Advertisement

Thursday, January 14, 2010

Presidential Debate- OFW issue

Dear insansapinas,


Isa sa mga tanong sa debate na ginanap sa AIM  
ay ang issue ng mga OFW.


Si Gibo Teodoro at si Manny Villar ay para sa pagsuporta sa mga OFWs habang si Dick Gordon ay para sa pananatili ng Filipino sa Pilipinas.


Hindi ko narinig kung paano niya gagawing posible yon dahil sa mga sumusunod na dahilan:


1. In demand ang mga Pinoy sa abroad
2. Magaling na trabahante ang mga Pinoy
3. Inggitero ang mga Pinoy - woops - Totoo naman. Sa isang baryo o bayan, pag may nakapag-abroad, asahan mo may mga maiinggit na sisikapin ding magapagabroad dahil marahil udyok ng magulang, anak o kaibigan.


4. Ang mga kamag-anak na nakapag-abroad ay pipilitin nilang sumunod ang mga kapatid, anak, pinsan, magulang, apo at kaht ampon.


Ito ay hindi lang sa Pinas kung hindi sa ibang bansa rin kung saan ang paghihirap ay hindi problema.


Pinaysaamerika

No comments: