Advertisement
Wednesday, January 27, 2010
Photoshopped Beauties, Gamitan Blues and Political Ads
Dear insansapinas,
Hindi na ako naniniwala sa mga cover at mga photos ng celebrities sa mga magazines. Kahit sangkatutak na mga produckto ng pampayat at mga clinic na humihigop ng taba, hindi pa rin kapanipaniwala ang mga katawan at mukha ng mga celebrities sa retrato. Hindi na airbrushing ang ginagamit nila kung hindi photoshopping na.
Yong Nip and Tuck hindi ginagawa sa actual na katawan kung hindi sa retrato.
Tingnan ang photo gallery ng mga obvious photoshopped beauties.
From the mail
Sabi sa akin ng nag-email, akala raw niya, mayaman na ang isang babaeng singer na paiyak-iyak at tumatakbo bilang VP. Bakit daw ang concert niya ay panay Pinas pa rin?
Ang kaniyang huling Concert ay kasama niya si PACMOM. Yong mother ni Pacman, gustong maging singer; siya naman ay nagkakandidato at popular ang nanay ni Pacman. Gamitan lang daw ba yon?
Ewan ko kasi hindi ko naman nababalitaan na may concert siya sa US o dahil wala naman akong hilig sa concert. Minsan kasi sumama akong manood ng concert ng isang comedian/singer. Complimentary ang ticket namin. Bigay ng mga kumpanya na napipilitang bumili ng sandamakmak na ticket as sponsor. Nang walang sumipot sa mga matataas ang bayad na ticket, inallow ng producers na lumipat sa harapan yong may pinakamurang tickets masabi lang na maraming nanonood. Lugi naman yong bumili ng "ringside" tickets.
POLITICAL ADS
E-mail ng aking kakilala, nasa political ad daw siya ng isang Vice-Presidentiable. Wow sabi ko. Tanong ko kung magkano bayad sa kaniya, sabi niya wala raw. Basta lang daw makita sa TV. *heh*
Sabi niya yon daw ad ni Gibo reminds her of my lecture in the Grad School about being the CEO of a corporation. CEO is compared to a pilot who takes charge of the plane.
Lumilipad daw si GIBO o nagpapalipad ng eruplano. Sa mga intellectual community na kinabibilangan ni Marlene Aguilar :) pwede nilang makuha ang mensahe. Sa mga common-tao at mga masa di nila getz ang ibig sabihin.
Ako rin kung makikita ko, magtatanong ako kung ano ang gusto niyang palabasin. Ang IQ ko kasi pwede nang maabot kahit hindi tumapak sa bangko.
Kay Noynoy daw ay nandoon ang mga tatay at nanay niya at sa bandang huli ay syempre ang anak ni Kris na si Baby James.
Si Villar daw ay inindorso n Dolphy. Eat your heart out, Erap. Sa milyong talent fee, walang kaikaibigan, walang pinsan-pinsan at walang kapatid-kapatid.
Pinaysaamerika
.

Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment