Advertisement

Monday, March 07, 2011

End of the World May 21, 2011


Dear insansapinas, 

The Mayan prophecy according to its long calendar is that the end of the world is on December 12, 2012. Well there is a group who is predicting that the doomsday is on May 21,2011. This I got to see. Pero paano mo makikita kung magugunaw na ang mundo. Sabi naman nila, may 153 days pa bago mamatay ang lahat ng tao. 

Ito ang story:

They gave away cars, pets, music collections and more to relatives, friends and neighbors. Some items they kicked to the curb. In homes that weren't emptied, clothes are still hanging in closets, and dishes, books and furniture -- including one man's antique collection -- are gathering dust. Unless, of course, they've been claimed by others. If you believe it's all going to be over soon, why would it matter if you close the front door, much less lock it, when you walk away?


It's a mid-winter morning in Jacksonville, Florida, when CNN joins this faithful caravan. The "ambassadors," as they call themselves, are easy to spot. They are the 10 people milling about in an RV park drawing stares, eye rolls, under-the-breath mutters and, at times, words of support.
They're wearing sweatshirts and other clothing announcing the "Awesome News," that Judgment Day is coming on May 21. On that day, people who will be saved will be raptured up to heaven. The rest will endure exactly 153 days of death and horror before the world ends on October 21. That message is splashed across their five sleek, vinyl-wrapped RVs, bearing this promise: "The Bible guarantees it!
 The proponent of this belief is Camping, the one who predicted that the world would end on September 6, 1994. 


Hindi na nadala at may mga naniniwala pa. 


Nagtataka tayo bakit napapaniwala ang mga tao sa ganitong fanaticism ng mga kulto. 
Noong 1997, may 39 na miyembro ng Heaven's Gate ang magpakamatay sa San Diego California dahil sa paniniwalang katapusanna ng mundo at ang kanilang kaligtasan ay sumakay sa alien ship na nakasama sa Haley's comet. Natatandaan ko pa noon na nagkakandarapa ako sa pagtingala sa langit para hanapin ang comet na pinaniwalaang siyang lumabas doon sa pagsilang ni Jesus sa Jerusalem. Ang pahayag ng mga kamag-anak ng nagpakamatay ay pinagbawalan daw ang mga miyembro na makipagcommunicate sa kamag-anak at pati na sa mga kapitbahay. Control.


Kung inaakala ninyo na wala tayo sa Pilipinas nito, kayo ay nagkakamali. Isang kaibigan ko na ang dating boyfriend ay nasa NBI ang nagkuwento na minsan ay may penetrate silang kulto na inireklamong niloloko ang mga miyembro. Huwag mong isnabin ang mga miyembro, mga mataas ang pinag-aralan. Sinisingil sila ng kulto ng ilandaang piso ang mga walang trabaho na bibigyan ng trabaho na dolyar ang bayad. Ang pagkakaalam ay isang space ship itong itinatayo sa Zambales para sa magququalify na maisama sa Rupture.
Nang sila ay mag-undercover at nag-apply, napansin nila na sila ay hinihipnotize ng leader. Sa maiksing salita, nahuli ang grupong yon. Hindi ko na napakinggan ang end ng story dahil umalis na ako. 


Meron pang isang kulto naman na naibalita sa diyaryo at ang leader ay kapitbahay ng aming kasamahan sa trabaho. Pinaniwala naman niya na siya si Jesus at pagnamatay siya ay muli siyang magbabalik.
Hindi inilibing ang kaniyang bangkay. Pinapaliguan ito ng mga miyembro na nagpakalbo para malaman na sila ay miyembro. Sabi ng kasamahan naman sa trabaho, marami raw itong nirape na mga batang babae. Naging bungo na ang bangkay, hindi pa rin siya bumalik. Ewan ko nagpatubo na yata ng buhok ang mga miyembro.


Pinaysaamerika

No comments: