Definition of term: BS - bagong salta o FOB or fresh off boat
Kapag bago ka sa US marami kang dapat matutuhan pagdating sa mga promo.
BUY ONE TAKE ONE
case 1
Nabanggit ko kasi sa comment box sa aming pagpapalitan ng kuro-kuro ni Lee na bumili ako ng isang card na buy one take one. Nang dalhin ko sa cashier, expired na raw ang promo. BAKIT hindi pa nila tinanggal eh sambuwan ng expired. KASI PANG HATAK NILA NG CUSTOMER NA MADALING MALOKO. Bakit kayo nakatingin sa akin?
case 2
Sabi ng aking kaibigan, kung pwede raw bilhan ko siya ng cell phone dahil mura raw dito sa States. Babayaran daw niya ako. Nakita raw niya kasi sa internet. Ang hindi niya binasa ay required ang 2 year contract na kahit hindi na humihinga yong cell phone mong original ay magbabayad ka pa rin ng monthly service fee for connection. Pag pinutol mo ang connection, magbabayad ka ng penalty. Pag inavail mo ang next promo nila, extended ang contract. Sa mga ads sa web, fine print sila. masabi lang na inilagay doon ang condition. Syempre kung ikaw ay after sa price at hindi mo alam ang practices dito, silaw ka kaagad.
Case 3
Tumingin ako ng isang designer na pabango. hindi para sa akin. ang pawis ko puwde na. Pwede ngang gawing scent na ibotelya at ipagbili parang Chanel 5 1/2, kasi scarce. Hindi ako nagpapawis.
Nakalagay buy one take one. ANG LAKI NG MGA LETTERS. Pero sa baba ay may nakalagay. Buy one take one for half the price. !@#$%^& . Laglagan ang mga display.
Noong bago ako sa States at excited akong may return address na maganda ang design sa murang halaga at check book na may design, order naman kaagad ako. Kuwenta ang utak ko gamit ang abacus kung paano nakakaafford ang kumpaniya na ipagbili yon sa murang halaga, mahigit kalahati ang baba ng presyo ng chincharge sa bangko.
Tapos mga ilang buwan, halos masira ang aking mail box sa junk mails. Isip ko saan may espiya na nakakuha ng aking address. Yon pala negosyo rin nila ang pinagbibili ang mga pangalan sa mga researchers kagaya ng listahan ng mga narses, accountants, etc. Sa ganoon yong mga kumpaniyang may mga producto na pwedeng ibenta sa mga professionals na ito ay may mailing list na tinatawag. Mas malaki ang kinikita nila doon.
Meron pang isang sales blitz na ipagbibili siya ang paperbacks o anumang libro at one dollar. O di ba ang dami mong bibilhin. Dollar lang eh. Ang hindi mo alam pagkatapos niyan every month padadalhan ka na ng mga libro na nagkakahalaga ng mahigit 20 dollars. Noon tinatanggap nila ang return pero nang tinanggihan na ng Post Office ang mga ganoong klaseng return mail, mapipilitan ka ng bayaran. Lalo pag nakacharge pa sa credit card mo.
Ganito rin yong mga trial subscription ng mga journals, magazines at iba pang may regular edition monthly.
Libre for the first six months tapos ichacharge ka na after six months kung hindi mo sasabihing ayaw mo na.
Dahil busy ka makakalimutan mong magbigay ng notice na hintuan na ang subscription.
Noong bago ako sa US, punta kami sa Monterrey, Calif. Sa park doon ang daming squirrel. Ang tataba kumpara sa mga squirrel dito sa East coast.
Dahil sa park sila, sanay sila sa mga tourists na nagpipicture. I am not pulling your legs pero talaga nakikipose sila o kaya hindi sila gumagalaw habang hinihintay nila na kunan mo sila ng pic.
Ito ang kuha ng mag-asawa sa isang squirrel photo crasher.
9 comments:
tawa ko dun sa squirrel na muntik pang tinakpan yung magasawang nagpa kodak hahaha.
matindi rin dito, dun sa tag price nung celphone kunyari e 600, pero pag babayaran mo na e 650, itatanong mo ngayon kung bakit ganun,ipapaliwanag naman sayo ng maigi at ang haba pa....kaso intsik!
pati naman laptop mas mura dyan di hamak kesa dito mam,kaso baka naman my contract din...ng internet connection for 2 years bwahahaha.
haynaku wag kang maniwala sa mura ang laughtop dito. walang laman software yong kung hindi windows at mga ibang accessories.
yong nanadiyan naman ay nilagyan na nila ng mga software.
tapos may warranty pa na idagdag saiyo for 2 years. eh kung ipadadala mo sa pinas.
dito naman kasi inchik pati software kaya pag ginawa ng ingglis e kurapted/peke na yung ikinarga
kaya mayat maya e sasabihin sayo nung windows mo e
peke yung gamit mo,ngak!
pero celphone dito ako nabili,kasi minsan kelangan ko rin talaga ng chinese characters,importante din, saka kasi daming peke satin katakot,atleast dito itatanong mo kung orig o peke sasabihin sayo talaga kung fake yun,kasi talagang magkamukha e,
pero wala namang fake pag dun
ka bumuli sa mga outlet talaga.
sa pinas din pirated ang mga software.
dito hindi pwede nadedetect nila.
ididisable ang software mo.
meron din sigurong pekeng cell phone dito eh kasi hindi mo pwedeng lagyan ng connection.
kasi nakakakabit ang cell phone compan y sa phone service na usually magkakasama sa isang package ng cable,internet at phone.
ang meron dito disposable na kagaya ng nakikita sa mga spy movies na hindi natitrace ang tumawag dahil tinatapon nila yong cell phone . meron nga ako noon. hanggang ngayon di ko pa nabubuksan.
bakit meron kang untraceable celphone?may balak ka bang tawagan na ayaw mong ma-trace? hehe
di ba pwedeng ireklamo yang buy1 take 1 promo na tapos na pala pero naka display pa?
naiistress ako pag nagriring ang cell phone ko. dala-dalawa kasi noon. isa sa day job at isa sa negosyo.
nang mag-expire yong contract ko sa aking mobile phone, hindi na ako nagrenew. meron naman kasi kaming unlimited calls sa US.
kaya kung ako ay lalabas at kailangan ang cell phone, yong prepaid card phone ang gamit.
ngayon maganda na ang features niya at puwede na ring ikabit sa family
phone service package.
pero sa atin-atin lang ito, nagmomoonlight akong spy. bwahahaha
Post a Comment