Liz Taylor in Cleopatra |
No Virginia, these were not movies of Elizabeth Taylor except for Cleopatra. I have watched these movies several times. One common denominator of the three movies was that they were more than three hours viewing.
Pag nag-order ka ng pizza, naubos mo na ang malaking size,naubos mo na ang isang galong root beer at isang box ng pop corn, hindi pa rin tapos. Pwede pang nakipag daldalan ka pa sa kaibigan sa telepono.
So yesterday, I chanced upon Dr. Zhivago again in the American Movie Classic Channel. . Hindi ko kasi naintindihan kung sino talaga ang mahal ni Dr. Zhivago; yong asawa niya si Tonya ( Geraldine Chaplin na anak ni Charlie Chaplin) o si Lara (Julie Christie) na sa pelikula ay asawa ng isang rebolosyonaryo. Isa pang kasama sa plot ay ang giyera na meron din sa Cleopatra at Gone with the Wind.
Ang movie theme song ng Dr. Zhivago ay Somewhere My Love.
Yon bang Somewhere my love hmhhm hmmmm.
Sa Gone with the Wind, nandoon din ang love ni Scarlett para ka Ashley ang asawa ni Melanie. Nandooon din ang American evolution na sumira sa mga aria-arian ng pamila ni Scarlett.
Sa Cleopatra, iniwanan ni Marc Anthony ang kaniyang asawa para sumama kay Cleopatra hanggang kamatayan. . Di bale na ang kaso ni Caesar, ginawa lang ni Cleopatra yon para may kakampi siya laban sa kaniyang kapatid.
Maolokah ka pag tiningnan mo ang mga centuries kung kailan sila nang yari. Yong kay Cleopatra ay noong 48 BC; ang Dr. Zhivago na isinulat ni Boris Pasternak ay nangyari noong Bolshevik Revolution (1917) at ang Gone with the Wind ay noong American Revolution (1861-1865).
Iba't ibang dekada pero pare-parehong plot. Bawal na Pag-ibig at Giyera.
Huwag ninyo akong tanungin, bata pa ako sa mga bagay na yan.
Aray (natalisod) madilim kasi para sa Earth Hour.
Pinaysaamerika
No comments:
Post a Comment