisan ako ng sinumang makita ko na sobra-sobrang magbukas ng kanilang gas na lumalampas sa puwet ng kaldero o kawali. Force of habit ikanga. Dapat huwag akong makiaalam.
Ang ayaw ng aming ama ay ang may tambak sa lababo ng mga pinggang pinagkanan. Hindi rason sa amin ang mayroon kaming tinatapos na assignment dahil pag weekdays ay walang katapusan ang assignments. Kahit na nag-uuwi ka pa ng maraming medalya.
Iminulat sa amin ang time management. May panahon ang pag-aaral. May panahon ang paggawa sa bahay at may panahon sa paglaro. Noon madali kasi walang internet, walang computer. Ngayon kahit nag fifacebook lang ang mga anak ay nagsasabing nagreresearch para lang makalibre sa mga gawaing bahay. Hindi alam ng mga magulang na ang akala sa Facebook ay isang libro. TOINKK.
Marahil nadala ko as disorder yong uminit ang ulo pag nakita kong may nakababad sa lababo. Madalas sabihin kasi ng mader ko noon pag may nakababad, ANO MALAMBOT NA BA? ANG ALIN? ANG MOMO? HINDI ANG PINGGAN? PWEDE BANG BASAGIN NA PARA WALA NANG HUHUGASAN?
Ang aking mga tsikiting gubat noon ay may mga tatlong alalay sa bahay. Pero ang aking batas militar ay...ang breakfast is served between ....and dinner is .... Pag wala ka sa oras na yan, magpahinog ka. Ibig kong sabihin ay magluto ka kung walang pagkaing natira at maghugas ka ng sarili mong pinggan.
Bago ko sila kinuha sa States, sila ang pinaglalaba ko sa damit nila sa washing machine para masanay sila ng gawaing bahay dahil dito sa States walang katulong. Ping-aral ko rin silang magluto.
Pero matalino man ang matsing napaglalangan din. Isa kong tsikiting gubat ang mautak. Bumibili ng lutong bahay sa Filipino store noon sa California, inilalagay sa kaserola na para bang niluto niya. Bilib na sana ako na naging instant chef ang pinag-aral ko ng crash cooking program kung di ko lang nakita yong resibo. Tseh.
Kaya pag nakikita ko ang mga batang hindi pinagagawa sa bahay para may oras mag-aral, naiisip ko na hindi tinutulungan ng magulang ang mga batang ito bagkus ay pinamimihasa sa komportableng pamumuhay kahit wala namang katulong. Ang lahat ng gawa ay nasa magulang. Pag wala ang magulang, hindi sila magsisikain. Ang pinaguusapan natin dito ay hindi na mga teenagers.
Pinaysaamerika

Subscribe to:
Post Comments (Atom)
4 comments:
Ganyan din sa loob ng haus namin madam. Pag umaalis si mama at papa, kami ang in-charge ng bahay, lalo na ako, dahil ako ang panganay.
Sa amin, ang house rule e dapat bago atupagin ang trabaho (lalo na sa kaso na maghapon na nakaupo sa kakasulat), kelangan makagawa muna kami ng household chores.
Mahigpit din ang aking mama pero okay lang. Minsan parang machine gun din kapag nanermon pero ayos lang. Susmio, saan pa ako makakuha ng magulang na ever supportive naman sa mga endeavors ng anak nila - yun tipong sinusuportahan ang mga anak nila towards potentials development.
Ang di ko namana sa aking ina e yung pagluluto. Hamak na mas magaling pa rin magluto ang aking ina kesa sa akin. Sa paglalaba naman e exempted ako dahil di ako pwede maglublob sa sabon dahil sa skin asthma ko. Hehehhe.
silver,
ganoon mother ko. father ko tahimik lang. as much as possible naman may kinukuha silang help para sa paglalaba at pamamalantsa.
ako tahimik din pero i alk to them heart to heart. pero kung minsan daw kasi wala akong puso. hahaha
ngak ngak ngak ngak...
walang puso...hahhahah...
i wonder kung anong masasabi ni parekoy lee about sa post na ito. takte, mukhang nakipag-inuman na naman sa mga taga-great wall ang lukong yon. hahahhah.
silver,
di makalusot sa great wall. nag-aaway pa ang gugol at ang Tsina sa hacking ng mga e-mail ng mga activists. pati raw yong bagong phone hindi imamarket sa Tsina.
Post a Comment