Advertisement

Thursday, January 14, 2010

Dalawang Doctor

Dear insansapinas,

Bago ako lumipad sa lugar ng kapatid ko ay siniguro ko muna na ang doctor na irerekomenda niya ay malapit lang.


Sabi naman niya ay sa kabilang kalye lang. Hige.


May isa akong doctor na medyo malayo at para makapunta roon baka ang aking stress level pointer ay umigkas-igkas ng paitaas bago ako matingnan.


Unang appointment ko noong Miyerkules. Sakay kami ng kotse. Dumaan sa isang bloke, ikalawang bloke, ikatlong bloke...parang nagdadrive kami sa Rodeo Drive. Sabi ko akala ko sa kabilang kalye lang.

Kabilang kalye nga ang bahay niya pero ang kaniyang clinic ay 15 minute drive. Stupid me nga naman. Toink


Ganoon pala siya talaga kasi noong isang araw naman ay nagyaya akong bumili ng coconut water. Sabi nya nandiyan lang, sabay nguso sa labas ng bahay.Wala naman akong nakitang tindahang malapit dahil wala namang tindahan sa lugar na iyon na residential.


Sumakay pa rin kami ng kotse. Husme, kasinlayo  pala ng dulo ng daigdig ang pupuntahan namin.

Kaya ngayon, pag sinabi niyang malapit lang, pinasusulat ko kung ilang kilometro at gaano katagal kaming makakarating doon.


Inisip ko tuloy na dapat yong isang doctor na babae ang kinuha ko.


Kagabi may bisita ako. Kuwentuhan. Yon daw Doctor (insert name) ay biglang nag-alsa balutan at iniwang ang asawa sa clinic nila. Wala nang balikan.


Kung siya pala ang nakuha ko purnada ang aking  gamutan.


Pinaysaamerika

2 comments:

Lee said...

hahahahaha
maraming ganyan samin.
sabi dyan lang...
yung tindahan daw katabi nung kapitbahay nya...
nak ng tekla e lawit na dila ko diko pa nararating yung kapitbahay nung nunong pinuntahan ko.

parang dyan lang yun makalampas ng poste ng meralko, e bukid nga walang koryente san ko hahanapin yung poste ng meralko? sa highway pala isang kilometro layo,at nung napatili ako sa layo e banatan ako ng...

"kami nung araw 7 kilometro nilalakad namin papuntang tindahan bibili ng posporo" toink!

cathy said...

kahapon nga may pupuntahan kami. tinanong ko muna kung may elevator.
kasi yong pinunatahan naming doctor, nasa 3rd floor. luma ang building. walang elevator. hingal kabayo ako. kah kah kah.