Advertisement

Wednesday, March 23, 2011

Day Care Business

Dear insansapinas,

Day care business is a good business especially the type which is federally funded. Oo, Virginia.
Kung walang mag-aalaga sa anak mo and you are working or trying to get out of the welfare program of the government by stretching your muscles and let the fingers/hands do some dirty work, the government is going to give you voucher to pay the daycare owner. Parang board and care din, gobyerno ang bumabayad para sa pag-aalaga ng mga matatanda. Ang kulang pinupunuan ng pamilya. Kaya walang lugi ang negosyo. Tipirin mo pa ang pagkain ng mga bata at mga matatanda, lalo ng tubong nilugaw ka.

Itong balita at tungkol sa isang may-ari ng day care. Twenty two years old lang at may mga pito na siyang batang inaalagaan. Kailangan may ratio ang nanny sa mga bata. Nakatanggap na siya ng mahigit 10,000 dollars galing sa gobyerno at lumabas siya para mamili sa Target. Iniwanan ang mga bata na walang kasamang adult at may niluluto pa sa kitchen. Akala niya pagnawala siya ng wala pang thirty minutes, walang mangyayari.


Nagkasunog ngayon na pumatay sa apat na  bata at nag-injure sa iba  pa. Nagsinungaling pa na nandoon siya sa bahay nang magkasunog.

Habang iniimbestigahan, tumakas siya sa Nigeria. double citizen siya eh. Sa Pilipinas lang naman hindi nakikita ang mga nagtatago. Hello, this little pig is no longer Harrison (Fugitive) Ford.


Huli siya. Extradited kaagad. Pag mga bata dito ang involved huwag kang loloko-loko. Parang naaksidente diyan na ang driver ay mawawalan ng mukha sa bugbog ng mga taong galit sa mga pumapatay/nag-aabduct sa mga bata..


Ngayon nakakulong siya 23 hours a day. Pag-inilabas siya naka Kevlar para sa kaniyang protection sa mga papatay sa kaniya. Ang mga akala ang nakakapatay.


Isa pang Daycare Center
Isa ring daycare center ang ni-raid ng police at nakakitaan ng mga bawal na gamot, mga sex toys mismo sa laruan ng mga batang inaalagaan nila. Biruin mo, meron silang 15 bata. Kung bawat isa ay nagbabayad ng 500 a month, kumikita na sila ng mahigit na 7,500 a month. Nasa bahay lang sila at madalas pinapatulog ang mga bata.
During the bust, agents found $6,000 worth of crack cocaine, several bags of sex toys and $4,000 cash.Reanell Booker,50, who ran the R&B Childcare Services along Rosedale Street, was taken into custody, police said.Investigators said they found sex toys and pornography sitting around in the children's playroom when they conducted their raid.According to police, about 10 to 15 children are enrolled at the day care. Agents made the arrest at 7 a.m. prior to the children arriving.

Hindi naman lahat ng daycare center ay ganoon. May kaibigan ako na dinadala sa daycare center ang kaniyang anak na pag-aari ng Filipina. Ito mga can-afford ang mga parents; parehong working at walang kasama sa bahay.


Ang napapansin ko lang noong bago pa lang ay dalawa lang ang  emosyon ng bata. Ang nakasimangot at nakasimangot. 


Noong tumagal, naging happy na siya. Pero sumasayaw na siya ng seksi. Kumakain ng boy bawang at sumisigaw ng Wowowee. Nasa TFC pala palagi ang TV sa isang kuwarto. Naiskandalo ang aking kaibigan na kahit cable, hindi nagsusubscribe.


Dahil ilang Linggo rin akong tumira sa kanila, nakakalaro ko ang bata. Bago ako umalis ay umiiyak na siya.


Pinaysaamerika

3 comments:

Anonymous said...

ouch, grabe naman yun,ayan tuloy pera na nya monthly naging bato pa at naging rehas pa kasiping nya...

buti mam dimo tinuruan ng spaghetti pababa at pataas hahaha.
~lee

cathy said...

ako nga ang tinuturuan eh. hak hak hak

Anonymous said...

waaaa bale ako lang pala di natuto ng spaghetting pataas pababa nayan lol
~lee